CHAPTER 8

21 8 3
                                    

Dumaan ang mga araw at hindi kona ulit nasilayan pa si Oliver. Hindi ko alam kung may lahi ba siyang kabote o ano at susulpot na lang kung kailan gusto.

Nasa stall ako ngayon dahil weekend naman at hindi masyadong busy. Medyo boring naman kasi sa bahay kung doon ako magsstay lalo na't wala naman akong inaasahang bisita.

Abala ako sa pagpapatas ng mansanas ng may biglang kumulbit sa akin...

"Ate may nagpapabigay po sainyo" sabi noong batang lalaki na may bitbit na isang long-stem na red rose at chocolate na may nakadikit na maliit na note doon.

"Sa'kin? Nako baka uh nagkamali ka yata bata. Hindi naman ako nag order nan e." sagot ko at ngitian ang bata na wari ko'y nasa edad trese.

"Hindi po ate! Binili ito noong gwapong lalaki sa shop namin at sinabing ihatid narin daw dito sa stall ninyo ni Aling Eva, kaya sige na ate tanggapin mona po!" Pagpupumilit ng bata at sabay hinawakan ang kamay ko para ilagay
'yong mga dala niya.

"Uhm sure ka hindi ka nagsisinungaling? Masama ang magsinungaling, magagalit si papa god sa'yo."

"Hindi nga po ate!May note po d'yan. Pwede mong basahin para malaman mong hindi to prank. Sige na po mauna na ko pagoda ang beauty ko sa explanation! Buti nalang papabol 'yong lalaki!" sabi ng bata at nagmartsa papaalis ng stall.

Natawa ako sa batang 'yon ah! Mukhang may pagnanasa pa sa secret admirer ko. Naupo ako sa monoblock na nasa loob ng stall atsaka nilapag ang rosas sa lamesang naroon at natigil ang aking mata sa nakapagkit na note sa chocolate.

Kulay sky blue ang note at mabango rin. Isang tao lamang ang naisip kong gagawa ng gimik na ito.

Si Oliver.

"I spent so many hours just thinking about confessing."

Huh? Confessing? Diba nag confess na siya noong nakaraang araw? Tss. Weird.

Nilagay ko 'yong chocolate at note sa ibabaw ng mesa at inilabas ko ang cellphone ko para magtipa ng mesahe kay Oliver.

Ako:

Uh, thankyou sa chocolate and flower. Hehe.

After a minute, my phone suddenly beeped.

Oliver:

Chocolate and flower?

Ako:

Yeah thankyou sa ipinadala mo, hindi kana dapat nag abala.

Oliver:

Wala akong pinapadala sa'yo. I'm working right now here in Bagbag. You fine? Should I fetch you?

Magtitipa na sana ako ng reply nang biglang nag ring ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot.

"What chocolate and flower?" panimulang tanong niya.

"Uh from you?"

"Of course not. So childish. Baka galing iyan sa iba mo pang manliligaw?Feeling mo naman talaga galing sa'kin." He laughed over the phone.

"Oh my! Uh am I assuming? What the effin eff!"

"Of course not baby. I'm just saying na hindi sa'kin galing 'yan. Kung ako man 'yan, I'll date you to a fancy restaurant than giving you that things."

Napairap ako "Efforts, Oliver. Not just a thing. Its effort and could you please stop calling me baby, you jerk!"

"Still cheap." he said coldly.

"Whatever, ibababa ko na. Panira ka ng moment peste!" Pagkababa ko ng tawag ay siya naman itong text ni Vanessa.

Vane:

Dito kami sa chicken wings. Arat na dito! Libre daw ni Rick. Andito rin si Haiven. We'll wait for yah! Love yah!

Nagtipa ako ng mesahe kay Vane at pagkatapos noon ay inayos ko ang aking sarili pati narin ang aking gamit. Nasa kabilang stall naman si mama kaya magpapaalam narin ako.

Pinagmasdan kong muli ang bulaklak at tsokolate sa ibabaw ng lamesa pati narin ang note na nakabalandra.

Kumunot muli ang aking noo nang mabasa muli ang nakasulat sa note.

Confessing...

Thinking about confessing...

Who the hell are you?

Teach My Heart To Fall AgainWhere stories live. Discover now