CHAPTER M

8 0 0
                                    

Hello enjoy reading! Sa mga single na kaibigan ko, eto na hinihintay niyo oh HAHAHAHAHA. Mwaaa!

---

May nararamdaman akong may nakayakap sa akin dahil sa init na dala nito. Tiningnan ko kung sino pero hindi ko makita dahil ang ulo ko ay nasa leeg ng katabi ko ata.

His smell is very familiar.

Pero dahil inaantok pa rin ako ay yumakap nalang ako ng mahigpit. At sinasabi sa isipan na panaginip lang ang lahat.

Pero bago ako makatulog ulit ay may naramdaman akong humalik sa aking noo. I smiled. Sana totoo nalang ito.

Napabangon ako agad-agad dahil basang-basa ako, ewan ko kung saan galing. Tumingin ako sa paligid ko at nakita kong nakaluhod na si Ton sa kakatawa at si shokoy kong kuya ay nag vivideo at nakatutok pa rin sa akin habang tumatawa.

Mga tanginang to! Binuhusan ba naman ako ng tubig pota.

" Bakit niyo ko binuhusan ha?! " sigaw ko sa kanila at hinabol ang dalawa. Nag uunahan naman silang tumakbo palabas.

" Ton! "
" Gaij! "

" TAKBOOOOO!!!! " sabay nilang sabi.

Pero ako huminto nalang ako sa pintuan ko. Bahala sila diyan, mamaya na ako gaganti.

Naligo muna ako at nag bihis bago bumaba. Nakita ko silang dalawa kasama sila mama't papa na nasa dining area. Nakaupo na silang lahat at mukhang ako nalang ang hinihintay bago kumain.

Lumapit ako kay mama't papa at humalik.

" Morning ma, pa " bati ko at umupo na. Bago kumain ay nag pray muna kami at kumain na.

Tahimik kaming lahat. Nahalata nila sigurong bad mood ako. Tiningnan ko ng masama ang dalawa na nakatingin sa akin at dali dali naman silang yumuko.

Pagkatapos kumain ay nauna na akong tumayo at nag toothbrush. Lumabas agad ako at nag lakad-lakad muna papunta sa school.

Hm nag-iisip ako kung ano ang igaganti ko sa kanilang dalawa. Habang nag-iisip may humintong sasakyan sa aking gilid.

Pinababa ng driver yung window at nag salita.

" Hop in " sabi ng kung sinong tao sa loob. Sino ba ito? Hindi ko naman siya kilala. Pero ewan ko kung bakit isang sabi niya lang ay sumunod agad ako, at doon lang ako natauhan ng siya yung nag-buckle ng seatbelt ko.

" T-teka sino ka? " tanong ko. Tangina, diba ayaw kong pumasok? Pero bakit nandito na ko? Kontrabidang katawan to! Sabi ng isip ko wag pero kumilos ng mag-isa ang katawan ko.

" Just call me Mr. Zoner " asabi niya then he winked. Sht! Wait why's my heart is beating so fast? Tf? Hoy heart kumalma ka porket pogi ganyan na ha.

" Saan mo ko dadalhin ha?! " I asked hysterically. Tumawa naman siya sa itsura ko na parang ewan.

" Chill Mr- I mean Miss, I'm gonna take you- " hindi pa siya natapos mag salita pero sumagot na ako.

" SABI KO NAAA! WAAAH TULONGG!" sigaw ko sa loob ng sasakyan. Hininto niya ang sasakyan at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

" I said chill ok? Ihahatid lang kita sa school mo, please let me do this one " sabi niya kaya wala na akong magawa. Niready ko nalang ang aking cellphone baka may mangyari pa nako gusto ko pa gumraduate no! At pupunta sa gusto kong puntahan na mga lugar!

Tumango nalang ako at ngumiti naman siya kaya nagpatuloy na siya sa pagdadrive.

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay nandito na rin ako sa school.

Lost In The River Where stories live. Discover now