Part XXVII

277 7 0
                                    


Isa-isa kong binuhat ang tulog na magbabarkada papunta sa tinutuluyan nilang mga kwarto. Nag-usap kaming dalawa ni Murphy tungkol sa darating na concert.

"Kailan ko ba talagang magkaroon ng solo?"

"Depende, pero kung hindi, nasa iyo naman yon. Pero kung tatanungin mo ako, mas mabuti na kahit hindi ka kumanta ng solo, pag-aralan mo parin yung piyesa."

"Para san pa? Bakit mo naman sinabing kakanta?"

"Ah.. sabihin nalang natin sigurong emergency."

"tungkol nanaman ba ito sa plano ni Ron? Nabalitaan ka ba niya?"

"Sa totoo lang, wala. Tingin ko hindi sa pagkakataong ito na babalakin niyang manggulo sa concert namin."

"Kung ganon, para saan pa yung emergency?"

Napahinga siya ng malalim.

"Alanganin parin talaga ako kay Nigel, kung magagawa nga niya na magperform ng maayos, nang walang mga controversies na magaganap. Lalo na't nandito ka pa."

"Ano bang meron? May sakit ba siya?"

"Ah., parang- pero nakasanayan kasi niyang umiinom bago magperform. Parang pangpalakas ng loob o pang-pagana."

"Pangpalakas ng loob? Kailangan pa ba niya yun?"

"Oo, kahit naman kami. Energy boost. Para reach-out yung expectations ng lahat. Okay lang naman na ginagawa niya yun, wala naman samin ang pumipigil at mabuti nga ang nangyayari dahil umaapaw ang pagka-hyper niya bilang bokalista sa stage."

"Okay pala eh, anong problema doon? Bakit ka pa nag-aalangan?"

"Normal siya kung normal din ang nangyayari sa paligid niya, pero kung tulad nito na may issue siyang hindi niya matanggal sa sarili niya..."

"Issue na ano?"

"na- alam mo na... kung nagkakagusto ba sya sa kapwa niya. Baka kase hindi niya maiwasang mapaamin siya bigla."

"Anong aaminin?"

"Na gustong-gusto ka niya."

Tumawa nalang ako. "Nagbibiro ka diba?"

"Tsss- alam kong may pagkamanhid talaga ang mga tulad mo lalo na't heneral ka, kaya ko nga 'to sinasabi sayo. Kaya nga binanggit ko rin na in case of emergency. Para kung magkagayon nga, may hakbang tayo."

"Ibig mong sabihin, kakanta ako para malaman nilang hindi naman siya halang sa pagkatao?"

"Parang ganoon na nga."

Napainom ako ng isa pang beer.

"Alam mo bang ihaharap ako ng bagay na gusto mong mangyari sa mahirap na sitwasyon?"

"Yung pagiging heneral mo? Hindi naman siguro iyon mauungkat pa ng media. Basta malaman lang nila na talagang babae ka. Kung tungkol naman sa affair mo kay Samantha at Georgina, pwede nating palabasin na kambal mo si 'Alex', at... pumanaw siya nung panahon na nagkagulo sa unit ni Nigel kaya ikaw ang nagpatuloy sa trabaho ng kapatid mo. Diba nga may kabutihan rin iyon na kung malaman din ni Ron, hindi na siya ganoong mangangamba sayo dahil mamalaitin pa niya ang kakayahan mo dahil babae ka, at magiging maluwag sa lahat ng pwede niya pang maging balak. Maaari naman na hulihin na natin siyang agad matapos ng concert. Sapat naman talaga ang ebidensyang meron ka. Hindi ko nga rin maunawaan sayo kung bakit mas ginusto mo pang maghanap ng iba pang bagay na magpapatotoo sa kanya gayong nalalaman mo na ang lahat."

"Kung sasabihin ko bang, 'dahil hirap pa 'kong bitawan ang lahat'.. mauunawaan mo ba ako at di sasabihing masyado akong makasarili?"


Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon