Hi guys! Enjoy reading, ily'all🍇
---
" Who are you? "
Nakahawak ako sa ulo ko, at siya naman ay nakatayo lang at nakatingin sa akin.
" S-sino ka? " tanong ko ng hindi nag-iisip kung nakakaintindi ba siya ng tagalog.
" I asked first, so who are you? "
" Gail " sabi ko. Medyo nawawala na yung sakit kaya tumayo na ako at tiningnan siya.
" Sinagot ko na ang tanong mo kaya ako naman, sino ka? " tanong ko pero hindi siya sumagot.
I sighed.
" Ok lang kung hindi mo sasabihin aalis na ko, excuse me " sabi ko at dali daling lumakad palayo sa lalaking iyon.
Habang naglalakad ay nakita ko sina kuya at Ton sa malayo. Kaya tumakbo ako papunta sa gawi nila.
" Saan ka nanggaling? Kanina pa kami naghahanap sayo " pagalit na sabi ni kuya nang makita niya ako.
Si Ton naman ay nakatingin lang sa amin pero ilang segundo ay parang nakatingin siya sa likuran ko pero bahala siya hindi pa kami bati.
" Sa garden, tara na kuya uwi na tayo" sabi ko at nauna nang maglakad palabas ng school. Uuwi na ako, baka makita ko ulit yung lalaking iyon at sumakit ulit yung ulo ko nako.
Pagkauwi namin ay pumasok muna ako sa kwarto at inilapag ang bag sa kama bago hinanap sina lola't lolo. At nakita ko naman sila sa kanilang kwarto.
Kumatok muna ako bago nagsalita.
" Lola? Lolo? Pwede ba akong pumasok? "
Binuksan naman nila agad at pumasom naman ako.
" May kailangan ka ba apo? " tanong ni lolo habang nakaupo sa kama.
" Ano pong klaseng paaralan yung atin? Kasi po yung mga students doon nakapagsalita ng tagalog " I asked curiously.
" Our school is a Filipino school, paaralan para sa mga Pilipino at sa mga tao na gustong matuto about sa Philippines, apo " sabi ni lola.
" Huwag kang magulat kapag lahat ng mga teachers doon ay mga purong Pilipino " dagdag ni lolo.
Napatango naman ako, kaya pala kanina maraming mukhang Pilipino doon kasi Pilipino naman talaga.
" Sino po yung Dean doon kung ganoon? Kayo po ba? " tanong ko ulit.
" Makilala mo siya apo kapag nagsimula na ang klase " nakangiting sabi ni lola. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. Paglabas ko ay dumiretso ako agad sa kusina.
Gusto kong kumain ng icecream, ube flavor.
Pagbukas ko ng fridge ay nanlumo ako dahil walang icecream!
" Anong nangyari sayo? Bakit ganiyan itsura mo? "
Paglingon ko si Ton lang pala.
" Walang icecream, Ton! " sabi ko at lumapit sa kaniya. Nakatingin naman siya sa akin, yung tingin na 'wtf?'.
" Edi bibili tayo sa labas " sabi niya na parang nabobohan na siya sa akin.
" Tsk kala mo bati na tayo, hoy dong hindi " naiinis kong sabi at lumabas na sa kusina. Umakyat ako sa hagdan at pumasok sa kwarto ko.
Kinuha ko yung wallet at cellphone ko. Lumabas na ako at bumaba. Nakita kong nakatayo na si Ton sa may salas. Inirapan ko lang siya at lumabas na ng bahay.
" Hintayin mo nga ako, parang alam mo na yung daan dito ah? " asar niya sa akin.
" Magpapadrive naman ako duh " sabi ko at nilapitan si kuya, yung sumundo sa amin sa airport na nakatayo malapit sa gate.

YOU ARE READING
Lost In The River
RandomLOST SERIES #1 // AGA // She got lost. He found her. She lost her memories. He found her, Again. Is it the end? Or it's just the beginning?