CHAPTER F

8 1 0
                                    

Sorry ngayon lang ako nag-ud. Btw enjoy!

---

Pag kagising ko ay ginawa ko na ang dapat kong gawin.

Wow noong isang araw first day of class ngayon friday na! Yey! At dahil Friday na yayain ko sila na mag SLEEP OVER! Excited ako mamaya! Kaya bumaba na ako.

Nakita kong kumakain na silang lahat ako nalang ang kulang.

" Morning everyone! " bati ko sa kanila at umupo na. Kumuha ako ng bacon, hotdog, scrambled egg, and rice. Hindi naman marami medj lang haha.

" Morning sweety, how's your sleep? " tanong ni mama.

" Ok naman ma " sagot ko sabay subo ng hotdog. Ops ang sarap ng hotdog lalo na kung may cheese diba? Diba?

" Morning anak, anong oras magsstart class mo? " bati at tanong naman ni papa. Uminom muna ako ng juice bago sumagot.

" 8:15 pa " sagot ko habang inuubos na ang bacon. Si kuya naman ay wala ewan kung bakit walang imik.

" Morning baby " bati naman ni shokoy.

" Morning kuya shokoy, anong oras pasok mo? " tanong ko sa kaniya.

" Same tayo kaya sumabay kana sakin" tumango naman ako at tumayo na. Tumayo rin siya.

Nagpalaam na ako sa kanila ni mama at papa at lumabas na ng bahay.

" Tara na " sabi ni kuya habang pinapaandar ang motor niya. Binigay niya sakin ang isang helmet at sumibat na kami.

Pag dating sa school ay dederetso na sana ako sa classroom kaso may pumigil sakin.

" Punta muna tayo ng classroom bunso, ilalagay ko lang tong bag ko sa upuan ko tapos hatid na kita " hmm bakit niya pa ako ihahatid? Well bahala siya.

Pag dating namin sa classroom niya ay naabutan kong lalabas si Tielo sa classroom nila. Ay? Magkaklase sila? Akala ko school mate lang?

Nagkatinginan kaming dalawa. Anong tinitingin tingin mo diyan ha? Lalakeng magnanakaw? Tsk.

" Oh Carlo saan ka? " tanong ni shokoy sa kaniya.

" Magpapahangin lang, wala pa naman si ma'am " sagot niya ng hindi inaalis sa akin ang tingin. Kaya hindi ko rin inalis tsk sino siya para magpatalo ako dUh.

" Tamang tama! Ihahatid ko tong si Gail, sama ka ha " hindi na hinintay ni kuya ang sagot at pumasok siya muna sa classroom para ilagay ang bag niya.

" Pwede ba? " tanong ni Tielo sakin. Ha? Anong pwede ba ang sinasabi niya? Kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

" Pwede ba kong sumama? " ah yon lang pala edi sumama siya. Walang may pakealam.

" Ewan ko sayo, bahala ka " at saktong saktong lumabas na si kuya kaya nag lakad na ko patungo sa classroom namin.

" Hoy bunso hintayin mo kami! " sigaw ni kuya. Napairap lang ako, tsk edi humabol ka.

At humabol nga ang bolang hahaha. Inakbayan pa ko, nak ng! Tsk hindi ko nalang pinansin si kuya at nagpatuloy sa pag lalakad.

Ng makarating kami sa classroom ay nasa labas na si Dawn. Wait bakit si Dawn lang? Asan ang iba?

" Oh Dawn, na saan ang iba? Btw morning " tumingin siya sakin ng nang aasar at tumingin siya sa likuran ko kaya napalingon ako, nag tatakang tumingin ako kay Dawn. Napangisi pa nga tsk tsk tsk. Pag ako nang asar lukot mukha mo.

" Ano na naman ang nasa isip mo ha?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya.

" Baka nakalimutan mo na nandito si kuya, Azahara Dawn " at tuluyang nawala ang ngisi niya. Ha! Take that. One point for Gail wohoo!

Lost In The River Where stories live. Discover now