Maghahapon narin ng makabalik ako sa condo unit. Nabili ko naman ang mga kailangang bilhin. Dapat pala talagang sundalo ang kinuhang yayo nito dahil sa dami ng mga pinabibili nya sa isang araw. Sanay ako sa pagbubuhat at lalaki naman ang get-up ko kaya hindi na magtataka ang tao sakin..
pero nakakairita lang yung mga babaeng tingin ng tingin sakin nung pauwi ako at nagbubulungan sila tapos bigla nalang magtatawanan: Iniisip ko tuloy kung hunk ba ang tingin nila sakin o isang under ng girlfriend o mama's boy ('boy' na as in yayo sa bahay).
Nagluto na ako ng hapunan.
Kumain ako ng apple at saging sa terrace bago pumasok sa kwarto at natulog. Marami pa akong kailangang gawin kapag madaling araw kaya dapat gumigising ako ng maaga.
Kinaumagahan... nagulat ako ng makita na walang natirang ulam sa kawaling pinaglutuan ko, kahit kanin ubos.
Nakalagay sa handbook na hindi siya marami kung kumain kaya dapat dahan-dahan sa lulutuin; tapos malalaman ko ngayon na yung pang-tatlong taong luto ko'y kaya niyang kainin?
Akala ko pa naman alam na alam na siya ng nanay niya. Kaya ko pa naman niluto na sakto pang-tatlo para kung mag-isa pa siya ng kain, may matitira parin sakin.
Yun pala mauubos lang din lahat ng luto ko. Kaya itong umaga na 'to.. tsaa at saging ang inalmusal ko.
Bumili ako ng cooking book at iba pang libro tulad ng pastry, baking, desert making etc. dahil limitado lang ang alam ko sa pagluluto. Pati old style ng pagluluto at iba't ibang uri ng tsaa.
Paggising niya, inabutan niya ang lahat ng maayos. Nasa kwarto na ako nuon, nagpapahinga. Nagising ako nung kumatok siya at nagsisisigaw.
"Hoy! Lutuan mo ulit ako para sa tanghalian! Magdadala ako ng pagkain!Hoy, buksan mo 'to!"
(Nakuu naman.. Ikalawang araw na pero hindi parin niya narerealize na bingi ako. Badtrip talaga)
Hindi ko siya pinansin... Bumalik ako ng tulog. Pumunta siya sa kwarto niya at kinuha ang duplicate na susi ng guest room para gisingin ako.
Ramdam ko nang tatadyakan niya ako sa tiyan ng hilain ko ang paa niya at paikutin sa ere. Tumama ang ulo niya sa upuan at mukhang napilayan ko siya. Hindi naman siya nasugatan pero nabukulan ko siya.
BINABASA MO ANG
Disguise in Loving You, PARE
AçãoNagbabasa ako ng dyaryo habang ngumangata ng maning tig-limang piso ng barilin ako ng gamot pampatulog sa leeg. Pagkagising ko'y nasa isang mansion na ako at kaharap ang isang babae na may anak na bokabolistang sikat na sikat. "Gusto nyo ba akong...