PART I

831 18 0
                                    

"Wala tayo sa isang pelikula kaya't kung may kailangan kayo sakin, diretsahin nyo ko sa pinakapunto."

"Nabalitaan ko kasi ang mga nangyari sayo noong sundalo ka pa. Gusto ko lang sanang malaman kung balak mo pa bang bumalik sa serbisyo mo bilang isang heneral."

"*sigh- kung yan talaga ang pag-uusapan natin sana nakipagkita kayo ng pormal. Tungkol nanaman ba ito sa pulitika? Pasensya na ho, pero hindi ko pinagbebenta ang serbisyo ko sa maruruming trabaho mabalik lang ako sa pwesto."

"Hindi naman ako isang pulitiko... at walang kinalaman dito ang pamahalaan o kahit na anong organisasyong pulitikal sa nais kong ipagawa sayo."

"Lumabas narin ang tunay mong pakay. May gusto kang ipagawa sakin kaya mo ko dinala rito. Kung ano man yan, wala akong balak na makipagtransaksyon."

Napahingang malalim ang isang tauhan at binulungan nito ang amo na sabihin na ang nais nito. Sumang-ayon naman sya.

"Meron akong isang sikat na anak (pinakita ang litrato) hindi sya artista; vocalist sya ng isang banda. Lima ang anak ko pero nag-iisa siyang lalaki at sya pa ang bunso sa kanilang magkakapatid.

Marami syang ayaw: ayaw nya ng ingay na walang katuturan, taong nakasimangot sa harapan nya, babaeng aligaga, matanong, hindi makaintindi... at ayaw nya rin ng hindi sya sinusunod.

Para syang commander-in-chief ng isang arm force sa mga naging assistant nya kaya wala talagang nag-tatagal."

"Anong kinalaman ko sa nakakabwisit na ugali ng anak nyo?"

"Kapag may nakasagutan kasi sya... nawawalan sya ng katinuan para makipag-usap ng maayos sa taong---"

"Hindi talaga matino ang anak niyo kaya wag niyo nang dispensahan."

"Hmn., marahil siguro, pero paminsan-minsan lang naman iyon."

"Marami siyang kaalitan... tapos may mga taong gusto syang mamatay. Tama ba ko?"

Nabigla ang nanay at muntikan ng ma-heart-attack... agad siyang pinaypayan at pinainom ng tubig. Kinabahan na ang kanyang mga tauhan.

[ang OA naman]

"Please... Miss Alexa, medyo dahan-dahanin mo ang pananalita ng mga ganyang bagay tungkol sa anak ko dahil hindi mo pa sya kilala. Mabait sya, totoo. Mapagmahal siyang anak."

Hayyyss--- kapag talagang hindi tanggap ang katotohanan, nagpapanggap nalang. Ano bang klaseng pampalubag-loob yan?

"Gusto nyo ba akong maging bodyguard nya?"

"Hindi... hindi bodyguard, ayaw nya ng ganon dahil pang mahihina lang para sa kanya ang nagbibigay seguridad sa sarili."

"Ayaw naman pala nya ng seguridad edi hayaan nyo na syang makipag-gera sa mga kaaway nya. Malay nyo kung mabalyahan siya eh mapuruhan o mabaldado lang."

Muntikan nanamang atakihin ang nanay ng superstar. Ang assistant na nito ang tumuloy sa usapan.

"Ang mga sundalo ay na-train mag-disguise o kumilos ng tahimik at marahan. Nais ni Mada'am na magpanggap kayong lalaki at maging kasambahay ng anak niya para mabantayan mong kilos at pangyayari sa kanya."

"Kasambahay na lalaki?! Saan nyo naman nakuha yan?! Saka tagapag-linis? Hindi yan ang tinuturo sa mga sundalo! Nawawalan na ba ng tamang pag-iisip yang Amo nyo? Paalisin nyo na ako! Walang katuturan ang usapang ito."

Tumayo na ako at naglakad palabas ngunit hinabol ako ng nanay ng superstar at bigla itong lumuhod sa harap ko. Nagmamakaawa na tanggapin ko ang trabaho.

Nakakainis ang araw na to, hindi dahil sa nakukulitan na ako pero dahil sa katotohanan na nagkakaroon ng mabubuting magulang ang mga palalong anak.

Hindi ko gustong niluluhuran ako kaya wala akong magawa kundi tanggapin ang trabaho.

Tinanggap ko ang trabaho hindi para sa anak niya, kundi para sa kanyang mapagmahal na magulang.

Nakasisiguro ako na susunod sa puntod ang nanay na 'to sa anak niya kapag nalaman niyang nagkalasog-lasog nang katawan ng kanyang anak.

Over acting kasi lagi, nasabi mo palang at hindi pa nangyayari... inaatake na. Paano pa kaya kung totohanin?

"Magpapanggap ako na lalaki... mag-train ako ng isang linggo bilang isang helper. Ako na ang bahala kung paano titino ang anak nyo. Ano bang masisiguro ko kung bumait nang bahagya ang anak niyo?"

"Makababalik ka na sa pagiging heneral."

"Payag na ako. Pero kung sakaling nabisto ako ng anak niyo na isa akong babae at dating sundalo, hindi ko na po itutuloy ang pagbabantay sa kanya."

"Sang-ayon ako. Siya nga pala, hindi lang pagiging lalaki at katulong ang pagpapanggapin mo."

"Hindi lang? Bakit? Ano pa bang papagawa nyo."

"Kailangan mong magpanggap na pipi at bingi."

Bigla kong nabasag ang basong pinag-iinuman ko ng juice.

"Ano?! Teka..wala sa usapan yan kanina! Nawawala na ba talaga kayo sa tamang katinuan?! Hindi ako agent! Mahaba ang pasensya ko pero ayaw na ayaw kong pinagsasalitaan ako tungkol saking pagkatao! Ganyan ba talaga kawalang-hiya ang anak nyo? Baka hindi ko matansya at masuntok ko sya pag mangyari yon!"

Biglang inasthma ang nanay ng superstar.

"Naku po! Bawiin nyong sinabi nyo ma'am!" sigaw ng kanyang primera katulong (taga-utos sa mga katulong)

"Pasensya na ho kayo pero hindi ko na matatanggap ito!"

At umakto nanamang pagmamakaawa ang nanay ng superstar (nang mga dark hole)

Naku naman...

Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon