Nagdaan ang mga normal na araw para sa amin. Biyernes na ng hapon at nandito kami ngayon sa stall. At ang dalawang bruha kong kaibigan ay kinukulit ako ng kinukulit tungkol sa pagsimba namin sa darating na linggo.
"Este, alas tres tayo ng hapon ha! Hintayin ka nalang namin sa labas ng simbahan" wika ni Aileen
"Hindi ba't may misa naman ng umaga? Bakit sa hapon mopa naisipan ang pagsimba Aileen?"
"Balita ko e hapon daw ang kasal ng anak ni mayor!Syempre para makita rin natin yung hunk nyang apo!"napairap ako "panigurado'y bagay na bagay ang kasuotan sakanya!"
"Ah yung bastos ninyong natitipuhan?Yung nagbuga ng usok ng sasakyan! Bastos na't lahat, humaling na humaling parin kayo."
"Ikaw Aileen, you're so mean! Hindi mopa nga nakikita e nanjujudge kana agad!" si Vanessa
"Wala akong panahong makita iyang apo ng mayor natin and besides he's not my type. Bastos na nga, feeling pa. Tss."
"Why naman ganon Este" sabay halakhak ng dalawa kong kaibigan
Lumipas ang mga araw at dumating ang linggo, alas sais ako nagising at naisipan ko munang mag jogging sa may parke. I'm slender but I want to maintain my good figure you know naman the society.
I'm wearing a sports bra underneath a black leather jacket partnered with leggings and rubber shoes.
Every weekend lang ako nakakapag jogging dahil busy sa school at sa stall. Kaya naman napangiti ako nang makita ko ang nag gagandahang bulaklak sa gilid ng museo. Malapit rin kasi ito sa parke pati ang simbahan.
Nacurious ako sa mga taong nasa simbahan kaya naman sumilip ako sa labas. Nagsisimula na silang maggayak para sa kasal ng anak ni mayor. Iba talaga kapag mayaman.
It's nine in the morning nang makabalik sa bahay. Napasarap sa pag uusisa. Wala na tuloy si mama nang umuwi ako, siguro'y nasa stall iyon.
I cleaned myself and after that my phone beeped
Aileen:
2:30 ka namin hihintayin ni Vane
Ako:
2:30?! Pota ang aga naman Leen. Yung totoo magsisimba ba tayo o ano?
Aileen:
Sisilay pa kami sa apo ni mayor! Duh basta we'll wait for you nalang kitakits KJ :*
Napairap ako matapos basahin ang mensahe ni Aileen.
Alas dos nang matapos akong mag ayos ng sarili. I'm wearing black polo shirt tucked in a mom jeans and nike shoes. Nag liptint lang ako cuz tint is life charot then konting wisik ng pabango.
Its 2:25pm nang makarating ako sa simbahan may short cut kasi patungo rito mula sa barangay namin kaya medyo napadali.
Nakangiti akong pumasok sa gate, medyo magulo na dahil nga sa kasal ng anak ni mayor. Nakikinita ko na ang mga kulay maroon na gowns ng mga abay na siyang motif nito. Ang ganda sa mata.
Hindi ko napansin na dinadala na pala ako ng aking mga paa papalapit sa simbahan. Nagdedaydream tuloy ako hihi. Diko maiwasang isipin na suot suot ko rin ang isang puting gown at lalakad patungo sa altar. Pero sino naman yung groom?Hay nako Estella Cassidy! May pagka karin eh!
Hindi ko namalayan na nasa gilid na pala ako ng simbahan. Abot tainga na ang ngiti ko ng biglang...
"Your mouth's too open." Bulong ng isang baritonong boses sa gilid ko.
Napatikom bigla ang bibig ko. Bumalik rin ang isip kong naglalakbay na sa kalawakan kanina. Shit. Boba. Tanga mo talaga Estella.
"What?" tanging nasambit ko.
"What, what? I'm just concern. Mamaya may pumasok na langaw dyan sa bibig mo sa sobrang pagnganga mo."
"I don't need your concern."
Gusto kong batukan ang isang 'to. Hambog kang animal ka. Gwapo ka sana.
Tinitigan ko siya. He's wearing an americana underneath is a white polo and maroon necktie. Wari ko'y isa ito sa mga abay. Naka brush up ang kaniyang buhok at may black earring siya sa right ear.
Ang sarap langhapin ng panlalaki niyang amoy!Moreno at matangkad. Hanggang kilikili nya lang yata ako kung hindi ako nagkakamali.
Pero hambog ang kingina.
"Stop staring at me lil kid."
Pinandilatan ko siya ng mata,"Mama mo lil kid. Huwag mong intaying mapamura ako dahil nakakahiya sa diyos. At hindi ako lil kid, matangkad ka lang. Hambog!"
Ngumiti siya ng nakakaloko. Ang kinginang to. Nanggigigil ako pigilan niyo ako.
"Chill, you're too hot. I'm just being nice here."
"You're not. Sino kaba ha?Anong ginagawa mo dito?" naiinis kong sabi
"Ako dapat ang magtanong sa'yo nan. And yeah by the way I'm-"
"Liam!" sigaw ng isang babae at lumapit sa parte kung saan naroon kami
Liam..
Liam..
Liam..
Ang gandang pangalan...Hindi lang bagay sa hambog na tulad niya.
"Sunod ako Kris, papaalam lang ako"
"Alright." Sabay hampas noong babae sakanya. Harot. "Pila na 'ko"
Tinanguan lang niya iyong babae at napairap naman ako. Ang lagkit ng hampas non ah.
"Nice meeting you, bata. I'll go now. Pagdasal mona rin ako"
Napairap ako "I'm not a kid! Hindi ko rin pinagdarasal ang mga hambog na katulad mo."
Napahawak siya sa kanyang dibdib na animo'y nasasaktan "So mean huh. Okay okay you're not a kid. You're just cute size. Happy? 'til we meet again."
Maglalakad na sana siya paalis ng biglang...
"I forgot to introduce myself, by the way I'm Liam Oliver...Grandchild of the mayor."
Muli niya akong tinalikuran at naglakad papalayo.
What the hell Estella...
YOU ARE READING
Teach My Heart To Fall Again
RomanceWhat if you're not sure about the feelings of your partner because of his past? What if you're just being paranoid that he doesn't love you? Do you teach his heart to fall again for you?