CHAPTER 30

14 3 0
                                    

This is the last chapter of this story. Kitakits tayo sa Epilogue! Again, maraming maraming salamat sa paghihintay at sa pagbabasa ng story na ito! Mahal ko kayong lahat <3

**********

Noon gusto ko lang na matupad ang mga pangarap ko. Ang magkaroon ng maayos na trabaho, mabigyan si mama ng magandang buhay, at makasama ang mga kapatid ko. Pero nang dumating si Liam sa buhay ko ay sumobra pa ito. Wala na akong mahihiling pa dahil ipinaglaban niya ako hanggang dulo, tinupad niya lahat ng pangako niya sa akin...

"Napaka ganda mo!" Si Denver habang inaayusan ako nang mga make up artist. "Kung may pagkakataon akong tumutol mamaya, ay ako ang tututol!"

Humalakhak naman si Aileen. "Hindi ako makapaniwala na ikaw ang mauunang ikasal sa atin! Sa suplada mong iyan akala ko'y tatanda kang dalaga," hinawi pa niya ang kanyang umaalong buhok.

"Paano e hindi ka naman ligawin Leen, yun lang iyon!" Si Vanessa.

Tinawanan ko naman ang aking mga kaibigan. Si Vanessa at Aileen na nakasuot ng kulay asul na gown, at si Denver na naka suit.

Yes, today is the wedding day. And kanina pa akong hindi mapakali dahil sa kaba. Totoo ba ito? Magiging Mrs. Lyndon na ako? Oh gosh!

"Bongga!" Pumalakpak pa ang mga make up artists na nag-aayos sa akin. "Napaka ganda mo, ma'am!"

Matapos akong ayusan ng buhok ay isinuot na sa akin ang napaka gandang bridal gown. Longsleeve ito at kumikinang kinang. Labas na labas ang shape ng aking katawan dahil dito.

Pagkatapos noon ay iniwan muna ako saglit ng mga nag-aayos dahil sabi ko'y mag-lunch muna sila.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang aking sarili sa salamin at pagkatapos ay umupo sa kama. Inilabas ko ang aking cellphone at nakita ang mensahe ni Liam roon.

Liam:

Hi pretty, you'll be Mrs. Liam later. Can't wait to call you wife. See you, i love you.


Napangiti ako dahil sa mensaheng niyang iyon. Nakailang ulit ako sa pagbabasa noon ngunit hindi ko nireplyan. Natigil lamang ako nang bumukas ang pinto at iniluwa noon si mama.

"Anak," maligayang bati niya at nilapitan ako upang mayakap. "Napaka ganda mo! Natutuwa ako dahil hanggang sa huli ay hindi ako binigo ni Liam,"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni mama. "Alam mo... ang lahat ng ito?"

Ngumiti siya. "Ako pa ba! Noong lumuwas ka ng Maynila ay pumaroon sa bahay natin ang batang iyon. Ang sabi niya sa akin ay hihingin daw niya ang kamay mo kapag umuwi kana rito!" Nakita ko ang nagingilid na luha ni mama.

"Ma..." sabi ko na humihikbi na rin. "Salamat... sa lahat po"

Hinawakan ni mama ang aking pisngi. "Ngayon magiging may bahay kana, natutuwa ako dahil sa wakas magkaka-apo na ulit ako!" Nanlaki naman ang aking mata dahil roon.

"Ma!"

"Sus ikaw namang bata ka oo! Huwag mong sabihing wala pang nangyayari sa inyo..." pabulong na iyong sabi ni mama

Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Ma! Ano ba iyang mga iniisip mo! Kating-kati kana bang magka-apo!" Nagtawanan lamang kami ni mama sa biruan naming iyon.

1PM na nang binalikan ako ng mga nag-ayos sa akin. Humingi pa sila ng paumanhin dahil medyo natagalan sila, ang sabi ko naman ay ayos lamang iyon.

Niretouch lamang ako at pagkatapos ay dumiretso na kami sa labas dahil ready na daw ang lahat. Niyakap pang muli ako ng aking pamilya at sumakay na sa bridal car.

Maraming malalalim na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil sa excitement at kaba na aking nararamdaman.

This is it!

Nakarating kami ng simbahan at namataan kong sarado na iyon. Pinapwesto ako ng mga organizers sa gitna.

Maya-maya lamang ay bumukas na ito. Kitang-kita ko ang naggagandahang kulay  asul na mga bulaklak at maging ang mga gowns na suot-suot ng mga abay.

Naalala ko tuloy noong una naming pagkikita ni Liam... Aaminin kong may kuryenteng dumaloy sa aking sistema noon. Ngunit napepresekuhan ako sakanya kaya binalewala ko lamang.

Nagsimula nang lumakad ang mga abay at nang ako na ay tila nanlalambot ang aking tuhod habang papasok ng simbahan. Kitang kita ko ang mga panyo nang lahat ng naroon na ipinapahid sa kanilang lumuluhang mga mata.

Heart.. beat... fast... colors
And promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid....

Habang papalapit ako sa altar ay siya ring pagtitig ko sa magiging asawa ko. Kitang-kita ko ang bawat pagpahid niya sa kanyang mata... Ang cute niyang umiyak, parang bata.

I love you for a thousand years...

Nang makalapit na kami ay kitang-kita ko ang pulang mata ni Liam, nagmano pa siya kay mama at iginiya na niya ako.

"Liam, do you take Estella to be your wife, to live together in holy matrimony, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?" Ani father.

"I do," napangiti ako.

"Estella, do you take Liam to be your husband, to live together in holy matrimony, to love him, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"

"I do," hindi kona napigilang lumandas ang aking mga luha.

"You may now kiss the bride."

Ngumiti muna sa akin si Liam bago itinaas ang aking belo at binigyan ako ng halik na puno ng pagmamahal.

"I love you for a thousand more... wife," sabi niya at pagkuwa'y niyakap ako.

Walang kasiguraduhan ang lahat. Maaaring ang kinasusuklaman mo noon ay siya palang magiging kabiyak mo sa pagdating ng panahon. Nadedevelop lahat ng feelings. At first, I was afraid to love then Liam came to my life and changed my perspective about it.

Sa pagkakataong ito wala na akong mahihiling pa, I have a good family, a trustworthy friends, at syempre... the best husband.

Teach My Heart To Fall AgainWhere stories live. Discover now