"Hijo, Don't ruin your life. Kiana won't be happy. Look at you, napaka payat mona," si tita Amelia nang lapitan niya ako sa huling lamay ni Kiana.
Hindi ako kumibo. Patuloy pa rin ako sa pagbabantay hanggang sa mailibing siya.
Sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Kiana, dahil kung sana ay nasundo ko siya edi sana... nandito pa siya.
As the time goes by, I realized that nothing is permantent in this world. Tayong lahat ay nilikha sa alikabok at kukuhanin rin tayong alikabok.
Its been two years since Kiana passed away. And my mom decided to go to Batangas because of my aunt's wedding. Kahit na ayaw kong sumama ay wala akong nagawa dahil hindi naman pwedeng hindi ako makakadalo sa kasalan na iyon.
At first, nagdalawang isip ako... bukod sa nakalibing si Kiana rito, ayaw ko munang puntahan ang Bagbag sa Batangas kung saan naroon ang aming farm. Babalik lamang lahat ng aming masasayang alaala doon.
Weeks before the wedding, we arrived at Batangas. Walang nagbago sa ganda nito, ang nagbago lamang ay ang pagdami ng mga buildings na naroon.
"Mabuti naman at sumama itong bunso mo, Clevera," si lolo nang pagkarating namin sa mansion
"Pa, he can't stay in Manila, malulungkot lang iyan doon."
Before I left Manila, binisita ko muna si Kiana at nangako akong, pipilitin kong huwag lamunin ng lungkot dahil sa pagkawala niya... sabi ko rin na kung iibig man akong muli... sana iyong kagaya niya.
The wedding day came, Nagmamadali ako dahil late na ako sa call time. Sabi ko kasi kina mommy na mauna na dahil dadaan muna ako ng bagbag. Pumayag naman sila.
I was busy finding my mom when a girl caught my eyes. She's wearing a black polo shirt and jeans. Maliit lang ito, kung susukatin ay hanggang balikat ko lamang siya.
Natuwa ako sa itsura niyang palinga-linga at pagkuwa'y babalik muli ang mukha sa simbahan, kaya naman naglakad ako papalapit sakanya upang tumabi, ngunit pagtingin ko sa kaniyang gilid ay nakanganga ito.
Kaya naman inilapit ko ang aking labi sa kanyang tainga upang bumulong. "Your mouth's too open."
Nakita ko naman ang pagkabigla niya kaya mas lumawak ang aking ngisi. Binalingan niya ako nang nakakunot ang noo. "What?" Suplada niyang tanong.
Kaya naman hindi ako nagpatalo at mas lalo kopa siyang inasar. "What, what? I'm just concern. Mamaya may pumasok na langaw dyan sa bibig mo sa sobrang pagnganga mo."
"I don't need your concern." Aniya na ikinangisi ko ng malaki.
"Stop staring at me lil kid," ako na nang-aasar
Pinandilatan niya ako ng mata."Mama mo lil kid. Huwag mong intaying mapamura ako dahil nakakahiya sa diyos. At hindi ako lil kid, matangkad ka lang. Hambog!"
Humalakhak ako ng kaunti dahil sa kanyang itsura na anytime ay sasabog na."Chill, you're too hot. I'm just being nice here."
"You're not. Sino kaba ha?Anong ginagawa mo dito?" Sa tono niya ay tila naiinis na.
"Ako dapat ang magtanong sa'yo nan. And yeah by the way I'm-"
"Liam!" sigaw ng isang babae at lumapit sa parte kung saan naroon kami... Si Kris pala. Kahit kailan ang panget kabonding ng inaanak na iyon ni mommy.
"Sunod ako Kris, papaalam lang ako,"sabi ko upang mawala ma siya sa paningin ko.
"Alright." Sabay hampas niya sa braso ko.
Matapos umalis ni Kris ay binalingan ko ulit iyong babae at bakas sa mukha nito ang pagkairita.
"Nice meeting you, bata. I'll go now. Pagdasal mona rin ako," sabi ko ngunit inirapan niya lamang ako.
YOU ARE READING
Teach My Heart To Fall Again
RomanceWhat if you're not sure about the feelings of your partner because of his past? What if you're just being paranoid that he doesn't love you? Do you teach his heart to fall again for you?