"Es, pila na raw sa may gym at parating na ang mga jeep." si Aileen na super cute sa kaniyang ponytail.
Its September 17 and yeah Lakbay-Aral na. Excited kaming lahat dahil its been many years since our last Lakbay-Aral.
We're wearing a white shirt and pants together with our school I.D. Kanina pang super excited ang mga gaga kong kaibigan at daig pa ang field trip dahil sa baon.
"Una na kayo sa jeep sunod ako, magtatali lang ng buhok."
"Sige tabi tabi tayo ha! Mamatay na lumayo." Si Vane
"Una kang mamamatay, gala ka remember?" si Aileen.
"Charot syempre keme lang yon. Kinabahan ako ng very light!"
Dumiretso ako sa comfort room ng babae pag alis ng dalawa. I pigtailed my hair and nag liptint ng light para di naman ako mamutla. Pagkatapos noon ay bumaba narin ako.
Una kaming nakarating sa Mabini Shrine. Tulad ng dati ay inilibot kami sa mga kwarto na naglalaman ng buhay ni Gat Apolinario. Nakita kong muli ang replika ng kaniyang kabaong at ikinuwento pa sa amin ang buhay niya.
"Siguro kung nasa panahon lang ako ni Mabini, jojowain ko 'yan! Ang gwapo e." Si Aileen
"Hindi ka papatulan nan Leen, ang pokpok mo masyado!" wika ni Vane.
Panay tawa lang ako sa pagtatalo ng dalawa hanggang sa makabalik na sa jeep ay sige parin ang singhalan.
Pangalawa naming pinuntahan ay ang Library sa may plaza. Samu't saring mga books ang naroon maging ang para sa mga may kapansanan.
Nag stop over kami sa Modesto kung saan may nag talk about sa mga issues na nangyayari sa aming lugar then after noon ay doon narin kami nag lunch.
1pm nang makarating kami sa Wawa. Kitang kita doon ang Taal at napakasarap ng simoy ng hanging aming nalalanghap.
"Selfie naman tayo! Ang ganda dito e. Kung wala lang mga teacher siguro ay nilangoy kona ito!"
"Oo Aileen ng manahimik na kami ni Este, ang sakit mo sa tenga e!" Si Vane
"Lunurin ko kayo pareho e. Sakit ninyo sa tenga malma!" ako sabay irap sakanilang dalawa.
After Wawa, pumunta naman kami sa farm sa Bagbag. Vista Farm na pagmamay-ari ng apo ng mayor.
"Nandito kaya si baby Oli?" Si Aileen
Nagkibit balikat lamang ako.
"Ito yung sinasabi ko sa'yong farm nila ni Kiana. Tapos doon sa dulo ang office ni Oli. Sayang naman wala siya dito! Edi sana magpapahabol ako sa baka!"
"B-baka?"
"Oo baka, cow Estella."
"Ay putcha! Kingina mo ka lumayo ka sa akin kapag magpapahabol ka!" sabi ko.
"Eto naman napaka nerbyosa joke lang gagi." sabay halakhak niya
Lumibot lang kami sa farm. Maganda iyon at tingin palang ay inaalagaan talaga. Ipinakita rin sa amin ang mga iba't ibang worms na inilalagay para mabuhay ang pananim. Buti nalang ay wala doon ang mga baka kung hindi...makakauwi ako ng wala sa oras.
Last destination namin ay ang City Hall. Malamig doon kaya nagsuot ako ng black jacket bago bumaba ng jeep.
Sinalubong naman kami ng staff ni mayor.
"This way po ma'am yung office ni mayor Rodolfo."
Tumaas kami sa pangalawang palapag at sinalubong kami ng nakangiting mayor. Gwapo si mayor kahit matanda na. May pagkakahawig sila ng apo niya. Siguro ay sobrang gwapo nito noong kabataan niya.
YOU ARE READING
Teach My Heart To Fall Again
RomanceWhat if you're not sure about the feelings of your partner because of his past? What if you're just being paranoid that he doesn't love you? Do you teach his heart to fall again for you?