Mabilis na nagdaan ang mga araw. Hindi parin pumapasok sa aking kukote ang sinabi ni Liam na ipapakilala niya ako sa kanyang mga magulang. Nahihiya ako kay mayor dahil kilala niya si mama, tapos he'll find out na his grandson and I have a thing. Goshness!
"Huwag pakaisipin. I know naman na they'll like your for papi Oli 'no!" Si Aileen habang naglulunch kami sa canteen kung saan kami nag-o OJT.
Sa sobrang bilis ng araw ay hindi kona namalayang Biyernes na pala ngayon. Sinabi ko kasi sa kanilang ipapakilala ako ni Liam sa pamilya niya kaya naman todo advice sila sa akin.
"Don't stress your self, Estella! Baka bukas ng gabi ay magmukha kang adik dahil sa kakaisip mo sa mangyayari pagdating mo sa bahay nila!" Si Vanessa naman.
Napabuntong hininga ako at binitawan ang kubyertos. "Nakakaba kaya! At nakakahiya kay mayor, syempre magkakilala sila ni mama. Baka uh ma question."
Tinawanan lamang ako ng aking mga kaibigan. "Natural tatanungin ka ng mga 'yon Estella! Atsaka dagdag beauty points na 'yung kilala nila si Tita 'no!" Si Vanessa habang ngumunguya pa ng kanyang kinakain.
Pinilit kong tapusin ang maghapon ng walang iniisip na patungkol sa mangyayari bukas. Baka lang kasi magkaproblema pa sa aking performance kapag maging 'yon ay iisipin kopa habang nag kaklase.
"Nandito na pala ang sundo ni ma'am Estella," nanunuyang sabi ni Aileen kaya naman napatingin ako sa sa gate at kita kona agad ang sasakyan ni Liam.
Tumigil kami sa paglalakad at hinintay na makalapit ito. Nang tumigil na ang sasakyan ay agad namang lumabas si Liam.
"Hatid kona kayong tatlo." He said huskily.
"Huwag na Oli! Bebe time na! Kaya na naming mag jeep nitong si Vane. Halika na!" Si Aileen at higit higit na ngayon si Vanessa.
"You sure?"
"Oo naman 'no!" Si Vanessa.
Hinintay naming makaalis ang dalawa bago kami pumasok sa loob ng sasakyan.
Nakatingin lamang ako sa labas ng sasakyan habang nasa byahe. Naalis lamang ang tingin ko doon nang hawakan ni Liam ang aking kamay.
"What's wrong? Are you hungry?"
Ngumiti ako ng pilit sakanya. "Uh.. about do'n sa sinabi mo sa akin... a-are you sure about that?"
He chuckled and caressed my hand, pagkatapos ay pinagsiklop niya ang aming mga daliri. "Of course." Sumulyap siya sa akin at pagkuwa'y tumingin muli sa daan. "Are you that nervous huh?"
Umirap ako. "Who the hell ang hindi ninerbyosin sa pamilya mo? Your family is a famous one Liam! Just so you know."
"You don't have to feel that. I'm here, Esca."
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Inalis kona ang seatbelt ko at gano'n rin ang ginawa ni Liam. Nauna nga lang siyang bumaba upang pagbuksan ako.
Nakahilig ako sa kanyang sasakyan, at siya nama'y natatakpan ako ng kanyang katawan dahil sa tangkad niya. I saw his well defined body na yakap-yakap ng suot niyang polo shirt.
"Go inside and get some rest. I'll fetch you tomorrow evening."
Tumango lamang ako.
"Don't be nervous baby, I'm sure they'll like you. But I like you more than they do." He smirked.
Napatawa narin ako sa kanyang sinabi, "You too,take a rest din. Pasok na ako."
Bago pa man ako makaalis ay hinawakan na niya ang baywang ko at pagkuwa'y niyakap ako ng mahigpit. "I'm already resting."
YOU ARE READING
Teach My Heart To Fall Again
RomanceWhat if you're not sure about the feelings of your partner because of his past? What if you're just being paranoid that he doesn't love you? Do you teach his heart to fall again for you?