CHAPTER 9

19 8 0
                                    

Pumunta ako sa Chicken Wings na itinext sa akin ni Vane. Pagpasok ko palang ay sinalubong na kaagad nila ako ng yakap.

"Tagal mo, ay wow! Kanino galing 'yan Es?" si Aileen saka nginusuan ang bitbit kong rosas.

"Ewan." sagot ko tsaka umuna na sa table kung nasaan sina Rick.

"Es, dito!" si Haiven at pinagpagan pa ang upuan na inialok sa akin na nasa kanyang tabi.

Umupo naman ako doon at inilapag ang rosas sa konting space na nasa lamesa. May pagkain na sa lamesa wari ko'y nahuli ngang talaga ako.

"What do you wanna eat?" bulong ni Haiven sa'kin

"Uh...shake nalang Ven, busog ako e. Thanks" sagot ko at agad naman siyang tumayo para umorder.

"So how's your study, girls?" Rick asked

"Ayos naman Rick uhm... busy pero goods lang. Uh by the way thanks sa treat Ri!" sabi ko at nginitian siya.

"Hoy!Hoy!Hoy! Babae kanino nga kasi galing 'yang rose na 'yan? Effort ha! Kay baby Oli ba?" si Vane

"Ewan. Tsaka bakit naman ako bibigyan ng rose non? What for?"

Bigla niyang kinulbit si Aileen na busy sa kanyang cellphone. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Uh...O-oo nga naman Vane bat nga naman magbibigay ng rose si Oli."

"Basta team Oliver ako." si Vane at uminom sa kaniyang iced tea.

Tumikhim naman si Haiven na ngayo'y nasa likuran kona.

"Here's your strawberry shake Cass." he said coldy at umupo na ulit sa aking tabi atsaka ipinatong sa lamesa ang shake ko.

Nagulat ako sa biglaang paglakas ng pagkakalapag niya."Uh... thanks Ven. Uhm... Kain kana ulit." sabi ko at iniabot ko sakanya iyong chicken wings, pampalubag loob.

At nang tumingin ako sa banda nila Aileen ay hindi na mapakali ang dalawa kung saan papaling ng tingin dahil biglang bumukas ang sliding door nang kinakainan namin at iniluwa noon si Oliver na dashing sa kaniyang suot na white button down polo na nakatupi hanggang siko at black pants. May kasamang babae. Familiar 'yong babae tanda ko siya 'yong humampas sa braso ni Oliver noong kasal.

Nahuli niya ang mata ko na napatingin din sa direksyon nila. Umirap ako at ibinalik ang mata sa aking shake. Tumikhim naman si Ven kaya napatingin ako at ngumiti.

"May iba kapa bang gusto?" nasamid ako sa kanyang itinanong.

I chuckled "Pardon?"

"I mean foods?" sabi niya at napakamot pa sa batok.

"Uh..No I'm okay."

Sumilip muli ako kina Oliver at nakaupo na 'yong babae sa kabilang table, tapat sa amin. Pabalik na si Oliver sa kanyang upuan at may dala itong tray na may lamang pagkain at inumin. Gentleman yarn. Lol.

"Pst sino 'yon?" bulong ni Aileen na nasa tabi ko na.

"Aba malay ko." sagot ko at umirap.

Umilaw ang cellphone ko na nasa ibabaw rin ng lamesa namin.

Oliver:

Masyadong madikit.

Kumunot ang noo ko at nagtipa ng mesahe para sakanya.

Ako:

Ang alin? Iyang babae mong kasama?

Tumingin ako sa table kung nasaan sila at abala silang pareho sa mga cellphone nila. I saw him smirked.

Oliver:

Oh, so my baby's jealous?

Jealous? Sana okay kalang tol. Bat naman ako magseselos? Diko naman siya boyfriend.

Ako:

Nope. Kahit ihiga mopa 'yan sa mesa at piga pigain ang braso mo, wala akong pake.

Oliver:

Where do you learn those words huh?

Ako:

None of your buss. Could you please stop texting me and enjoy your food with your girl.

Medyo sarkastiko iyon ah! Pero siguro naman hindi niya na 'yon mapapansin.

Oliver:

How can I enjoy my food while you're busy laughing with that boy beside you.

Siya yata itong nagseselos eh. Si Haiven? Really? Duh.

"Tamo naman si Leen, ang dumi ng mukha." bulong ni Ven sa akin kaya naman natigil ako sa pagtipa ng mensahe para kay Oliver at tinignan ang kaibigan. Napatawa ako sa sauce na nagkalat sa mukha ni Aileen.

"Hayaan mo siya at nasarapan yata sa pagkain." sabi ko na pinipigilan ang halakhak. "Banyo lang ako Ven." sabi ko sabay tapik sa kaniyang balikat.

Dumiretso ako sa banyo ng babae. Medyo kalapit lang nito ang banyo ng lalaki kaya naman kung sino ang papaling sa kaliwa ay makikita na ang mga espada ng mga boys.

Didiretso na sana ako papasok sa banyo ng babae nang may biglang humila sa palapulsuhan ko. Kaya naman napaharap ako.

"What's with the tap on the shoulder huh?" he said habang ang mga mata'y nanlilisik na nakatitig sa akin.

Nandito kami ngayon sa sulok ng banyo. Mabuti na lamang ay walang masyadong tao sa Chicken Wings ngayon kaya walang tao sa banyo sa mga sandaling ito.

Amoy na amoy ko ang napakabango niyang amoy maging ang hininga niya ay naaamoy kona. Hindi naman amoy sauce, but his lips, ugh so redish. Ay sht. Ano ba Estella!

Nakatingin lang ako sa baba dahil hindi ko kayang makipagsabayan ng titig sakanya. Nakakahiya baka tumulo bigla ang laway ko dito. Tangina Estella. Pokpok mo!

Nilaro laro ko ang kuko ko at sa baba parin nakatingin nang bigla niyang hinawakan ang aking baba para iangat ang tingin ko. His jaw clenched na lalong mas nagpakaba sa akin. Kasabay noon ang paglagay niya ng takas na buhok sa likod ng aking tainga.

"W-what?" tanong ko habang pilit na lumalaban sa titigan.

He signed " I said what's with the tap? And the laugh?"

"W-wala. Bakit ba?Pakealam mo?"

Nilagay niya ang kanang kamay sa pader kung kaya't mas lalo pa akong nacorner. I'm sweating bullets for heaven's sake. Can someone help me, I'm loosing my mind now.

"Seriously? Nakikita mo ba ang titig ng lalaking 'yon sa'yo? Tss."

"Hindi, kasi hindi ko naman tinititigan pabalik." sagot ko.

"Whatever the fuck is your reason! Diba I already told you that I like you? Uulitin ko paba?!" sabi niya na nanlilisik parin ang mata.

Parang wala naman akong natandaang sinabi niya 'yon. Pero diko na sinabi, baka mas lalong magalit.

"O-oh tapos?"

"Oh tapos?Seriously? I'm jealous Estella. The way you smile to that boy and the way you tap his shoulder, I wish it was me! I wish I can take you on a date like what he's doing!"

Napatalon ako sa paglakas ng boses niya. "Date? Hindi 'yon intimate date. It's a group date! At hindi ako gusto ni Ven, we're just friends! Kilabutan ka nga."

"Alam ko ang galawan ng lalaki kung gusto nila ang babae o hindi Es."

"Of course alam mo! Number one ka sa mga babaero e." sabi ko sabay tanggal ng kaniyang kamay na nakaharang kung saan ako dadaan.

"But Es, could y--"

"Oh and one more thing, I just want to inform you that I don't like you." sabi ko sabay naglakad paalis ng banyo kahit ang feeling ko e naiihi na 'ko.

Teach My Heart To Fall AgainWhere stories live. Discover now