Nakangiti pa rin ang ginang nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Nagulat ako nang biglang tumango si Liam na animo'y kilalang kilala niya ang kanyang kausap.
"Where tita?" Magalang na tanong ni Liam
"I reserved to a near restaurant, you can invite your uh..."
"She's my fiancée tita."
"Oh!" Ani ng ginang "She's your fiancée," bumaling pa siya sa akin. "It was nice meeting you hija!" Maligaya niyang nilahad ang kanyang kamay at agad ko rin naman itong tinanggap.
Pumunta na kami sa kanya-kanyang sasakyan at huminto sa restaurant na napag-usapan. Liam squeezed my hand kaya naman napatingin ako roon.
"I love you," he said then kissed my forehead.
Nauna sa amin ang ginang kaya naman nang matagpuan namin siya sa pinakadulong table ay dumalo na rin kami roon.
Magkatabi kami ni Liam samantalang ang ginang naman ay nasa harap namin, medyo hindi ako mapakali sa paminsan-minsan niyang pagsulyap sa akin at pagkatapos ay ngingitian ako.
"How are you hijo? Its been a long years since we haven't seen each other," panimula niya
"I'm fine po tita... Actually I'm getting married next month, uh if you're not busy pwede po kayong dumalo," si Liam.
Ngumiti ang babae at hinawakan ang kamay ni Liam na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "I'm very much happy seeing you inlove, Liam. Sigurado akong masayang-masaya si Kiana dahil sa wakas... ay natagpuan mo na ang para sa'yo."
Hinawakan naman ni Liam ang aking hita gamit ang isang kamay... Napangiti ako... Siya pala ang nanay ni Kiana, napaka ganda niya kahit pa may edad na. Siguro ay ganito rin ang mukha ni Kiana.
Dumating ang waiter na may dalang mga pagkain, wari ko'y naka order na siya bago pa man kami makarating dito.
Tahimik lang ako habang nag-uusap sila.
"Napakaganda ng mapapangasawa mo hijo," sabay tingin niya sa akin. Feeling ko namula ang pisngi ko dahil sa init na aking nararamdaman.
"She is, tita. I'm sure Kiana's really happy seeing this lovely creature beside me." Ngumiti ang matanda.
Natapos kaming kumain at napag-usapan rin nila ang mga business kaya naman tahimik lamang ako sa aking upuan.
"So hijo... hindi kapa ba nakakabuo ng little Liam?" Naubo ako dahil sa sinabi ng ginang
"I wish mayroon na tita..."
Humalakhak ang matanda at bumaling sa akin. "Napaka ganda mo hija, napaka swerte mo kay Liam. Mabait at mapagmahal ang batang 'yan."
"Sobra po," sabi ko at ngumiti. Ramdam ko naman ang ngisi ni Liam sa aking tabi.
Ilang oras pa ang aming inilagi roon at napatingin ang ginang sa kanyang mamahaling relo. "It's late na hijo, hija. Alam kong pagod kayo dahil sa event na dinaluhan niyo. I need to leave na rin dahil marami pa akong aasikasuhin..." Tumayo na ang ginang at tumayo na rin kami, "I'll see you sa wedding. Best wishes in advance sainyo," ngumiti pa ulit ito
"Thank you so much tita, I'm glad to see you po," si Liam
Pagkaalis ng nanay ni Kiana ay napagpasyahan na rin naming lisanin ang restaurant. Sa kotse ay wala kaming imikan. Medyo nagulat pa rin ako dahil sa nanay ng dati niyang nobya... Pero napaka bait niya, siguro ay ganoon rin si Kiana.
Hinawakan ni Liam ang aking kamay gamit ang isa niyang kamay, ang isa naman ay abala sa pagdadrive. "Are you okay, baby?"
Ngumiti ako. "Oo naman. Naisip ko lang... Gusto kong puntahan ang puntod ni Kiana. Gusto kong magpaalam sakanya na... We're getting married."
He chuckled and caressed my hand. Ngumuso ako. "Gusto mo bang ngayon na?" Napatingin ako sakanya at tumango.
"Okay we'll go."
Lumiko kami sa ibang dako ng daan. Sa Manila pala inilibing si Kiana. Mabuti nalang at nandito pa kami kaya mabibisita namin siya.
Bumili kami ng bulaklak para ilagay sa puntod ni Kiana. Nauna akong lumabas ng sasakyan dahil ipapark pa ni Liam ang kotse.
Walang masyadong tao ngayon, kaya mas tahimik ang paligid. Pinagsiklop namin ni Liam ang aming mga daliri bago tumungo sa puntod ni Kiana.
Ako ang naglapag nang bulaklak. Kasabay noon ay ang pag-upo ko sa damuhan. "Hi Kiana... Uh I'm Estella... Liam's fiancée. Kumusta kana dyan? Sana naman ay hindi mo ako multuhin dahil ako ang pakakasalan nitong lalaking ito," narinig ko ang tawa ni Liam sa aking likuran, nakatayo pa rin siya. "Promise ko sa'yo aalagaan ko siya. Mabait naman ako kaya wala kang magiging problema sa akin." Natawa pa ako sa aking mga sinasabi dahil daig kopa ang nagpapaalam na bata sa kanyang ina. "Napaka bait pala nitong boyfriend mo ano! Akala ko dati ay babaero at manloloko! Hay... Pasensya kana kung papakasalan kona siya ha... Huwag mo akong mumultuhin ha nako!"
Umupo na rin si Liam habang nakangisi, "Hindi ka mumultuhin niyan. Masaya na 'yan kasama si Lord, Diba Ke?" Tanong niya na akala mo naman ay may sasagot.
Pinagsiklop niya ang aming mga daliri, "Salamat dahil ibinigay mo ako sa babaeng deserve ko at syempre deserve ako." Ang isa niyang kamay ay hinahaplos ang puntod ni Kiana. "Sana masaya ka dahil ako, napaka saya kona." Tumingin ako kay Liam nang nangingilid ang aking luha.
Hindi na ako nakapagpigil at niyakap ko siya ng mahigpit. "I love you," sabi ko habang lumalandas ang aking mga luha.
Napatingin kami ni Liam sa makulay na paruparong dumapo sa bulaklak na aming dinala para kay Kiana. Napangiti ako.
Nagkatinginan ulit kami ni Liam at nilagay niya ang aking takas na buhok sa likod ng aking tainga. "Sabi ko sayo approved ka e!" Sabi niya at pinatakan ako ng halik sa labi.
YOU ARE READING
Teach My Heart To Fall Again
RomanceWhat if you're not sure about the feelings of your partner because of his past? What if you're just being paranoid that he doesn't love you? Do you teach his heart to fall again for you?