Enjoy reading! 🙂
---
Nagsimula nang mag discuss si ma'am ng lessons niya.
Napatingin ako sa may bintana ng may nakita akong tao na nakatingin sa bandang room namin.
Tinitingnan ko lang siya hanggang sa kumaway siya. Napataas agad ako ng kamay.
" Ma'am can I go to the clinic? " tanong ko at tumango lang si ma'am. Tumingin naman ang mga kaibigan ko sa akin.
" I'm okay " I whispered to them. Lumabas na ako at tumakbo patungo sa pupuntahan ko. Pagdating ko doon ay nakita ko siyang nakatingin din sa akin at nakangiti.
Habang palapit ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba kanina pa ito e mula noong hinatid niya ko. It's giving me goosebumps.
It's really freaking weird right? I just met him. Si Carlo yung gusto ko, heart hindi si Mr. Zoner.
" Stop staring at me, woman " after he said that bigla nalang sumakit yung ulo ko.
That words...
That kind of voice saying that line...
Naramdaman ko yung kamay niya na nakaalalay sa akin para hindi ako ma-out of balance.
" You okay? Come on let's go to the clinic " nag-alalang sabi niya pero umiling lang ako.
" It's okay, I'm okay " sabi ko at umayos na. Medyo ok na ako.
" You sure? If sumakit ulit yan hindi na ako magdadalawang isip na dalhin ka sa hospital mismo " seryoso niyang sabi.
" Nako ok na nga ako " tumawa tawa pa ako para ipamukha na ok na talaga ako pero si tsong niyo ayaw maniwala.
" Promise! " sabi ko at tumango nalang siya.
" Um, can I ask you something? " sabi ko. Tumango lang siya.
" What are you doing here? " tanong ko at tumingin naman siya sa malayo na parang may inaalala.
May binubulong siya pero hindi ko naman maintindihan.
" What? " naguguluhang tanong ko sa kaniya.
" Nothing, may itatanong sana ako sa iyo e " sabi niya. Tinaas ko nalang ang kilay ko.
" Uh date tayo? Please I know hindi mo pa ako kilala masyado pero just give me a chance. I promise wala akong gagawin na masama sayo, I'll be good. Just say yes please? This is my last chance before I.. " hinihintay ko pa ang sabihin niya pero hindi ko na narinig. He's looking away from me! Ano kaya iyon?
" Ok " sagot ko. Isang date lang naman diba? Sana hindi kami makikita ni Carlo. Nako ayaw kong isipin niya na wait, hindi pa naman ako umamin kaya ok lang pala.
Napatingin ako sa katabi ko. Nakatunganga lang. Ang weird niya talaga!
I snapped my fingers in front of his face.
" H-huh? "
" I said kailan tayo mag dedate? Dali babalik pa ako sa klase ko Mr. Zoner " iritang sabi ko. At baka may makakakita pa sa amin dito!
" I'll just text you, is that ok? " tanong niya at tumango nalang ako. Lumakad na ako palayo sa kaniya.
Noong dumating na ako sa room ay saka ko palang naalala na hindi ko pala binigay sa kaniya ang number ko. Ang bobo naman.
Pero bahala na. Baka magkikita pa kami mamaya. Napangiti naman ako.
Wait...
" Bakit ka ngumingiti diyan? You look creepy bff " sabi ng epal kong katabi.
YOU ARE READING
Lost In The River
RandomLOST SERIES #1 // AGA // She got lost. He found her. She lost her memories. He found her, Again. Is it the end? Or it's just the beginning?