Part XX

354 12 0
                                    


Tumawa siyang muli.

*Sa isang isla sa batanes. May mansion doon si mama, parang place of vacation din namin yun nung bata ako. Gusto kong bumisita para makita yung mga laruan ko doon. Mga kaibigan ko noong bata ako.

(Kaibigan? Mga laruan? He's really a lonesome man)

*Kailan naman tayo pupunta doon?

*Ngayon, aakyat lang ako para magligpit ng gamit.

(HA?! Ngayon na agad!?)

*Teka, malayo yung batanes. Wala pa tayong ticket para sa flight.

*Di na kailangan, may private plane kami.

(Okay..?)

*Paano yung mga kabanda mo?

*Uuwi din yan sila kapag nagising. Madali namang ilock yung bahay. Lagay nalang tayo ng note sa pinto na mawawala ako for 10days kasama yung pinsan ko sa isang family outing at ikaw, pinag-out ko sa work.

*Sige, desisyon mo yan. Magliligpit na ako ng gamit ko. Kailangan mo ba ng tulong sayo?

*Hindi na. Ako na mag-aayos ng sakin, kaya ko na to.

Pinaakyat ko muna siya saka ako pumunta ng kwarto. Nagpalit ng casual na damit saka nag-ayos ng gamit. 10% damit, gamit sa katawan, toothbrush etc. 90% gamit pangbundok, gamot at mga baril, kawayan pamalo, perfume pangpatulog etc. (in case na may balak siyang hindi kaaya-aya).

Paglabas ko ng pinto ay nakita ko siyang namimili ng mga damit na gusto niyang ipasuot sakin.

*tapos na ako magligpit. May mga binili pala akong damit kama-kailan lang. alin dito gusto mong suotin ngayon?

Tumingin ako mula sa unang damit sa kanan hanggang sa kaliwa para pumili pero wala akong nakitang pwede kong isuot. Lahat kase pangbabae!

*Saan naman jan yung pwede kong suotin? Eh puro, dress yan?!

*dress nga, eh diba nga sa sulat: bakasyon kasama si pinsan? Diba halatang ang tinutukoy ko ay si Allesandra?

*oh? Ano naman kung yun ang nakalagay sa sulat? Wala rin naman tayong isasama sa kanila. Ah! Bahala ka, hindi ko susuotin yan.

*Tss' ang daya naman.

*pumayag na ako sa gusto mong sumama sa bakasyon, pero yung pagpapanggap na babae habang kasama ka, ibang usapan na yan bro. labas na yan sa napag-kasunduan.

*Nagpapanggap ka nga ba talaga?

(Huh? Anong ibig niyang sabihin..) tumawa siya

*Biro lang, oo nagpapanggap ka nga.

(hindi ako makaimik sa sinabi niya)

*I mean, nagpanggap na babae na pinsan ko. Ah basta! Mamili ka nalang jan tapos suotin mo. Maiilang ka pa eh bagay naman sayo.

*ayoko, bahala k---

May narinig akong time bomb. 3-2-1-

*Dapa!!

Hinatak ko siya pababa (sumabog ang pintuan niya, sabay naman ang pagputok ng baril sa lahat ng dako. MFP4-1, Rifle, SMG-6 etc. mga armas) saka mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko.

Sinugod na kami ni Ron. Galit at walang pag-aalinlangan siyang gumawa ng gulo kasama ang (naka-SWAT na damit) mga prof.killers, criminals for hire. Hinahanap ako dahil sa hindi ko pagtupad sa pangakong paghaharap naming dalawa. At si Nigel, para tapusin ito ng diretsahan.

*Ano yon!?

*Kailangan nating makaalis dito sa lalong madaling panahon.

*Ha?! Paano?! Wala nang ibang exit dito bukod sa..

Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon