PROLOGUE

61 13 6
                                    

"Teacher, teacher, I'm done!"

Napatingin ako at ngumiti sa aking estudyanteng sumigaw. I'm a kindergarten teacher sa pribadong paaralan na ito, ang St. Andrew Academy. In my six years in this profession ay masasabi kong hindi ito madali pero ginusto ko ito dahil naaaliw naman ako sa mga batang tinuturuan ko. At talagang hilig ko rin ang mga bata.

"Okay children umupo na ng maayos at kukunin ni teacher ang mga drawings nyo okay?"

Nagsitanguan naman sila at isa isa ko ng kinuha ang mga iginuhit nilang mga hugis. Kasabay noon ang pagpapaalam dahil tapos na ang klase sa araw na iyon.

"See you tomorrow teacher!" nakangiting paalam ng isa kong estudyante, si Brent.

"See you tomorrow din anak"

Sa araw-araw na dumaraan ay may napapansin ako, ang isa kong estudyante na palaging naiiwan sa classroom. I'm not a nosy teacher, its just that gusto ko lang naman tanungin kung bakit natatagalan ang sundo nya. And besides pangalawang magulang nya narin naman ako.

Nakangiti akong lumapit sa nakayukong bata...

"Vince, anak, wala pa ba ang sundo mo?"

"Teacher Elle, wala pa po si daddy e. He told me na mahuhuli daw sya sa pagsundo sa akin dahil may important  meetings sya today ." ani Vince na hindi parin tumutunghay.

Napatingin ako sa wrist watch ko, "Hmm maaga pa naman anak, gusto mo bang magpunta muna tayo sa office  at maga out muna ako then we'll wait for your father to fetch you here. Is it okay?" masayang tugon ko.

Biglang tumunghay si Vince at sumilay ang kaniyang ngiti, "Sige po teacher!"

Kinuha ko ang susi ng classroom ko at ang bag ko dahil naisip ko na sa faculty nalang kami maghihintay besides mas madaling makita if ever na may papasok sa gate.

We went out of the room and I held Vince's hand dahil mahirap na at bata, may pagka clumsy pa.

Nakarating kami sa office at nakapag out na. Naabutan namin si Ma'am Myrna, ang principal na lumabas na rin ng office para mag lunch na. Its 11:30 am and yet wala pa rin ang ama ni Vince.

"Anak, gusto mo bang pumunta muna tayo sa canteen, baka kasi matagalan ang ama mo at magutom ka, kumain muna tayo."

Ngumiti ang bata sa akin, "Sige po teacher medyo nagugutom narin po ako, gusto ko po ng sandwich but my dad didn't give me a pocket money, nagmamadali po kasi e." sabay na nawala ang ngiti.

"Ganun ba, sige anak ako ang bahala. Halika na."

Hinawakan ko muli ang kamay ni Vince at nagtungo na sa canteen.

"Goodmorning Ms. Delgado, may bitbit nanaman kayong chikiting ah" wika ni ate Jessica. Matagal na siya rito kaya close na sa mga guro at hindi ito ang unang beses na may bitbit akong bata sa canteen, noong una nga ay pinagkamalan nya pang anak ko ang mga ito.

"Naku ate Jessica, na late lang ho siguro ang susundo, dalawa pong sandwich, isang zesto, at isang bottled water."

Ngumiti si ate Jessica at ibinigay na ang aking binili. Iniabot ko naman kay Vince ang sandwich at zesto na binuksan ko na.

"Teacher could we eat this while walking?Baka po kasi naghihintay na si daddy outside."

Ngumiti ako at tumango rito. Habang naglalakad ay tahimik kami dahil abala sa pag nguya ng kinakain. Malapit na kami sa may faculty ng biglang...

"Vince!" tawag ng isang baritonong boses

Napatingin kami ni Vince sa tumawag at bigla akong natigil sa pag nguya dahil sa gulat. Shit.

Bumalik lamang ang nalipad kong utak nang tumakbo ang bata papalapit sa kanyang sundo. "Daddy, you're late! You forgot to give me a baon. Buti nalang teacher Elle bought me foods! You should thank her." nakakunot ang noong sabi ni Vince.

Vince's dad smiled at him at mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko nang tignan nya ako. He's wearing a white button down polo na nakatupi hanggang siko partnered with black pants and black shoes. "So you're teacher Elle huh, anyways thanks for accompanying Vince."

Mas lalong natuptop ang bibig ko. What the hell Estella?!Shit. Hindi ako makatingin ng diretso sakanya kaya naman nang tumikhim ito ay tsaka lang ako natauhan.

"Ha?Ah yeah Mr. Lyndon, kasama iyon sa trabaho ko bilang guro ng anak mo."

He chuckled "So I'm look like a daddy to you huh?"

Kumunot ang noo ko at hindi na nakaimik pa. Nakatingin lang ako kay Vince na animo'y litong lito sa pinag uusapan namin ng kanyang ama. Ayoko na ring umimik dahil naghuhurumintado rin ang dibdib ko sa di malamang dahilan.

"Sir Liam" lahat kami ay napatingin sa direksyon noong tumawag. "Handa na ho ang sasakyan sa labas" sabi noong lalaki na nasa mid forties at kung hindi ako nagkakamali ay driver nila.

What the hell?! Ang laki laki ng katawan nya tapos may driver pa?Well wala naman akong pakealam. Si Vince lang naman ang pakay ko.

"Salamat kuya Marlon, nasa talyer na yung isang sasakyan. Nasiraan ako kanina. Pakipuntahan nalang doon."

"Sige ho sir akin na iyong pupuntahan. Ako na ang bahala doon." Ngumiti 'yong driver at tumango naman si 'Liam' at pagkuway umalis narin ito.

Bumaling sa akin ang mag ama. "Your mouth." Hindi ko namalayang masyado pala akong napanganga kaya naman nagulat ako sa sinabi ni 'Liam'.

"We're leaving teacher!See you tomorrow." si Vince na humawak pa sa kamay ko at nagmano.

Vince's father glanced at me, "Are you way home? Hatid kana namin ni Vince." ani nito.

"Ha?Ah no, I have things to do. Hinintay ko lang talagang masundo mo ang anak mo." sabay pilit akong ngumiti.

This asshole. Palaging tumatawa kapag binabanggit ko ang salitang 'anak'. Damn you Mr. Lyndon!

"Uh-huh, so we're leaving. Thankyou teacher." then he smirked.

Tumango lamang ako at maglalakad na sana palayo ng biglang...

"I'm glad you're fine. It was nice seeing you again...Esca."

Esca...

Hindi na ako lumingon at nagdiretso na pabalik.

Damn him!

Bakit pa kita nakita.

Bakit may kirot parin yung mga pangyayaring dapat limot ko na.

Bakit bumalik nanaman yung nararamdamang dapat binasura kona noon pa.

Esca...

Ngumiti ako kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata.

Esca...

Pinunasan ko ang luhang dumadaloy sa aking mata. Mahirap na at baka maissue pa. Tsaka muling naglakad patungo sa classroom ko. Natulala ulit ako sa aking iniisip.

Bakit sa pagbalik mo, may anak kana...

Teach My Heart To Fall AgainWhere stories live. Discover now