Sorry for the late update pips! Enjoy reading!
---
Today's the day!
Excited akong naligo at nag bihis pagkatapos bumaba na at tumungo sa kusina. Nandoon naman silang lahat.
" Good morning everyone! " masayang bati ko sa kanila at umupo sa tabi ni Ton.
" Good morning din apo, kumain na tayo, Gaij lead the prayer " sagot ni lola at nag pray na si kuya. Then kumain na kami.
Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at nagpaalam.
" Lola, Lolo mauuna na po ako! " sabi ko at napatawa naman sila sa kinikilos ko.
" Oh sige apo, take care and enjoy your first day! " nakangiting sabi naman ni lolo. Lumapit ako sa kanilang dalawa at humalik sa pisngi nila.
" I will! " sagot ko at tumakbo patungo sa room ko para kunin ang mga gamit ko.
Pag dating sa living room ay naroon silang tatlo, mukhang hinihintay ako.
Inirapan ko sila.
" Hindi ako sasabay sa inyo " sabi ko nalang at nauna ng lumabas. Narinig ko pa yung nga sigaw nila pero hindi ko na pinansin.
Tinakbo ko ng mabilis kung saan nakatayo na si kuya Gael at pumasok na sa sasakyan.
" Tara na po kuya! Bilis po! " sigaw ko at inistart niya naman ang kotse at sumibat na.
I sighed. Salamat naman at hindi na nila ako hinabol.
Ayaw kong sumama sa kanila kasi panigurado masisira ang araw ko sa mga fangirls nilang tatlo! Lalo na si Mint, dean pa naman.
Pagdating sa school ay nakita ko na ang hinahanap kong babae kaya naman bumaba agad ako at pinuntahan siya. Nakatalikod pa siya sa akin.
" Boo! " sigaw ko at napatalon naman siya sa gulat.
" Ay boobhielat! " sigaw niya at hinampas ako.
" Aray! Makahampas ka naman parang ako yung ex mo ah? " reklamo ko. At aba inirapan lang ako ng gaga.
" Deserve mo yan! At oo nga pala na saan si Dean? Bakit hindi kayo magkasama? " tanong niya pero alam kong aasarin lang ako nito.
" Ewan, tara na pumasok na tayo sa loob ayaw kong ma late no! " sabi ko at naunang pumasok sa gate. Sumunod naman siya sa akin.
" Ano nga pala course mo? " tanong niya.
Ibinigay ko sa kaniya ang paper kung saan nakalagay kung anong course ang kinuha ko.
Kinuha ko yung course na sa tingin ko kaya ko at kakayanin ko.
" Omg! Same tayo ng kinuha, kahit ako ang magmamanage ng ibang hotels namin kahit na andiyan naman si Kuya Z business ad. pa rin kinuha ko," sabi niya.
" Pero for real? Bff na tayo ha? " tanong niya na parang bata.
Kaya tumango nalang ako, 'cause why not? Sino ba naman ako para humindi?
Napatili naman siya at alam kong narinig iyon ng ilang students na narito sa entrance.
Napailing na lang ako, ayan na naman siya! Ang ingay ingay, nako mamaya may lalapit na naman sa amin at sabihing maingay kaming dalawa. Nakakasawa na ha.
" Pwede ba? Kung tumili ka yung walang boses? Pusta ko meron na namang lalapit sa atin dahil sa kakatili mo diyan " sabi ko sabay irap sa kaniya. Nagrereklamo naman siya at bumubulong pa eh naririnig ko naman.

YOU ARE READING
Lost In The River
De TodoLOST SERIES #1 // AGA // She got lost. He found her. She lost her memories. He found her, Again. Is it the end? Or it's just the beginning?