"Kung ano man yung narinig mo, ah—- ano, nabigla lang talaga ako dahil nakita kitang nabaril. Kaya... yung ibinalita, ano eh~
at saka maniwala ka sasabihin ko sana na kakayanin ko dahil matapang ako! Magpapasalamat na sana ako tapos aalis na doon sa morque."
Tsss—- matapang...? Kaya pala nagsabi ng 'mapupuno ako sa takot' saka magpapaalam? Di ba niya mahintay ung burial kung gusto niya nga lang talagang sabihin na paalam? Hays~ kakaiba talaga ang binatang ito.
Pinabilis ko ang takbo ng sasakyan para unahan ang mga convoy at police vehicle.
Pagkarating sa unit niya ay agad akong naghanap ng papel at ballpen.
*Don't speak too much, can't see? I cannot hear. Please write if you want to say something.
Napakunot siya ng noo ng mabasa niya ang sulat.
*Go sleep, rest. Me prepare for dinner.
Pumunta na ako sa kusina. Nakita ko siyang paakyat na sa kanyang kwarto. Tumingin siya ng saglit sakin saka sumigaw.
"Pero kung totoo ngang hindi ka na babalik gaya ng pumasok sa isip ko... Sobrang mami-miss ko yung luto mo, bro."
Pinigilan kong tumingin sa kanya... inaalala laging wala akong kapasidad na makarinig, kahit pa parang nag-rereplay ang sound waves na nilikha niya sa utak ko. Pinilit kong hindi pansinin. Nang makapasok siya sa kanyang kwarto saka ko hininto ang paghahanda at ngumiti ng bahagya.
Pagkatapos ng lahat ng gawain sa bahay ay nanuod muna ako ng balita at saktong ito'y tungkol sa kaguluhan sa coliseum...
Ding dong~ ding dong!
Pagtingin ko sa monitor ay puno ng media reporters ang nasa labas ng pinto. Lahat sila nais kausapin ang band vocalist ng NIAGARA.
Agad na akong tumawag saking mga katrabaho para humingi ng crime info's at manpower para paalisin sa tapat ng unit ang mga reporters. Bumalik ako sa upuan at tinignang mabuti ang bawat angulo sa balitang pinangyarihan, naghahanap ng mga bagay na kahina-hinala.
Ding~ dong!
riiing-riingg!!
Pagtingin ko saking cellphone ito'y sms of delivery. Tumingin akong muli sa monitor, isang lalaking nakablack suit ang may dala ng CD's, flash drives at document copies galing sa FBI.
Sobrang nakakamangha dahil halos kakatawag ko lang at ngayon ay nasa harap ko na ang kailangan ko. Napapaisip tuloy ako't bahagyang nalulula kung gaano kayaman ang nanay ni Nigel at marami itong mga empleyado sa bawat sektor ng gobyerno, kompanya, militar, mga institution atbp.
BINABASA MO ANG
Disguise in Loving You, PARE
AcciónNagbabasa ako ng dyaryo habang ngumangata ng maning tig-limang piso ng barilin ako ng gamot pampatulog sa leeg. Pagkagising ko'y nasa isang mansion na ako at kaharap ang isang babae na may anak na bokabolistang sikat na sikat. "Gusto nyo ba akong...