CHAPTER 12

13 4 0
                                    

Matapos ang gabing 'yon ay nagbago na ang lahat. Iniiwasan ako ni Ven pero hindi ko naman siya masisisi dahil nga sa may kasalanan rin naman ako. Kasabay naman noon ang pagiging cringe ni Oliver. Siguro nga'y desidido siya sa kaniyang binitawang salita, pero hindi naman ako nagpapaapekto but deep inside, gusto kong sumabog sa effort na ginagawa niya.

Pasukan nanaman at OJT na ang inaasikaso namin, sa elementary school ko balak mag OJT dahil gusto ko rin naman na bata ang aking tuturuan kapag naging guro na ako. May nahanap na kaming school nila Aileen at pupuntahan na namin 'yon ngayon para sana makapag simula na kami.

Lumipas ang ilang oras ay nakarating na nga kami. Pagpasok pa lang namin sa kulay berdeng gate ay kitang kita ko ang mga batang naglalaro ng habulan.

Dumiretso muna kaming tatlo sa Principal's Office para sana makapagpaalam. Kumatok kami sa pintuan bago pumasok, medyo kinakabahan pa ako.

"Uh goodmorning po ma'am nandito po sana kami para po maging practice teacher sana for our OJT."

Hindi rin naman nagtagal at may pinapirmahan lang kami sa principal at pinaupo muna kami para chikahin kung saan kaming school galing at kung ano ano pa.

"Ay nga pala mga hija, pumunta narin kayo mamaya sa gym para tulungan ang mga teachers sa pag aassist sa mga bata ha. At darating daw ang stock holders nitong school ngayon. May inihandang program ang school para sa kanila."

"Sure po ma'am"

Pagkatapos noon ay napagdesisyunan muna naming pumunta sa canteen para bumili sana ng makakain. Maaliwalas din ang kanilang canteen. Pinaghalong yellow and red ang kulay nito. Papasok na dapat kami nang biglang tumunog ang bell, tanda na andyan na ang inaasahang bisita.

Imbes na bumili ay bumalik nalang ulit kami at pumunta na sa kung saang grade kami naka assign. Si Aileen ay sa grade four, si Vane ay sa grade five, at ako naman ay sa grade six. Mabuti nalang at hindi na masyadong makukulit.

Pinapila kona ang grade six na handle ko. Absent rin daw ang kanilang guro kaya sakto lang pala ako. Pagkatapos nilang mag arms forward ay saka ko sila pinag cross sitting at ako'y umupo narin sa nasa tabing mono block.

Hindi nga nagtagal ay nagsidatingan narin ang ibang mga grades at mga teachers ng school. Super pinaghandaan talaga nila ang araw na ito dahil sa dekorasyon ng gym.

Hanggang sa nagsalita na ang mga teachers para sa pambansang awit, sa himno, at hiningian ng mensahe ang punong guro.

"And now, hindi na natin patatagalin pa, Let's welcome our dearest stock holders. Please give them a round of applause."

Nakipalakpak naman ako sa papasok na apat na lalaki na ang isa ay may akay na isang babae na napaka puti kahit nasa malayo palang. Lahat sila ay naka formal attire na animo'y aattend sa kasal. Charot.

Ngunit habang papalapit ay namumukhaan kona iyong lalaking may akay na babae.

Holysh-- is this true??!

S-stock holder sya ng school na 'to? Oh come on. Why naman ang malas ko G.

Umiwas ako ng tingin sa papalapit na sina Oliver. Ngunit nang sinulyapan kona ulit sila ay nakatingin na siya sakin. Umirap ako at sinuway kunwari ang mga estudyante ko.

Tumaas sila ng stage dahil may inihandang table and chairs doon. Hindi pa umuupo iyong babaeng nakapulupot sakanya kanina, akala siguro niya ay hihilahin pa ni Oliver ang kanyang upuan para mas makaupo siya ng ayos, ngunit hindi manlang siya pinansin ni Oliver.

Buti nga. Charot.

Hanggang sa makaupo si Oliver ay diretso parin siyang nakatingin sa akin.

Nagkaroon ng mga intermission numbers ang mga estudyante at binigyan din ng mensahe ang mga stock holders. Ilang saglit lang ay dumating na ang mga nakakahong pagkain. Narinig kong mayroon daw pakain ang mga bata, bigay daw ng stock holders.

Nang iabot sa akin ang kahon ay agad ko itong pinamigay sa mga bata at umupo na ulit pagkatapos. Laking gulat ko ng may nag abot sa akin ng isang supot, nasisiguro kong pagkain iyon.

"Uh, food po ma'am." sabi noong lalaking nakauniporme rin na pang guro.

"Salamat ho, sir." nginitian ko siya bago kuhanin ang pagkaing inabot nya.

"Anything. Lapit lang kayo samin kapag nalilito kayo sa pasikot sikot ng school. Marami naman kayong kasabayang intern dito. By the way, I'm Marco." sabi niya at inilahad ang kanyang kamay.

Tinaggap ko naman iyon at nginitian siyang muli, "Naku salamat po Sir Marco. Uh, Estella."

Marami pa siyang tinanong tungkol sa kung saan saan at pagkatapos noon ay bumalik narin sa mga estudyante nya.

Hapon na ng matapos ang programa. Halos wala na ring mga estudyante kaya naman pumirma lamang kami sa log book at pagkatapos ay dumiretso na papalabas ng gate.

Nagkekwentuhan kami ng naging araw namin ng may bumusina mula sa aming likuran. Kaya naman napasulyap kami roon.

Ashton Martin.

Tumigil ito sa may tapat namin at bumaba ang bintana nito. Sumilay mula roon ang napaka gwapong mukha ni Oliver.

"Hatid kona kayo." his baritone voice grr.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Aileen. Tatanggi na dapat ako ng biglang...

"Naku 'wag na kami ni Vane! Ito nalang si Este ang ihatid mo. Nagpapapayat ako ngayon e kaya exercise ang paglalakad." ngumingising sambit ni Aileen.

"Oo nga ako rin e. Sige na mauna na kami ha." wika ni Vane at ssbay silang kumaripas ng takbo.

Mga balimbing. Naiwan tuloy akong mukhang tanga sa tapat ng sasakyan nya.

"Sakay na." he said

"'Wag na kaya k--"

"Sakay na."

Alam ko namang mapilit siya kaya hindi na ako nag inarte pa, baka marami pang makakitang teachers kapag nagtagal pa ako rito. Binuksan niya ang frontseat ng sasakyan nya at agad akong pumasok.

Sht. This is going to be an awkward ride for me.

Teach My Heart To Fall AgainWhere stories live. Discover now