CHAPTER 24

10 5 0
                                    

Habang naglalakad palabas ng school ay nagtipa ako ng mensahe kina Aileen na itext nalang sa akin kung saan kami pupunta mamayang gabi, dahil hindi na ako nakapunta sa room ni Denver dahil hapon narin nang natapos ang meeting namin.

Pagbaba ko ng tricycle ay nagbayad na ako at dumiretso papasok ng bahay dahil bukas naman ang gate. Kita kona agad ang mga nagkalat na laruan ng aking pamangkin. Nilapitan ko ang mga ito at hinalikan sa pisngi. "Hi baby! Tita's home!" Hinanap naman ng mata ko si mama upang ipaalam sakanya na lalabas kaming magkakaibigan mamaya at para narin ipaalam ang pinag-usapan namin ng principal kanina.

Nagtitimpla siya ng gatas sa kusina kaya naman nilapitan ko siya. Umupo ako sa upuan do'n at ibinaba sa lamesa ang aking bag, pagkatapos ay umub-ob na animo'y pagod na pagod.

"Oh anak, problema?" Si mama habang naglalagay ng gatas sa dedehan.

"Kinausap kasi ako ng principal ma, ako daw ang ipapadala sa Manila bukas para sa meeting ng lahat ng school dito. Apat na araw 'yon."

"Oh eh bakit parang hindi ka naman masaya? Magandang oportunidad 'yon anak! Pinagkakatiwalaan ka ng principal ng school mo!"

Bumuntong hininga ako. "Kasama ko si Liam ma," tumingin naman si mama sa akin ng nakangisi, kaya napairap ako. "Hindi ko gustong may interaction kaming dalawa. Magandang opportunity nga pero baka hindi ako makapag focus dahil sa presensya niya."

Ngumisi pa ng malaki si mama. "Hindi pa ba kayo nakakapag-usap na dalawa about sa nakaraan ninyo?" Umiling ako. "Aba edi magandang pagkakataon 'yon para makapag-usap. Kung wala ka na talagang nararamdaman para sakanya ay hindi kana magkakaganyan, Estella."

Walang nararamdaman... teka wala naman talaga akong nararamdaman! Oo tama wala.

"Kunsabagay." Bumuntong hininga muli ako, "akyat lang ako sa taas ma, lalabas kami nila Aileen ngayong gabi."

"Oh sya sige, ako na ang bahalang mag-ayos ng mga gamit mo. Ilabas mo nalang ang maleta mo. Huwag kang magpapagabi at baka tanghaliin ka bukas."

Tumango ako at umakyat na sa taas upang maligo.

Nakasuot ako ng stripped na skirt na above the knee, may slit ito sa gilid. At ang pang-itaas ko naman ay halter top na kulay puti. Nag heels nalang ako ng hindi gaanong mataas. Hinayaan kong nakabagsak ang umaalon kong buhok. Nag make up rin ako ng kaunti, at pagkatapos no'n ay kinuha kona ang black purse ko at bumaba na.

Nagpaalam lamang ako kay mama at tinext sa akin nila Aileen na sa bar daw kami, dito lang malapit.

Ilang minuto lamang ay nakarating na agad ako sa bar. Hinanap agad ng mata ko sina Aileen at nakita ko silang nasa isang couch, may mga inumin narin kaya naman nilapitan kona sila.

"Wow teacher Este! You look stunning po!" Si Aileen na nag boses bata pa

"Thank you teacher Aileen, sana maranasan mo rin po!" Pang-aasar ko pabalik, pagkatapos ay umupo narin ako sa couch.

"JD teacher?" Tanong ni Vanessa sabay abot sa akin no'ng Jack Daniels.

Nakakailang shot palang ako ay sumasakit na ang ulo ko, kaya naman isinandal ko muna ang aking likod sa couch.

"Momshies!" Sigaw nang papalapit na si Denver. May dala pa itong lalaki. "May amats na ba? Kumusta mga teachers?"

"Galing mo talagang bakla ka! Sabi mo sasayaw ka lang, eh bakit may bitbit ka ng isda ngayon?" Si Vanessa na agad akong napatawa.

"Tuturuan ko mag ABC, teacher Vane." Tumingin naman siya sa akin, "Tahimik mo yata Estella? Prolemado yern?"

Umirap ako. "Huwag kang magulo kung ayaw mong isama kita sa Manila."

Teach My Heart To Fall AgainWhere stories live. Discover now