PART III

613 19 0
                                    

"Paano ko uutusan ang taong ganito ma?! Hindi nga ako naiinis dahil sa maingay o sumasagot pero maiinis naman ako nito dahil sa mahirap siyang paliwanagin!"

"Eh diba ganyan naman talaga ang gusto mong katulong? Gamitan mo nalang sya ng hand gestures para maintindihan ka niya."

"Ilang beses ko bang sasabihin na ayaw ko nga ng kasambahay! At hand gestures? Paano naman ako magiging marunong sa ganun eh hindi naman ako SPED teacher?!"

"Diba nung elementary ka naturuan ka ng teachers mong mag-hand gestures? Saka, composer ka kaya marami kang alam na kumpas. Diba kamay din ang gamit doon."

"Ang hina talaga ng IQ nyo. Hindi pareho ang pagiging composer sa pagkausap sa mga deaf. At magkaiba ang melody, pitch, at hymn gestures sa hand language!"

-biglang binato ang phone at nabasag ito.

(aba! Talaga palang bastos ang lalaking ito!!! Akala mo kung sinong kinakausap niya... Kainis!)

Tumingin siya sakin at tinuro niya ang basag na piraso ng cellphone.

"Hoy ikaw! Tignan mo ang sinasabi ko... Pag-aralan mong alamin ang mga salitang binibigkas ko, wala akong pakialam sayo kung hindi ka nakakarinig. Basta matuto kang sumunod! Linisin mo to!"

-nagtuturo-turo saka gumamit ng hindi ko maintindihan na gestures.

(makasabi ng mababa ang IQ akala mo siya hindi, alam nang bingi nagsasalita parin *sigh)

Nag-umpisa na kong magpulot-pulot... Narinig kong isa pang phone ang nag-ring mula sa kanyang kwarto.

"Hays--- ang kulit talaga ni mama."

at umalis na sya sa banyo

(Kaya pala hindi nanghihinayang magbasag, meron pa pala... Tsss---)

Pagkatapos kong linisin ang banyo, pumunta ulit ako ng dining area para kunin ang pagkaing lumamig sa lamesita.

"Saan mo dadalhin yan?"

Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon