True love will come in unexpected time with unexpected person. It'll give to you in god's perfect timing. Maraming mga pagkabigo ang pagdadaanan bago mo matahak ang pagmamahal na para sa'yo.
At sa mga oras na ito alam kong ito na ang perfect timing naming dalawa. Ito na yung pinaka hihintay kong pag-ibig galing sa maykapal, binigay niya na sa akin ang lalaking matagal ko nang hinihintay...
Si Liam.
Simula nang mapagtanto kong mahal ko siya at dumating ang panahon na pinaghiwalay kami, wala akong ibang minahal dahil ang totoo... never ko siyang nakalimutan. At sa ginawa niya ngayon, he gave me an assurance to all my buts in life.
Pinunasan niyang muli ang umaagos kong luha gamit ang kanyang hindi kalambutang kamay, pagkatapos noon ay iginiya niya ako sa table na naroon sa taas ng stage.
Maraming mga ganap. May mga umawit ng mga love songs at sumayaw ng nakakakilig na sayaw. Naghiwalay lamang kami ni Liam nang lapitan namin ang aming mga kaibigan sa kani-kanilang tables.
"Patingin naman ako ng ring!" Excited na sabi ni Aileen kaya naman ipinakita ko ito sakanya. "Aww so sweet of him talaga! Manok kona talaga siya noon pa man," humalakhak pa ito.
Sumimsim si Denver sakanyang wine glass bago umimik, "True! Pero mas bagay ang dyamanteng iyan sa daliri ko!"
Natawa naman ako at handa na siyang asarin, "gusto mo? Luh asa ka!"
Kasunod naman noon ay pumunta ako sa table ng mga engineer upang lapitan si Haiven, gusto ko lang din magpasalamat.
Hindi pa man ako nakakalapit sakanya ay umayos na agad siya ng tayo, tila nag-aabang sa akin.
"Congratulations! Alam kona simula palang," aniya
"Salamat Ven, gusto ko rin sanang mag sorry sa nangyari matagal na taon na ang nakalipas,"
Hinawakan niya ang aking kamay. "You're sorry, Cassidy."
Bago pa man ako makapagsalita sa kanyang sinabi ay may kamay nang pumulupot sa baywang ko, kaya naman tumingin ako sa aking kanan. Kitang kita ko ang matatalim na mata ni Liam na nakatutok kay Haiven.
"Congrats pare," naglahad pa ng kamay si Haiven at siya rin namang dinaluhan ni Liam ngunit matalim pa rin ang tingin. "I'll talk to the engineers, excuse myself," sabi niya at naglakad na paalis sa aming harap.
Sinilip ko naman si Liam na ngayon ay nakatingin na sa akin, ngumuso ako. "So rude of you!"
"I'm not!" Giit niya. "Kung bastos ako ay sana hindi ko tinanggap ang kamay niya," hinarap niya ako at hinalikan sa noo, "tara sa long table, andon ang family mo at family ko. Magpapaalam na rin tayo na mauuna na sa suite, I'm sure pagod kana."
Tumango lang ako at nagpatianod sakanya.
"Sabi kona nga ba! At hindi papayag ang apo ko na makawala pa si Estella sakanya," sabi ng lolo ni Liam at humalakhak pa.
"I agree lolo, pinasundan niya pa si ate Estella sa Manila," nang-aasar na sabi ni Janine
"So kailan ang kasal hijo, hija?" Si mama
"Pag-uusapan pa po namin ma kun--" hindi kona natapos ang aking sasabihin dahil sa pagsabat ni Liam.
"Gusto ko po sana ay sa isang buwan na, tita," nagtawanan ang mga nasa table
"Woah lover boy!" Si Felix
Inirapan lang siya ni Liam at nagsalitang muli. "Mauuna na po sana kami sa suite, napagod po kasi yata si Estella, she need to rest dahil uuwi na rin bukas," tumango naman ang mga naroon at walang anu-ano'y lumabas na kami sa venue.
Pagdating namin sa suite ay dumiretso agad ako sa banyo upang makapag bihis at ganun rin siya, pagkatapos noon ay humiga na kami sa kama.
"Are you happy?" He asked while hugging me after we made love
"More than happy... thank you,"
Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil maaga ang aming byahe. Hindi na nakapagpaalam ang aming pamilya sa amin ng personal dahil alam naman daw nila na pagod kami kaya tinext nalang nila kami ni Liam.
Lumabas kami ng hotel at dumiretso na sa sasakyan, ibinaba niya muna ang maleta naming dalawa at pinagbuksan ako ng sasakyan. Ngunit nang papasok na ako ay biglang may lumapit na babae sa amin, wari ko'y mas matanda ito ng ilang taon kay mama. Naka corporate attire ito, labas na labas mula sa kanyang awra kung gaano siya kaangat sa buhay. Maputi ang babae at maamo ang mukha.
Kaya naman napalabas muli ako ng sasakyan dahil sa kanyang pagsulpot sa amin. Nakangiti ang kanyang mukha habang si Liam naman ay mukhang nagtataka sa kanyang presensya.
"Liam, can we talk?" Aniya na nagpakunot sa aking noo.
YOU ARE READING
Teach My Heart To Fall Again
RomanceWhat if you're not sure about the feelings of your partner because of his past? What if you're just being paranoid that he doesn't love you? Do you teach his heart to fall again for you?