CHAPTER 3

25 11 2
                                    

"Este!!" Bumalik ako sa ulirat nang marinig ko ang tawag ng dalawa kong kaibigan.

"Saan kaba galing ha?Kanina pa kaming naghihintay sa chapel doon sa gilid Este. Gilid." Si Aileen at niyugyog pa ako.

"Ha?A-aba malay ko ba!Hindi naman kayo nagtext sa akin kaya akala ko ay dito tayo mismo!"

Napasapo sa noo niya si Aileen "Jusko Este!Hindi tuloy namin nakita yung outfit ng apo ni mayor dahil sa kahahanap sa'yo"

Syempre dinemonyo ako e.

Pero hindi ko sinabi 'yon bagkus ay ngumiti lang ako ng pilit "Ano namang mapapala ninyo kapag naka silay kayo?Tsk dinaig pa ang santo!At humahaplos lahat ng mga babae sa braso!"

"What did you say Este?Sinong hinaplos?" Si Vane

"Y-yung ano yung santo. Tama parang gusto kong haplusin yong santo na naroon sa may pinto. Oo tama!Halina kayo." Utas ko at nauna ng maglakad.

Hapon na nang makauwi kami. Hindi ko parin malimutan ang hambog na apo ni mayor. Natatawa naman ako sa dalawang kaibigan ko dahil sakanila ko nailabas lahat ng inis ko.

My smile faded because of my mom's text.

Mama:

Es, nandito ako sa reception ng apo ni mayor, inimbitahan lahat dahil enggrande ang kainan. Hindi ako nagluto. Nandito rin sina Aileen at Vane. Sumunod ka nalang dito anak :*

Sanaol enggrande ang handaan. Matapos kong basahin ang text ni mama ay nagmartsa ako papalabas ng bahay at dumiretso sa Cultural Convention Center.

Malapit lang ito sa aming bahay kaya naman nilakad ko nalang.

I saw the shining chandeliers that fitted in their maroon motif. Pati ang tables at upuan ay maroon at white din ang kulay. At sa gitna naman ay may stage at nasa itaas noon ang bride at groom.

"Esteee!!" Si Vane

"Nakakarindi naman 'yang bibig mo Vanessa Margaret!" untag ko.

"Ang sarap ng shanghai nila mayor! Nandoon si Aileen sa lamesa at binubuhay ang kapatay gutuman niya."

Dumiretso kami sa table na nakalaan para sa 'guests' kuno. Well infairness nag abala pa sila para sa mga constituents ni mayor huh.

Naabutan namin si Aileen na nilalantakan ang cupcakes na nasa plato niya. Habang papalapit sa aming mesa ay hindi ko mapigilang sumilip sa bawat sulok dahil sa pagkamangha sa convention. Habang sumisilip ay nakita ko sa gilid ng aking mata na parang may nakatingin sa banda namin.

Agad ko itong nilingon at nakita ko ang apo ni mayor. Wala na siyang suit at tie ngayon, tanging ang white polo na lamang na nakatupi hanggang siko ang nandoon.

Kumunot ang noo ko nang mapansin kong nakikipaglaban ako sa titig niya. Wtf.

He smiled mockingly.

Tanginamo talaga. Umirap ako at umupo na sa lamesa namin.

"Ang sarap ng apo!Este ng adobo!" Si Aileen

" 'wag kang magpahalatang patay gutom ka Aileen, nakakahiya kay Oliver" Si Vane

Natawa ako sa sinabi ni Vanessa. Gaga rin to minsan e.

"Ang ingay nyo! Nasaan ba sina mama?"

"Ay nandoon sa table nila. Duh may sarili tayong table no!"

Nagtipa agad ako ng mensahe kay mama

Ako:

Ma, I'm here na po. Table 18.

Pagtapos kong magtipa ay tinago ko na ang cellphone ko sa sling bag na dala ko. Tumingin tingin muli ako sa paligid at hindi kona muling nakita ang apo ni mayor.

Napapangiti ako at naaaliw sa mga nagpeperform sa stage. May mga nagsasayaw at nag memensahe para sa newly wed.

"At dahil this night is one of the most special event for Lyndon Family, syempre hindi natin papalagpasin ang pagkakataon para mag request ng awitin galing sa apo ni Mayor Rodolfo!" Sabi noong host na malawak narin ang ngiti.

"Let us welcome, Mr. Liam Oliver Lyndon! Around of applause everyone."

Umismid ako. Hindi halatang may talent ang isang ito.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang apo ni mayor kaya naman napasulyap ako at nahuli niya ang aking mga mata. Pagkakuwa'y umiwas din ako agad.

Tumigil ang aking paghinga nang maamoy ko ang pabango niyang nakakaadik. At papalapit ng papalapit sa aming lamesa.

"Watch me." He said

Nanlaki ang mata ko ngunit huli na dahil umakyat na siya sa stage at inayos ang stand ng microphone at kinuha ang gitara sa gilid at pagkatapos ay umupo na siya.

Sinimulan niyang magstrum ng gitara.

I look at her and have to smile...

As we go driving for a while...

Shit. Ang ganda ng boses. Bagay na bagay sakanya.

Her hair blowing in the open window of my car...

And as we go I see the lights...

I watch them glimmer in her eyes...

In the darkness  of the evening...

I can't help myself not to stare. What the hell is wrong with you Estella Cassidy!

And I've got all that I need...

Right here in the passenger seat... 

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi, kasabay nito ang pagtitig niya sa akin. Nagkatinginan kami. Patuloy parin siya sa pag strum at pag awit.

And I can't keep my eyes on the road...

Knowing that she's inches from me...

Umiwas lamang ako ng tingin nang tumikhim si Aileen "Mahusay, scam ka rin e!"

"Scam?"

"Hindi kapa interesado sa lagay na 'yan Este?Kulang nalang ay tumulo ang laway mo sa kahusayan ni bebe Oliver!"

Napapunas ako sa aking bibig "What?Excuse me! I'm watching the whole venue, not him!"

"Watching pa nga. Ang panget mo gumanap gaga! Dyan kana nga muna mag babanyo lang kami ni Vane. Bantayan mo tong shanghai ko!"

Tumango lamang ako sa aking kaibigan at kasabay noon ang pag irap.

Binalik ko ang aking mga mata sa aking plato. Hindi kona muli pang tinignan ang stage dahil alam kong nakababa narin  naman iyon matapos kumanta.

"You like it."

Muntik na akong masamid dahil sa baritonong boses na aking narinig...

Teach My Heart To Fall AgainWhere stories live. Discover now