Enjoy reading pips!
---
Pag dating namin sa 7/11 ay nandon na ang mga babae mukhang kanina pa. Lumapit na ako sa kanila.
" Hindi naman kayo excited, yeah? " asar ko. Inirapan pa ako tuloy.
" Tagal mo " reklamo ni Dawn.
" Sorry madame, alis na tayo mag gogrocery pa tayo and all diba? " at sa labas ako umupo. Iyan ang dahilan bakit pickup ang dinala namin kasi ayaw ko sa loob, gusto ko fresh air. At baka madami ang bibilhin namin panigurado yan. Matakaw pa naman kaming lahat.
" Oy diyan ka? Sige diyan rin ako " masayang sabi ni Bea. Tinulungan ko siyang umakyat. At sumunod naman si Cheng at Marie. Aakyat na sana si Dawn noong lumabas si kuya.
" Aba? Mukha ba kong driver dito? " inis na sabi ni kuya. Nagkatinginan kaming apat na nasa labas. Hmm I know what they're thinking! Hahaha
" Op op op Dawn, hindi na tayo kasya dito kaya doon kana sa loob! " pinigilan ni Marie si Dawn na aakyat na sana. Inis na tumingin sa amin si Dawn.
" Humanda kayo mamaya sakin " banta niya at pumasok na sa front seat.
" Hahahahaha sus kinikilig kalang eh!" Sigaw ni Cheng at napatawa naman kami ng lahat. Panigurado kuya is making his move haha.
Pagkadating namin sa grocery ay dali-dali kaming bumaba at pumasok sa loob. Iniwan si Dawn kay kuya. We giggled at the same time when Dawn entered and she hurriedly walk towards us.
" Oh oh! Run! " sabay naming sabi kaya naman napatakbo kami kung saan saan. Lumingon ako at hindi ko na nakita si Dawn. Titingin na sana ako sa harapan kaso nabangga ako sa isang tao.
" Fuck! " gulat na sabi ng lalaking nakabangga ko. Napatingin naman ako sa kaniya at...
" Have we met before? " takang tanong ko sa kaniya. He's so fudgin' familiar! Napahawak ako sa ulo ko noong sumakit yon.
Familiar talaga ang itsura niya! His hair's messy, his eyes is sooo singkit, maputi siya, matangkad nasa 6 ft ata, sooobrang pointed ang kaniyang ilong, at mapupulang labi. In short handsome. So handsome na familiar talaga.
Parang nakita ko na siya. Pilit kong inaalala kung saan pero sumakit lang ulit ang ulo ko.
" Are you ok, Aud- I mean miss? " nag aalalang tanong niya. What did he say? Ano sana ang sasabihin niya? Ah hilo lang to.
" Have we met before? " tanong ko ulit habang nakahawak pa rin sa ulo ko. Natigilan siya. Parang may sasabihin pero pinipigilan ang sarili.
" Uh actually--- " naputol ang sasabihin niya noong may tumawag sa akin.
" Gail! There you are! " narinig ko ang boses ni Kuya. Masaya yung mukha niyang makita ako pero nag bago yon noong nakita niya kung sino ang nasa harap ko. Ang masayang mukha ay napalitan ng gulat. Eh?
" Ton? " gulat na tanong ni kuya sa lalaking kaharap namin. Pero ang tinawag ni kuya na Ton ay hindi man lang nag bago ang itsura.
" Denz " bati ni Ton ba name niya? Basta yon. Nakatunganga lang ako sa kanila dahil hindi ko alam kung paano sila nagkakilala? Bago pa lang to ang lalaking to sa paningin ko.
" Bakit ka nandito? Sino kasama mo? Siya ba? " tanong ni kuya. Huh?
Tiningnan muna ako ng lalaki bago sumagot ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
" Hindi, nandon siya sa Spain, diba ceo siya sa company niy--- " bago pa matapos ang sasabihin niya ay tinabunan na ni kuya ang bunganga ni Ton. Wait ganyan ba sila ka close?

YOU ARE READING
Lost In The River
De TodoLOST SERIES #1 // AGA // She got lost. He found her. She lost her memories. He found her, Again. Is it the end? Or it's just the beginning?