keep safe everyone! Wear your mask always, and take care of yourself mwa wuvyu❤
---
Papunta na ko ngayon sa school. And how unlucky I am, wanna know? Kasi eto ako nakaangkas sa motor ni kuya. Si mama kasi e! Sabing kaya ko na mag commute pero hindi pumayag. Kaya mula ngayon daw sasama na ko kay kuya. Alam kong si kuya ang may pakana nito! Kala niya papansinin ko siya tsk asa siya.
Pag dating sa school at pinark niya ang motor ay bumaba agad ako at dali daling lumakad papunta sa classroom. Tinatawag naman ako ni kuya pero di ko siya nilingon. Kaya laking gulat ko noong hinawakan niya ako sa kamay at pinaharap sa kaniya. Napairap naman ako tsk kala niya papansinin ko siya? No way.
" Baby pansinin mo na kasi ako, hindi ako makakafocus nito pag ganyan ka. Pramis sasabihin ko na sayo kapag may date ako " sabi niya pa tsk. I rolled my eyes.
" Wag mo na akong sabihan, wala na kong pake kung may date kang shokoy ka ok? Kaya bitawan mo na ko andiyan na bf ko" yan tuloy ang nasabi ko kasi nakita ko yung lalakeng magnanakaw na papasok sa school at omy dito din siya nag aaral?
Mukhang masama yata ang pag enroll ko dito ah? Saktong pagbitaw ni kuya sa kamay ko ay palapit na ang lalakeng magnanakaw sa kung saan kami ni kuya kaya hindi na ko naghintay, nilapitan ko siya and I intertwined our hands. It's now or never, fudge it's ok self ginawa mo lang to dahil gusto mong lumayo kay kuya ok? Ok nothing more.
Alam kong nagulat si shokoy sa ginawa ko. Kasi pag lingon ko nandoon pa rin siya nakanganga. Alam kong tatanungin niya tong lalakeng magnanakaw mamaya mukhang mag-classmate o magkaibigan sila e.
" Keep walking kuya, help me to get away from that shokoy at kapag tinanong ka niya sabihin mo girlfriend mo ko gets? " tiningan ko siya at walang reaksyon na naman ang mukha. At hindi naman siya umangal kaya pag dating namin sa classroom nandon na ang apat mukhang hinihintay ako. Nakita ko ang gulat sa mukha nila nung nakita nila kung sino kasama ko. At nalaglag ang panga nila nung nakita ang magkaholding hands na kamay namin. Kaya bumitaw na ako.
" Uh hi, morning" awkward kong sabi sa kanila. Tiningnan ako ni Dawn at parang alam ko na kung ano ibig sabihin non like "Magpaliwanag ka samin mamaya". Right, ano kaya ang reaksyon nila kapag nalaman nila na itong lalakeng kasama ko ay yung lalakeng magnanakaw na tinutukoy ko kahapon?
Bumaling ako sa lalakeng magnanakaw. Nakatingin lang siya sakin. " Uh thank you for saving me from that shokoy " I smiled at him. Napataas lang siya ng kilay. At nagulat ako nung nilapit niya ang mukha niya sakin. Nakarinig ako ng mga singhap galing sa paligid lang namin. At syempre mas malakas ang ingay ng mga bruha.
" It's not free, ililibre mo ko mamayang lunch get it? " so that means sabay kaming dalawa mamayang lunch? Omy I kennat. Napatango nalang ako. Shit wala akong masabi. Ngumisi naman ang siya nung nakita reaksyon ko.
" Mamaya, 11:30 a.m hihintayin kita dito pagkatapos ng klase mo, bye bata " and wth? Did he just called me BATA? Hoy gago ka lalakeng magnanakaw! 17 na ako! 17!
And after our classes this morning, true to his words hinihintay niya nga ako sa labas. Kaya napatingin ako sa apat pero tumango na sila na parang alam na. Ngumiti ako sa kanila, " Sorry babes babawi ako sa inyo mamayang hapon " at aba napangiti ang apat kala mo nanalo sa lotto. Kaya tinutulak-tulak nila ako papunta sa lalakeng magnanakaw na naghihintay.
" Bye Gail see you later, basta ipaliwanag mo samin at sabihin mo kung sino yon ok? Tara na nga bruha" hinila na sila ni Bea. I sighed, surely I will miss them kahit na ilang oras lang ako mahiwalay sa kanila. Bumaling ako sa kaniya na nakatingin sa akin. Napataas ako ng kilay, " Ano? Saan tayo kakain? " nilapitan niya ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/194395443-288-k749183.jpg)
YOU ARE READING
Lost In The River
AlteleLOST SERIES #1 // AGA // She got lost. He found her. She lost her memories. He found her, Again. Is it the end? Or it's just the beginning?