Sa huli, napapayag parin ako; ang sahod kada buwan, katumbas ng sahod ko bilang heneral. Syempre, napapayag lang talaga ako dahil sa over-acting na nanay ng lalaking pababantay sakin, hindi sa pera.
Isang linggo lang ang pinalugit ko sa ensayo pero dahil sa may dagdag pang gawain, (artistahin-mode) ginawa ko nang 3weeks.
Pumasok ako sa TESDA at umattend ako ng mga seminar tungkol sa pagiging domestic helper na meron din namang topic tungkol sa pasensya. Nag-take-down notes ako sa mga strategy kapag nababadtrip kana at tungkol sa extrang pag-kontrol sa sarili. Nag-aral din ako ng mga hand gestures.
Madali lang sakin ang magpanggap na lalaki dahil flat-chested ako. Sa totoo lang, wala naman talaga akong dibdiban... mayroon akong malaking hiwa paikot mula balikat hanggang baywang. Ang hiwang iyon ang nagpapaalala sakin ng masalimuot na pagsagip ko sa aking buhay mula sa aking ama; na walang-awang pumaslang sa aking kapatid at ina dahil sa pagkalulong sa droga.
Kaya kung hindi man ako magsasando tulad ng gawain ng ibang kalalakihan ay walang problema; pero dahil naman sa marka ko kaya hindi ko rin naman binalak na pati pa sa hindi pamilyar na mga gawain ng lalaki ay gagayahin ko pa.
Ang sugat saking katawan ay natuyo at hindi napatahi. Nasa kawalan ako ng mga oras na yon. Hindi na ito gumaling ng lubos. Tila makikita mong bahagya ang aking mga laman dahil sa nipis ng balat na tumatakip sa sugat. Makapal na bandahe lang ang nagsisilbi kong panangga dito.
Masasabi kong ito ang nag-iisang kahinaan ko na maaaring pumatay sa akin. Kaya iniingatan kong lubos na hindi ako basta-basta mahawakan ninuman.
Magandang dalaga daw ako kanchaw ng ilan, pero para sakin, mas maganda akong tignan sa lalaking porma. At gustong-gusto ko talagang nag-aayos ng panlalaki.
Araw ng lunes nang pumasok na ako sa bahay ng kanyang anak bilang isang lalaking katulong, na may kapansanan: hindi nakakarinig at hindi rin nakapagsasalita. Tulog pa ang binata ng makapasok ako sa condo-unit nya. May mga IT specialists at hacker team na matagal nang agent ng nanay nya ang kasama kong magbabantay sa lalaki.
May mga akala mo, simpleng tao lang din na malapit sa mga hang-outs at bahay ng binata pero mga spy din ng kanyang nanay. Bale, kasamahan ko sila sa pagbibigay ng seguridad sa kanya. Pero tanging ako lang ang in-contact sa binata.
Malawak ang condo-unit nya para sa isang tao. At ang desenyo ng lugar, para talaga sa mga sikat na recording artist. Marami siyang iba't ibang klase ng electric, bass at acoustic guitar. May ilang set din sya ng piano at drums. Kahit walang kasambahay, malinis at presentable ang tirahan niya. Tingin ko masyado talagang mitikoloso ang lalaking iyon para makapagkalat ni balat ng kendi sa kanyang sahig.
Tinignan ko ang handbook na puno ng reminders ng nanay nya, mga dapat gawin at dapat iwasan.
BINABASA MO ANG
Disguise in Loving You, PARE
ActionNagbabasa ako ng dyaryo habang ngumangata ng maning tig-limang piso ng barilin ako ng gamot pampatulog sa leeg. Pagkagising ko'y nasa isang mansion na ako at kaharap ang isang babae na may anak na bokabolistang sikat na sikat. "Gusto nyo ba akong...