Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa ibaba ng bahay. Napasapo pa ako sa aking noo dahil sa sakit ng ulo dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pag flashback ng lahat ng pangyayari sa aking utak.
Bumangon ako habang hinihilot ang aking sentido at dumiretso na sa banyo. Naligo ako at nagbihis ng aking uniporme dahil panibagong araw nanaman ng pagtuturo sa mga bata.
Matapos kong maayos ang sarili ay bumaba na ako para do'n nalang maglagay ng kauting make up para naman hindi ako magmukhang patay.
"Ewan koba diyan sa kapatid mo Ernest! Masyado ng nalibang sa pagtuturo sa mga bata kaya hanggang ngayon ay wala paring nobyo!" Dinig kong sambit ni mama.
Humalakhak naman si kuya Ernest. "Eh baka hanggang ngayon ma e may hinihintay parin."
"Gusto kona magkaroon ng pang apat na apo!" Si mama.
"Ang aga aga ang ganda ng pinagchichismisan nyo ah!" Sabi ko ng makababa at nilapitan kopa ang aking pamangkin na nasa walker.
"Oh kuya napabisita kayo?" Baling ko kay kuya Ernest.
"May project ako rito Este kaya rito muna kami." Napangiti naman ako dahil sakanyang sinabi at pagkuwa'y kinurot pa ang isa niyang anak na naglalaro ng car cars sa isang gilid.
Humagikhik si mama. "Eh kasi naman anak! Gusto ko na magkaapo na galing sa'yo!Bente sais kana pero single ka parin hanggang ngayon anak! Oh siya kumain na at baka ma late kapa."
Tumawa lamang ako sa sinabi ni mama at umupo na sa hapag.
"Alis na po ako ma!" Sabi ko matapos kumain at mag toothbrush. Sinuklay ko muli ang umaalon kong buhok at inayos ang aking palda na hanggang tuhod ang haba.
"Oh siya sige, ingat ka anak! Enjoy sa pagtuturo!"
Paglabas ko ng bahay ay pumara na ako ng jeep. Wala pa kasi akong time kaya hindi ako makabili ng sasakyan ngayon.
Habang nasa byahe at nag vibrate ang aking cellphone, kaya naman inopen ko ito.
Cecile:
I miss you bestie! Argh sana makapasyal ako dyan sa inyo! See you soonest:)
Nagtipa naman ako ng mensahe para sakanya.
Ako:
Tara na dito! Miss you too Ces!
I remember the time na graduating na kami. Nanatiling bumibisi-bisita si Felix sa campus. Isa rin siya sa kinamayan ko no'ng graduation. I graduated BS Education with latin honors.
"Congratulations Ms. Delgado!" Sabi ni Felix nang makamayan ako. Ngumiti lamang ako sakanya.
After ng LET namin ni Cecile ay napagpasyahan kong dito sa Batangas ipagpatuloy ang pag-aapply. Napili ko ang dati kong pinag OJT-han. Siya naman ay nanatili sa Manila dahil nando'n naman ang kanyang pamilya.
Pagdating ko rito ay wala namang nagbago sa pamamahala. Mga Lyndon parin ang nasa pwesto, well wala rin naman akong masasabi dahil sadyang mababait sila. Nagkita rin kami ni Janine at sinabi niyang lumuwas si Liam at they have no idea kung kailan ito babalik, kaya wala siya. Pero hindi ko rin naman hinahanap, siguro ay nakalimutan kona ang pinagsamahan namin no'n not until we saw each other yesterday.
Ang stall naman namin ay lumago na pagkalipas ng walong taon kong pagkawala.
"Para po!" Sambit ko sa driver at pagkuwa'y bumaba na ng jeep.
Inayos kong muli ang medyo tumaas kong palda at sinuklay ko rin ang buhok ko gamit ang aking mga daliri bago naglakad papasok sa school.
"Good morning teacher!!" Maligayang bati ng aking mga estudyante.
Nginitian ko ang mga ito maging ang kanilang mga magulang. "Good morning mga anak!" Maligayang bati ko rin, "Pasensya na at na late si teacher ng kaunting minuto." Pagkasabi ko no'n ay siya ring pagbukas ng pintuan ng aking silid-aralan.
Masaya silang pumasok at nagsiupo sa kani-kanilang mga upuan. Tahimik lang naman sila at ako nama'y tumayo at kumuha ng walis upang tulungan ang mga nanay na nagwawalis ng aming silid.
Binati ko muna ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso sa labas upang doon magwalis.
Nagpupulot ako ng balat ng candy nang biglang...
"Teacher Elle!!!!" Kaya naman napalingon ako sa cute na batang si Vince.
Nagmano siya sa akin. "Magandang umaga Vince!" Sabi ko at hinaplos ng marahan ang kanyang pisngi.
"Hinatid po ako ni daddy, teacher!" Bago pa ako makapag react ay nakalapit na sa amin ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng pang opisinang uniporme. Hila hila pa niya ang de gulong na bag ni Vince na may design na Ben 10.
Gusto kong matawa pero pinipigilan ko dahil hindi naman kami close para matawa ako.
"Daddy say good morning to teacher." Sabi ni Vince nang ibaba ni Liam ang bag nito.
"Mornin'" Kaswal na bati nito.
Napalunok ako bago magsalita. "Uh good morning Mr. Lyndon." Tipid akong ngumiti.
"Daddy, why don't you help teacher to pick up those trashes?" Ngumiti ito sa ama, "Ako nalang po ang maghihila ng bag ko papasok sa room."
"Alright, big boy!" Ginulo ni Liam ang buhok ni Vince bago ito pakawalan.
Naiwan kaming dalawa. Hindi ko alam kung iimik ba ako o ano. Medyo nahiya ako dahil ang gwapo niya sa suot niyang suit tapos pagpupulutin ko lang ng basura. My gosh Estella.
"Have you eaten?" Tanong niya
Ano namang pakealam niya sa pagkain ko. Pero syempre hindi ko sinabi 'yon. "Yeah, kanina bago uh umalis ng bahay." Sabi ko nang hindi siya tinitignan.
Kitang kita ko parin sa gilid ng aking mata ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
Tumikhim siya, kaya naman napatingin ako. "Ako na ang magwawalis sa banda do'n." Nginuso pa niya ang sa may bandang dulo at pagkuwa'y kinuha ang walis tingting ngunit agad ko siyang pinigilan. Kaya naman hindi sinasadyang mag lapat ang aming mga kamay.
"Huwag na!" Sabi ko.
Tumingin siya sa aming kamay then I saw the ghost of smile formed in his lips, kaya naman napabitaw ako na akala mo'y nakuryente. Well nakuryente ngang talaga ako. Psh.
"I-I mean ako na sa banda do'n." Bago pa siya makatanggi ay hinablot kona ang walis at lakad takbong pumunta sa dulo upang do'n magwalis.
YOU ARE READING
Teach My Heart To Fall Again
RomansaWhat if you're not sure about the feelings of your partner because of his past? What if you're just being paranoid that he doesn't love you? Do you teach his heart to fall again for you?