Late ud na naman, sarreh kinikilig pa ako kay Jk e. Kaya sisihin niyo siya ahihi.
---
Pagkagising ko sa umaga ay naligo agad ako at nagbihis. Pagbaba ko ay tumungo agad sa dining pero napatigil muna ako, nakaupo na silang lahat sa dining area. Maliban kay Mint na---
Wait wala pa siya dito?
" Hindi ka pa ba nagugutom? Kasi ako nagugutom na " sabi ng nasa likuran ko.
Napatalon naman ako sa gulat. Paglingon ko ay si Mint pala. Epal talaga ang isang to!
Inirapan ko nalang at nauna nang umupo sa tabi ni kuya. Siya naman sa tabi ni Ton.
" Good morning lola, lolo, kuya, at Ton " bati ko sa kanila. Ngumiti naman sila lolo at lola. Ang dalawa? Ewan nakatulala lang si kuya samantalang si Ton naman ay wala lang the normal Ton.
" Bakit si Mint hindi mo binati apo? " tanong ni Lola.
Nako po, bakit ko babatiin iyang epal na iyan?
Tiningnan ko si Mint at nakangiti pa ang kupal! Plastik akong ngumiti sa kaniya.
" Morning " sabi ko at ako na ang nag pray para makakain na kami.
Habang kumakain ay tinatanong ako ni lola tungkol sa opening classes.
" Bibili ka ba ngayon ng school supplies, Gail? " tanong ni lolo.
Tumango naman ako habang sumusubo ng ulam.
" Magpapasama ka kay Kuya Gael mo ha? Baka maligaw ka nako mahirap na " bilin ni lola ng makita akong patapos na sa pagkain ng almusal.
" Opo, mauuna na po ako. Bye lola, lola, kuya, at Ton! " pagpapaalam ko at umakyat na muna para mag toothbrush. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng room ko. Bababa na sana ako nang may humawak sa kamay ko.
" Sasamahan kita " sabi niya na para bang kahit anong gagawin ko ay sasama pa rin siya.
" Bahala ka " sabi ko nalang at bumaba na. Buti nga na sasama siya para siya yung magbubuhat ng mga binibili ko. I laughed silently.
Paglabas sa bahay ay pumunta agad ako kay kuya Gael na nasa gilid na ng sasakyan. Noong nakita niya na ako, binuksan niya agad ang pintuan ng sasakyan.
Pumasok naman ako at in-open ang window. Akala ko sa front seat uupo si Mint pero biglang bumukas ang pinto na pinasukan ko.
Tiningnan ko siya ng masama.
" Bakit dito ka uupo? Doon ka oh " sabi ko at tinuro ang front seat.
" Move or gusto mo bubuhatin pa kita ? Magsabi ka lang " nakangisi niyang sabi.
" Asa ka, gago " sabi ko at lumipat sa right side. Pumasok naman siya at umupo na.
" Tara na po kuya Gael " sabi ko kay kuya na kanina pa pala nakatingin sa amin.
" Sa SM ulit Zia? " tanong niya kaya tumango naman ako bilang sagot.
" Tsk, Zia huh? " bulong ng katabi ko pero 'di ko nalang pinansin.
Pag dating namin sa SM, bumaba agad ako at pumasok na, walang pakealam sa naiwan na lalake sa sasakyan.
Dumiretso agad ako sa store na kung saan ang tinitinda nila ay school supplies. Ano bang pangalan non? GBS ata. Ah ewan.
Hinanap ko kung saan ang yung mga papers and stuff ng may lumapit sa akin na babae, mukhang dito siya nag tatrabaho.
" Hola, bienvenida a la librería Gazolaz! " nakangiting sabi niya. And I smiled back.

YOU ARE READING
Lost In The River
RandomLOST SERIES #1 // AGA // She got lost. He found her. She lost her memories. He found her, Again. Is it the end? Or it's just the beginning?