CHAPTER O

13 1 0
                                    

Enjoy!

---

Graduate na ako. I mean kaming anim.

I'm happy but sad at the same time. Ang gulo diba hahaha.

Happy ako kasi iyon nga graduate na kami.

Sad because, me and my friends will go to different universities and sa iba't ibang lugar pa.

Si Cheng ay sa South Korea.
Si Dawn ay sa Japan.
Si Bea ay sa Thailand.
And si Marie ay sa China.

And me? Idk. I will ask mama and papa kung saan.

Nandito kami sa isang resort. Lahat kami. Mga kaibigan ko, si kuya at mga kaibigan niya rin. Nagcecelebrate dahil nga graduate na kami ng mga kaibigan ko.

Paepal lang talaga sina kuya at mga kaibigan niya. Sabi ni kuya sa akin kanina na para daw meron man lang closure yung mga kaibigan ko na may crush sa mga kaibigan niya. Nako itong shokoy talaga!

This will be our last time to see each other. Well except kay Ton at Kuya kasi sasama daw sila kung saan ako mag-cocollege. Ano bang mga to!

Nandito kami ngayon sa pool. Nandon sina kuya at mga kaibigan niya, kasama rin si Ton sa gitna ng pool. Naglalaro ng kung ano ano ang maisipan ng mga baliw na to.

And did I mention na kasama rin si Tielo? Well ayan, oo sinama ni Kuya kasi bff niya daw.

While kami ng mga kaibigan ko ay nakaupo lang sa gilid. Pinapanood sila kuya.

Ganto position naming lima.

Ako | Cheng | Marie | Bea | Dawn

Habang nagtatawanan kaming lima ay nagulat nalang ako ng lumapit silang lahat sa amin.

They pulled us pababa sa pool. Shit! It's so cold!

" Ayan, pumili na kayo ng ipapartner niyo sa game " sabi ni kuya Beau.

" Ha? Anong game ba? " tanong ni Cheng na giniginaw rin.

" Before ko sabihin ang mechanics ay pumili muna kayo ng partner, ang walang partner ay sasama siya sa akin bilang host ng game " sabi ni kuya Beau.

Tumango naman kaming lahat at nag hahanap na ng partners. Mabilis pa sa alas kwatro ay meron ng pair ang mga bruha.

Napatingin ako kay Dawn, si kuya yung pair niya. Si Bea at si kuya Severo. Si Marie at si kuya Ryder. Kaming dalawa nalang ni Cheng ang walang partner.

Nagkatinginan kaming dalawa at napangisi. Pupuntahan ko na sana si Cheng pero hinawakan na siya ni kuya Worth sa kamay. Tatawa na sana ako ng biglang sumulpot si Ton at hinawakan din ang kamay ni Cheng.

Oh! I smell something fishy.

Napanganga si Cheng sa kanilang dalawa. Lalapit na sana ako ng may humatak sa akin kaya inis akong lumingon sa kung sino ang gumawa.

Pag tingin ko, napalitan ng gulat ang inis sa mukha ko. Si Tielo. Siya yung humatak sa akin palapit sa kaniya.

Napatingin ako sa kanila ni Cheng at nakita kong nakatingin na si Ton sa aming kamay. At bumaling ulit si Ton kay Cheng ng pilit na binabawi ni Cheng ang kaniyang kamay kay Ton.

Parang sinasabi niya na si kuya Worth yung pinili niya na maging pair.

Nakita ko kung paano nag bago ang itsura ni Ton sa ginawa ni Cheng. Pero hindi ko na iyon pinansin at bumaling kay Tielo na nakahawak pa rin sa kamay ko.

" Bakit? " tanong ko kahit halata naman kung bakit niya ko hinawakan. Tanga lang Aud?

" Tayo nalang " sagot niya. Finefeel ko ang heart ko kung bumibilis pero wala. Dapat kikiligin ako e!

Lost In The River Where stories live. Discover now