CHAPTER U

5 1 0
                                    

---

" Excuse me "

Napalingon ako sa likuran namin ni Ton, at ayon nakatayo yung gagong Mint at masama ang tingin sa amin.

" Kakain ako ng meryenda ko, kaya excuse me " malamig na sabi niya at kinuha yung braso ni Ton sa balikat ko at tinulak ang lalaki.

Lalapit na sana ako kay Ton nang hinila ako ni Mint pabalik sa inuupuan ko.

" Dito ka lang, kakain na ng meryenda na niluto ni lola "

Napairap nalang ako sa sinabi niya. Kanina niya pa ako hinihila ha! Makahila parang close kami e sino ba to.

" Uh ilang weeks ka dito Mint? " nakangiting tanong ni kuya.

" Until the school year ends " sagot niya. Until the school year ends? Tatagal siya rito? Wala bang bahay ang lalaking to?

" Nice! Salamat naman at bumalik kana, nakakasawa na yung pagmumukha ni Ton e " sabi ni kuya at parang nandidiri na tumingin kay Ton.

Masama naman na tingin ang ipinakita ng isa.

" Akala mo naman yung itsura niya di nakakasawa, kaya nga sawang-sawa na si Dawn sa itsura mo! I bet naghahanap na iyon ng bagong gusto" nakangising sabi ni Ton.

" Oo nga kuya, baka may nangliligaw na doon, sana meron nga at sana bagay sila " nakangiting sabi ko. It's pay back time baby HAHAHAHA.

" Ah so magkakampi kayo ngayon, kaya kayo pinagkamalan na magjowa e kasi lagi kayong magkasama. At oo nga Ton e, balita ko nga si Cheng daw sinusundo at hatid daw ni Worth and ang masaya pa ay kilala na ng mga magulang ni Cheng si Worth! Sana all talaga diba?! " sagot naman ni kuya.

" Tangina mo talaga Gaij! " naiinis na sabi ni Ton at umupo na sa tabi rin ni kuya.

" And oh! Si Carlo nga pala Gail, diba sabi mo gusto mo siya? Tapos gusto ka rin niya kaso hindi pwede? Kaya pala hindi pwede kasi nagkabalikan na pala sila ng ex niya na ngayon ay gf na ulit, mahal ata nila yung isa't isa " naiiling na sabi ni kuya.

" Nagkabalikan sila sa time noong nasa beach pa tayo, yung dinare ka na tawagan yung gusto mo? Yung ex niya pala ang tumawag sa kaniya! Akala ko nga ikaw e " dagdag pa niya.

" Oh e ano naman? Ex crush ko na iyon no " inirapan ko nalang si kuya at kinain na yung meryenda na kakalapag lang sa lamesa.

" Eh sino yung tinawagan mo sa dare ha? " tanong ni kuya.

" Secret akin nalang iyon no! You're so chismoso kuya "

Hindi ko na siya pinansin at pinatuloy ang pag kain.

" Tsk "

Napatingin ako sa katabi ko na parang kanina pa 'tsk' ng 'tsk'. Ano bang problema nito?

Napatingin rin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Parang babae!

Inirapan ko nalang siya.

" Pagkatapos niyong kumain ay lumabas agad kayo ha? Doon tayo sa garden " bilin nina lola at lolo habang naglalakad palabas ng kitchen, na kanina pa pala nakikinig sa amin. Nako!

" Opo " sagot naming lahat.

Wala kaming imikan na apat. Nakafocus lang sa pagkain.

Buti nga ang ingay kaya ni kuya, sobra pa sa babae kung maka daldal.

Ilang minuto ay tumayo na si Ton sumunod naman si Kuya.

Aba? Ang bilis naman nila!

Pero hindi pa natatapos itong katabi ko. Kanina pa to kumakain ah?

Lost In The River Where stories live. Discover now