CHAPTER 25

16 4 0
                                    

"Sinong naiwan kay Vince ngayon?" Tanong ko habang nasa drive thru kami upang umorder. Hinihintay nalang namin ang pagkain para makausad na.

"He's with Lolo today." Sabi niya bago tanggapin ang pagkain. "Thank you!" Nag drive na ulit siya.

"Kumusta na si Mayor? Si Felix na pala ang mayor ngayon 'no! Hindi na rin ako magtataka dahil sadyang makamasa naman talaga ang pamilya nyo!" Dire-diretso kong sabi.

Napasulyap siya sa akin. "Lolo's fine. We're still recovering... uh yeah Felix is now the Mayor, nakatsamba ang gago!"

Ngumiti ako. "Si Janine? Miss kona si Janine! May asawa na ba 'yon?"

"She's now a nurse. Kind of busy. Boyfriend meron."

Tumango naman ako. Siguro naman pwede kong siyang tanungin tungkol sa buhay niya? Uh siguro naman naka move on na siya sa mga nangyari dati. Siguro ito na yung right time para sa closure namin. Para wala na kaming samaan ng loob.

"Ikaw... I mean kayo ng asawa mo kumusta na?" Pinilit kong hindi mautal, "ikaw ha hindi moko ininvite sa kasal! Parang hindi tropa!"

Tumingin naman siya sakin ng nakakunot ang noo. "Asawa?"

"Yes asawa! Sabi kasi noon sakin ng ate mo na engaged kana daw kaya syempre ayoko namang maging balakid sainyo ng fiancée mo!"

Ngumisi siya. "First off, wala akong asawa. Second, hindi ako engaged noong tayo pa. At lastly, kung iiinvite kita sa kasal ko, bilang bride sana."

Naningkit ang mata ko at tumingin sakanya. "Tanga kaba?! Ano si Vince anak mo sa pagka-binata?! Lakas mo naman!"

Humalakhak siya. "He's not my son. He's ate Lindsay's son."

For real?!

"Eh bakit daddy ang---" hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya naman napasulyap ulit sa akin si Liam.

Sinagot ko naman ito. "Sorry ateng! Hindi kita naihatid kagabi, e kasi naman busy ako sa pagsasayaw. Pagbalik ko sa table natin hindi na kita nakita. Balita ko pumunta si papi! Sinabi ni Aileen! Sayang!" Dire-diretso niyang sabi, kagigising lang yata ng baklang ito.

"It's okay love." Nakangiti kong sabi. Nakita ko naman kung paano nangunot ang noo ni Liam.

"Nakaalis naba kayo? Ikumusta mo nalang ako kay papi ha! Sige na ibababa kona baka kelangan nyo ng time! Wahhhh," sabi niya na kinikilig pa.

"Oo nakaalis na. Sige, update kita. Bye!" At ibinaba kona ang tawag.

Tumikhim naman ang aking katabi. "Your boyfriend? Yung pumunta sa room mo?"

Natawa ako ng bahagya. "Boyfriend? Si Denver? Mygash naman e bakla 'yon!" Humalakhak pa lalo ako.

Tumaas ang isa niyang kilay. "Then why love?"

"Denver sa umaga, Love sa gabi! Duh," nakita ko naman ang multong ngiti sa kanyang labi.

"Oh! Alright." Sabi niya at inabala na ang kanyang sarili sa pagddrive.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nang idilat ko ang aking mata ay nakita ko si Liam na nakatitig sa akin. Agad din naman itong umiwas ng tingin ng nakamulat na ako ng maayos.

"We're here," sabi niya

"Hala pasensya na! Dapat ginising mona ako kanina."

"It's okay. Shall we?Gumagabi na rin." Tanong niya, nakahubad na rin ang kanyang seatbelt kaya naman dali-dali kong tinanggal na rin ang akin.

Hindi kona siya hinintay na pagbuksan pa ako, dumiretso naman siya sa compartment upang kunin ang gamit naming dalawa.

"Ako na ang magdadala ng gamit mo." Tumango nalang ako.

Teach My Heart To Fall AgainWhere stories live. Discover now