CHAPTER I

10 1 0
                                    

Hi! Sorry natagalan ulit. Btw enjoy reading!

---

" Ang pagkakaibigan natin ay nag simula sayo Gail, " sabi ni Dawn at ngumiti naman silang lahat sa akin.

Naguguluhang tumingin ako sa kanila.

" Bakit sa akin? Ha? " tanong ko.

" Oo sayo talaga! Hahaha " sambit ni Dawn.

" Sige na kwento niyo na " sabi ko nalang. At sana may maaalala na ko kahit konti lang hays.

" Pero baka sasakit ulo mo Gail " nag alalang sabi ni Cheng. Ngumiti naman ako at umiling.

" Kakayanin ko, basta maaalala ko kayo " sabi ko sabay ngiti ulit sa kanila para hindi na sila mag-alala.

" Wait a minute may kukunin lang ako sa bag " sabi ni Dawn at tumayo para kunin kung ano man ang kukunin niya sa bag niya.

" May picture pala tayong lima! Hindi ko na to inaalis sa wallet eh mula noong binigyan mo kami ng tig-iisang copy " masaya niyang sabi at pinakita niya sakin ang litrato.

Lima kaming nandoon parang nasa labas ng room kami ata tapos nakaakbay pa ako kay Cheng at Dawn. At ako lang ang nakangiti tapos sila ay parang gulat na gulat.

Napahawak tuloy ako sa ulo ko noong sumakit.

Hindi pa sila nagsimulang mag kwento noong parang tubig na dumadaloy ang mga ala-ala.

Nandito ako ngayon sa classroom hinihintay ang teacher namin ngayong umaga. First day of class for the new school year kasi, at Grade 6 na ko yey!

" Hi Zia! Good morning! " masayang bati ng katabi ko sa akin. Tsk ayan na naman siya! Walang sawang pagbati sa akin araw araw.

" Pwede ba? Tigilan mo ko ok? Hindi tayo close para batiin mo ko at kausapin, gets mo? " mataray kong sabi pero syempre matigas ang ulo niya kaya kinukulit pa rin ako.

" Sus! We're friends kaya! At saka close kaya tayo, " sabi niya at lumapit pa ng husto sa akin. Wala ng space aa pagitan namin.

" Ayan! Diba? Close na tayo yehey! " she said while clapping her hands like a sea lion.

" Quieres morir? " pasigaw kong tanong. Mukhang naguluhan siya kung ano ang sinabi ko.

" Oo! Basta pagkatapos friends na tayo? " nakangiting sabi niya. Mierda! Naintindihan niya ba ang sinasabi ko?

" Naintindihan mo ba kung ano ibig sabihin ng sinabi ko? " tanong ko at umiling lang siya.

I smiled at her.

" It means 'kumain kana ba?' In spanish " sabi ko at bumaling na sa harap. Hindi ko na siya pinansin.

" Hoy Azi! Quieres morir? " narinig kong sabi niya sa isa naming kaklaseng babae.

Hindi ko na narinig kung ano ang sinagot sa kaniya. Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na si ma'am, sa wakas!

" Ok class before we start, may bago kayong kaklase" nakangiting sabi ni ma'am at tinawag na ang mga transferees daw.

Ang pumasok ay tatlong babae.

Sinabihan sila ni ma'am na magpapakilala na.

Naunang magpakilala ang isang maputing babae, chubby siya at long hair na may bangs.

" Uh hi! My name is Zaafirah Chelsea dela Vega, I'm 11 years old. Please take care of me " at wow nag bow pa talaga. Parang korean lang ang peg ah?

Lost In The River Where stories live. Discover now