Part XXIX

276 10 0
                                    


Namataan ako ni Murphy na nag-aayos ng mga badge saking pang-heneral na kasuotan. Kasama ang ilang special task force, bumyahe na kami papuntang military air-base para sumakay sa Sikorsky CH-53K King Stallion.

"Walang alam si Nigel tungkol dito, hindi ba tayo... magpapa-alam sa kanya?"

Nanatiling akong tahimik.

"Ah.. welcome back, congratulations nalang. Kase nakabalik kana sa military."


Tinignan siya ng isang Brigadier General at kinausap.

"Hindi ka dapat ganyan makipag-usap sa isang heneral. Tapos na siya sa tungkulan niya sa nanay ng kaibigan mo, kaya dapat, pakitunguhan mo na siya ng pormal."

"Hindi pa ko tapos...Brigadier General Alfonso, magwawakas ang lahat ng ugnayan namin ng mga kasamahan niya kapag nahuli na natin ang may sala."

Napayuko nalang ang heneral (1-star).

[Bago ang pag-kakawatak: Kaganapan sa townhouse ni Ron]

Pinapanuod nila ang live-concert ni Nigel.

Nagiisip ng malalim si Ron habang pinagmamasdan ako sa stage.

"See, I told you... si Alex at Allesandra, magkaibang tao sila. Kaya pwede ba, wag mo nga akong ikulong dito at pakawalan mo na ako!"

Ikinadena ni Ron si Georgina matapos mabigo ang pagtugis niya sa kaaway.

"At ano?! Pupuntahan mo yang lalaki mo at magsasama kayo?! Tsk-! Kung pagpapatuloy mo yan. Papakita ko sayo sa harapan mo kung paano ko tatapusin yang si Alex!"

Humagulgol ng iyak ang dalaga.

"Pero boss, di pa tayo nakakasiguro.. wala ba kayong napapansin? May isang nawawala sa kanila."

Tinitignang maigi, napansin niyang wala si Dexter. Napatawa ito.

"Oo nga, haha! Maaaring matalino kayo, pero di ninyo ako maiisahan."

"Ano bang pinagsasasabi niyo jan?! Kung wala si Dexter ibig sabihin lang niyan nasa backstage siya nagpapalit! Nangyari naman yan sa grupo mo hindi ba?! Na sa isang kanta o dalawa, may hindi kayo sinali? Performance strategy ang tawag jan. wag ka ngang palaging nakikinig sa mga tauhan mo at jan sa kasamaan na meron ka! Nahihirapan na ako dito kaya pakawalan mo na ako!"

Hinampas na ni Ron si Georgina ng kanyang baril.

Nagdugo ang labi ng dalaga.

"Talagang matigas nang ulo mo ah.. at kahit pa sa sitwasyon mo'y pinagtatanggol mo yang Alex na yan. Ano! Sa ganda mong yan nagiging lalaki ka?! Ha?!"

Umiyak ng umiyak si Georgina.. hinawakan siya ni Ron sa buhok.

"Kung mananahimik ka nang tuluyan hindi ko na gagasgasan pa ang maamo mong mukha. Saka, ano naman kung lalaki nga yung Alex na yon? Sakin ka naman papakasal, hindi ba? Sagot!!!"

*Napilitang tumango.

"Nakita niyo ba sila Alex at mga kasamahan ko?" takang-tanong ni Nigel sa mga natirang staff sa lugar.

"Ah, nagsabi sila na may pupuntahan. Pero, nakakapagtaka nga eh kase biglaan, at di rin sila magkakasama. Nakalabas na sila ng kampo Nigel."

Nagulat siya sa nabalitaan, biglang dumating ang kanyang ina.

"Nigel, mag-usap tayo.."

Nagpunta sila sa opisina ng heneral at doon nag-usap.

"Ano?! Ma naman, bakit hindi niyo man lang pinaalam sakin 'to ng mas maaga. Ano yun? Plinano niyong lahat ng ito at sumang-ayon nalang bigla ang mga kasamahan ko? Pati si Alex pinaalis niyo rin? Saan naman sila nagsipunta?"

Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon