Sorry natagalan ulit! Exams kasi namin. Enjoy reading ph0exzcs 😉
<🍇>
---" Sinong hinahanap mo? Kung ang mga kaibigan mo, nandoon na silang lahat sa labas " sabi niya nakita niya siguro ang ginagawa ko.
" Ah oo, at bakit kayo nandito? " tanong ko kasi parang hindi naman sila sumama samin kanina?
" Sumunod kami? " he said in a duh tone. Arte ng lalake to! Inirapan ko nalang siya at inunahan na siyang lumabas. Fuck! Habang nag-uusap pala kami nakahawak pa rin siya sa bewang ko! Kaya ayon umalis nalang ako.
Pagkatapos non ay nakita ko silang apat nagkatuwaan except nalang kay Dawn na badtrip at si kuya na naka pokerface.
Wow anyare sa kanila?
" Anyare sa kanilang dalawa? " tanong ko kay Cheng.
" Tanongin mo si Dawn " natatawang sabi niya. Kaya lumapit ako kay Dawn at tinanong kung anong nangyare sa kaniya.
" Tsk yung ISANG OGRE DIYAN SA TABI TABI NANGINGIALAM KASI! " pagparinig ni Dawn sa kung sino man. Hay nako.
" Tsk hanap hanap nandito naman ako " rinig kong sabi ni kuya. Aba? Ano naman ang inaarte arte nito?
" Hay nako! Kumain na nga tayo! Nagutom ako sa pagshoshopping natin! " sabi ni Marie hinila na si Bea, kaya si Bea hinila si Cheng, si Cheng hinila ako, ako hinila si Dawn.
At ayon yung dalawang lalake sumusunod lang samin at may pa iling iling pa!
Wait parang kulang?
" Asan pala si Ton? " tanong ni Cheng.
Ayon! Oo si Ton pala ang kulang!
" Ewan. Nawala nalang bigla kanina eh! Noong papasok na kami sa shop na pinasukan niyo. Lumabas kaagad at may hinihilang lalake " napatingin ako kay Kuya noong sinabi niya yon. May kasama pa ba si Ton? Ah ewan basta nagugutom na ako!
Maya't maya pa ay nakarating na rin kami sa Jabi! Yes!
" Anong sainyo? " tanong ni Dawn habang nakatayo sa gilid ng table na hinihintay order namin. Libre niya daw e.
" C1, Large Fries, Large Coke, Sundae, and Macaroni soup " nakangiting sabi ko sa kaniya kaya napairap lang siya.
" Pareho nalang sa kaniya ang akin " tinuro ako ni Marie.
" Akin iba! C2, Large fries, Coke float" sabi naman ni Cheng.
" Same as Cheng " sabi ni Bea.
" Wooo! Grabe! Parang wala kayong kain ng isang araw ah? Grabe bakit ko pa kasi kayo nilibre " Dawn whined. Napatawa nalang kaming apat sa sinabi niya.
" Kami Dawn? Hindi mo kami ililibre? " kulit ni kuya sa nakabusangot na Dawn. Inirapan lang siya ni Dawn.
" Sino ba kasi nagsabi ng " Tara Jabi libre ko " ha? Sino ba kasi? " nang aasar na sabi ni Bea. Inirapan niya nalang yon at umorder na. Pagkabalik niya hinatak niya si kuya at bumalik ulit sa counter.
" Cr muna ako " sabi ko at tumayo na. Lumabas ako ng Jabi kahit may cr sila don. Trip ko lang. May bibilhin kasi akong iba.
Pagdating ko sa shop ay binili ko agad ang gusto kong bilhin. Paglabas ko ay napatalon ako sa gulat dahil nakita kong nakatayo don si Ton.
" Oh? Nandito ka pa? Akala ko nawala kana " sabi ko sa kaniya. Nakangiti lang siya sakin.
" Alam mo bestie! May nagpapabigay sayo " ay bestue na tawag niya sakin? At inilahad niya ang kamay niya. My jaw dropped. Kinuha ko yon at inihambing sa binili kong necklace.
YOU ARE READING
Lost In The River
RastgeleLOST SERIES #1 // AGA // She got lost. He found her. She lost her memories. He found her, Again. Is it the end? Or it's just the beginning?