Hindi parin ako makapaniwala na tanggap kami ni mama. Well sino ba naman ang hindi makakatanggap kay Liam. Pero patuloy parin ang kaba sa aking loob looban sapagkat hindi pa ako pinakikilala ni Liam bilang girlfriend niya, pero hindi naman ako nagmamadali. Siguro ay hindi parin sila nakaka move on kay Kiana... pero ayos lang naman sa akin 'yon, alam ko namang mahal ako ni Oliver.
Habang nagmuni muni ako ay tumunog ang cellphone ko. Gaya nga ng sinabi ni Liam na magiging busy siya ngayon, kaya text nalang muna kami sa ngayon.
Liam:
Goodmorning. Nasa trabaho na ako at nakakain na rin. Kumain kana rin. I miss you.
Napangiti ako matapos kong basahin 'yon at dumiretso sa banyo upang maligo.
Naging maganda naman ang buong araw ko, nag handa lang ako ng mga lesson plan buong maghapon dahil bukas ay tuloy na ulit sa OJT namin. Si mama naman ay nasa stall dahil sabi niya ay ilang araw na daw siyang hindi nakakapagbantay kaya siya raw muna.
Natigil lamang ako ng tumunog ang aking cellphone. Nabuhayan ako sa pag aakalang si Liam 'yon ngunit si Aileen lang pala.
Napairap ako bago buksan ang mensahe niya.
Aileen:
Ang ganda ko, Este! Nasaan ka ngayon? I saw papi Oli kalalabas lang ng restaurant, may kasamang girl. Maputi at malaki ang nasa likuran at harap HAHAHAHA.
Aileen:
Nandito kami sa may 7/11. Hindi ko natanong kasi inaya na siya sa sasakyan nung babae at nakapulupot ang kamay sa braso kaya hindi na kami nag abalang lumapit.
Aileen:
Baka kaibigan lang. Wag magjejelling jelling, ma'am!
Hindi naman ako nagseselos... hindi naman na rin niya ako tinext magmula kanina kasi ang sabi niya ay magiging busy siya... baka business lang. Oo nga Estella baka uh... business.
Ako:
Gumagawa ako ng lesson plan para bukas. Ingat kayo pauwi!
Yun lamang ang nireply ko at pinatay kona ang aking cellphone at itinigil ang pagsusulat sa manila paper dahil nawalan na ako ng gana. Well sabi ko nga hindi ako nagseselos pero... Argh tutulog nalang nga ako.
Nagising ako dahil sa katok sa aking pintuan.
"Pasok po, bukas 'yan." Sabi ko ng hindi parin bumabangon sa pag aakalang si mama iyon. Pumikit parin ako at inilubong ang aking ulo sa unan.
Naramdaman ko ang paglubog ng aking kama kaya naman nagmulat ako at napabalikwas nang makita ang nasa tabi ko.
Tinignan niya ang suot kong sando kaya naman napatalukbong ako ng kumot sa aking katawan.
He chuckled.
Napaupo ako matapos balutan ang katawan, "Liam! Ano bang ginagawa mo rito? Dapat ay tinawagan mo ako para alam kong pupunta ka."
Lumapit siya sa akin, "I called you kanina pa, but your phone's dead. Kaya pumunta nalang ako dito." Then he hugged me, "I missed you!"
Kahit na hindi ko makalimutan ang sinabi ni Aileen ay umakto parin akong kunwari ay okay lang, "Uh pagod ka ba? Gutom? What do you want to eat? I'll cook."
"I want cuddle." He said.
"Cuddle?! Mabubusog kaba ng cuddle na 'yan Liam!"
Lumawak ang kanyang ngiti na siya namang inirapan ko, " I'm not hungry baby, kumain ako bago pumunta dito."
"Nabusog ka siguro sa date nyo." Hindi kona napigilan ang sarili ko.
His brows furrowed "What date are you talking about?"
Nabigla ako ngunit hindi ko ipinahalata 'yon, "I mean, sa opisina. Nabusog ka yata. Halika na sa baba gabi na baka hanapin ka ni m-mayor." Pagkasabi ko noon.
Hinila niya ako dahilan upang mapaupo ako sa kandungan niya, "What's with the hottness, hmm?"
Umirap ako, "Gabi na Liam! Baka hinahanap kana sainyo. Ano ba! Huwag mo akong yakapin!"
Tinititigan niya lang ako at walang pakealam sa aking sinasabi, "Hey, what's wrong?" Malambing niyang sabi at sabay pinagsiklop ang aming mga daliri. "Wala akong naaalalang may ka date ako, Estella."
I made a face, "Wala nga kaya halika na sa baba." Akmang tatayo ngunit hinila parin ako.
Ngumingiti parin siya kaya naman mas lalo akong nainis, "Ano ba Liam, bababa ba o ano?!"
"Hahalik sa selosa."
Nagulat ako, "Hindi ako selosa, Liam. Umuwi ka nalang at gabi na." Umirap muli ako at hindi tumitingin sakanya.
Hinuli niya ang aking mata at hinawakan ang aking baba at pinatakan ako ng halik sa labi.
Pagkatapos niya akong halikan ay inilabas niya ang kanyang cellphone at may idinial na numero. Ilang sandali lang ay sumagot ang kabilang linya, iniloudspeaker niya ito.
"Hello couz, what's with the call?" Sabi noong nasa kabilang linya kaya naman nanlaki ang aking mata.
"Damn you, Janine!" He said kaya tinampal ko ang kanyang braso.
Tumawa ang nasa kabilang linya, "Sorry na couz, eh andami kasing tumitingin sa'yo kanina and you told me na you have a girlfriend na. So para walang umagaw sa'yo, pinilipit kona ang braso ko. Bakit nalaman ba ng baby mo? Hala sorry." Sabi niya at humahalakhak parin.
Tinignan ako ni Liam bago nagsalita, "Tungkol sa kotseng hinihingi mo, I'll give it to you. Kunin mo nalang sa garahe sa sabado, ipapakilala ko rin ang girlfriend ko." Ngumuso ako.
"Naks naman lover boy. Thankyou! You're the best talaga couz, see you on Saturday! Can't wait to meet your girlfriend!"
"Alright." Iyon lamang at pinatay na niya ang tawag.
Mas lalo tuloy akong ngumuso at nahiya.
"Sorry for the misunderstanding, baby. My cousin called me kanina dahil sabi niya gusto niya ng sasakyan. At dahil natuwa ako ngayon, sakanya na 'yon." He said at ngumingiti ngiti parin.
"Lika na sa baba." Yun lamang ang sinabi ko at tumayo na at naunang lumabas. Hinayaan niya naman ako at tumayo narin upang bumaba.
Naabutan namin sa baba si mama na kadarating lamang.
"Oh Oli nariyan ka pala, naghapunan kana?"
"Magandang gabi po tita, tapos na po. Dinalaw ko lang si Esca."
"Pauwi kana ba?" Tumango naman si Liam, "Oh sya mag iingat ka sa pagmamaneho."
"Hatid ko lang ma." Pagkasabi ko noon ay nauna ng lumabas.
Pinatunog na niya ang sasakyan ng makalapit kami rito. Kasabay noon ay ang pagtitig niyang muli sa akin.
He smile devilishly, "So how's my jealous baby?"
"Jealous mo mukha mo." Inirapan ko siya.
Humalakhak siya, "Ipapakilala kita kina lolo." Pagsabi niya no'n ay hinawakan niya ulit ang baba ko at pinatakan ako ng halik sa labi, napahawak tuloy ako sa kanyang dibdib kaya naman mas lumalim ang halik.
Nakapikit pa ako ng bumitaw siya sa halik, "Parang gusto ko nalang palagi kang nagseselos. Nakakanakaw ako ng halik."
Tinampal ko ang kanyang braso at umirap, "Uwi na. Gabi na."
"I'll see you tomorrow then." Pagkasabi niya no'n ay pumasok na siya sa sasakyan. Kinawayan ko ang umaandar niyang sasakyan. Bago ito naglaho.
Bwiset na Aileen, natawag pa tuloy na selosa!
YOU ARE READING
Teach My Heart To Fall Again
RomanceWhat if you're not sure about the feelings of your partner because of his past? What if you're just being paranoid that he doesn't love you? Do you teach his heart to fall again for you?