Lumapit ako sa sasakyan niya at kitang kita ko mula sa labas ang kanyang gulat nang makita ako.
Pumasok ako sa frontseat at kunwari'y galit na sinulyapan sya, ngunit ang totoo ay gustong gusto kong kurutin ang nguso nyang kanina pang nagmumukhang bibe.
"You told me you won't come?" he said as he pouted more his lips. I want to burst my laugh, swear.
"Bababa naba ako kung gano'n?" sabi ko na tinatago parin ang ngiti.
Tinanggal nya ang seatbelt na nakasuot sakanya at biglang lumapit sa akin upang yakapin ako. His chin is rested on my shoulder, and I was a bit shocked so I can't move.
"I'm sorry, I'm not lying, those fruits are really for the farmers." sabi nya na nasa gano'n paring posisyon.
Parang hinaplos ang puso ko dahil mas humigpit pa lalo ang yakap nya sa akin.
"I'm sorry if I upset you. I just want to buy fruits, that's all. I'm not there to do my boyfriend's duty cuz you said that you want to keep this a secret."
Napatawa ako dahil para siyang batang inaagawan ng lollipop at nagdadrama sa ina. Kaya naman niyakap ko sya pabalik.
"Nagulat lang ako sa presensya mo roon. Malay koba na pupunta ka, e hindi ka naman nagsabi..."
"That's why I'm sorry, I--" bago pa siya matapos sa kanyang sinasabi ay pinatakan kona siya ng halik sa sentido, kaya naman humigpit pa lalo ang yakap niya.
"Apology accepted hihi."
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, "Tara na, ihahatid kita sa inyo." Tumango lamang ako at pinandar na niya ang kanyang sasakyan.
Takip silim na nang makauwi kami, bumaba ako ng kanyang sasakyan ngunit laking gulat ko nang masilayan si mama sa labas ng aming gate, nakangisi siya.
Napapalunok ako ng wala sa oras dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng salita upang maipaliwanag kung bakit narito ang apo ng mayor. Sasabihin ko bang nakisabay lang ako? O aamin na ako kay mama? Hays bahala na.
Ramdam ko ang presensya ni Oliver sa aking likuran. Siguro ay nakita rin niya si mama kaya naman napalabas rin siya ng sasakyan.
"Hinapon ka yata Este." Panimulang sabi ni mama
Ramdam ko ang lamig sa kalamnan ko, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Nakita ko namang pumantay si Oliver sa akin at pagkuwa'y lumapit kay mama para magmano, tinanggap naman iyon ni mama at ngumiti. "Magandang gabi po ma'am, pasensya na po kung hinapon si Esca, uh nagpasama pa po kasi ako..."
Ngumiti si mama, "Hindi ko alam na close pala kayo nitong anak ko Oli." Nakita ko ang multong ngiti sa mga labi ni mama, "Mabuti pa pumasok muna kayo, malamig na sa labas."
Naunang maglakad si mama sumunod kami ni Oliver, pumunta siya ng kusina, siguro'y kukuha ng pagkain.
"Uh, have a seat muna." sabi ko at sinunod naman niya.
Lumabas si mama ng kusina na may dalang orange juice at cookies at inilapag 'yon sa mesa, teka yung binake ko 'yon kanina ah! Sht, I forgot.
"Nag dinner naba kayo?"
"Yes po, ma'am. Busog pa po." sagot naman ni Oliver.
Tumango si mama, "Tita nalang Oli. By the way, kumain muna kayo, si Este ang nag bake niyan kanina." Binalingan naman ako ni mama, "Este, ikaw muna ang bahala sa bisita mo, maliligo lang ako ng mabilis sa itaas. Bababa rin ako at may pag uusapan tayo."
"Okay." Pagkasabi ko noon ay umalis na si mama at siya namang pag upo ko sa couch.
"I didn't know na marunog ka palang mag bake." Sabi niya at ngumisi.
Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Pinaglaruan ko lang kaya puso ang design." Umirap ako.
His lips twisted at 'yon nanaman ang mata niyang nakakaakit, "Masarap naman. Cute rin ang design." At tumawang muli.
Inirapan ko nalang siya at inilabas ang cellphone ko. Bumulaga agad sakin ang message ng mga kaibigan ko.
Aileen:
Nakauwi kana bish? I saw papa Oli's car! Date naba itu?
Vane:
Ikiss mo nalang ako kay daddy Oli. Ror!
Nangingiti ako habang binabasa ang mga 'yon.
"Who are you texting?" Napatingin tuloy ako kay Oliver na nakahalukipkip at nakahilig sa couch, nakataas pa ang isang kilay. Lord, thankyou po sa biyaya charot.
"Wala." Sabi ko at isinilid ang aking cellphone sa bulsa, kaya naman lumapit siya sa aking banda at tumabi sa akin.
"Wala nga promise."
"Tss." Iyon nanaman ang pagsusungit niyang nakakainlove argh!
"Wala nga, oh tignan mopa--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mayroong tumikhim mula sa itaas, nasisiguro kong si mama 'yon.
Lumayo ako kay Oliver. Kasabay noon ang pag upo ni mama malayo sa amin. Kitang kita ko ang freshness ni mama kahit nasa forties na!
"Napapadalas yata ang paghahatid sundo mo sa anak ko Oli, nililigawan moba si Este?" Diretsong tanong ni mama kaya naman nanlaki ang mata ko.
"Ma!" Saway ko
Humalakhak naman si mama, "I'm just asking him Estella, why are you so defensive huh?"
"Ma naman nakakahiya kasi--"
"I'm her boyfriend po, tita..."
Nanlaki ang mata ni mama at ako nama'y napa pikit ng mariin dahil sa diretsong sagot niya.
"Girlfriend mo ang anak ko? Anong ipinakain mo rito sa apo ng mayor Este at bakit ka nagustuhan?" Tumawa naman si Oliver.
"Ma!"
"Biro lang anak, pero diba sa mga tulad ninyong mayayaman at may pangalan sa politiko ay minsan ipinagkakasundo rin kayo sa anak o apo rin ng kapwa politician Oli?"
"Hindi naman po gano'n si lolo, pinapapili niya naman po kami kung sino po ang gusto naming uh makasama sa buhay." Sabi nuya ng nakangiti.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa hijo, kung mahal mo ang anak ko at gano'n rin siya sa'yo, wala akong karapatan para pigilan ang mga nararamdaman ninyo pero sana..." Natigilan si mama, "Alagaan mo ang anak ko."
Ngumiti si Oliver, "I will, tita."
Tumango lamang si mama at ngumiti. Pagkuwa'y tumayo narin at nagpaalam na para matulog.
Tumingin ako kay Oliver na hanggang ngayon ay nakangiti parin, "Uuwi kana?"
Tumango siya. Tumayo narin ako upang ihatid siya sa labas.
Pinatunog niya ang kanyang sasakyan, "I have works tomorrow, I'll call you while I'm working, alright?"
Tumango ako. He walked towards me so I stiffened. Kita ko parin ang mga mata niyang tila kumikislap katulad ng mga bituin.
Inilagay niya ang takas na buhok ko sa likod ng aking tenga, "Your mom likes me." At ngumiti.
Ngumiti rin ako, "I like you more." Pagkasabi noon at uminit naman ang aking pisngi.
"And you love me."
"Of course I love you, Liam Oliver."
He hugged me tightly, kasabay noon ang paglapat ng labi niya sa akin at hinalikan ako ng mabilis.
"I'll call you when I'm home." He said.
Tumango ako at ngumiti, at pagkatapos ay pinaandar na niya ang kanyang sasakyan.
Tumalikod narin ako upang pumasok sa bahay habang hawak hawak ang aking labi...
He kissed me!
YOU ARE READING
Teach My Heart To Fall Again
RomanceWhat if you're not sure about the feelings of your partner because of his past? What if you're just being paranoid that he doesn't love you? Do you teach his heart to fall again for you?