Part XIX

326 11 0
                                    

Nagpa-iwan na ako sa kwarto ni Nigel para alagaan siya. Bumaba naman si Murphy para makipag-inuman na sa mga kaibigan.

Parang naghihimutok na binabangungot si Nigel habang natutulog. Hindi ko alam kung sino ba ang kaaway niya sa panaginip kaya siya nawawala sa katinuan. Kung bakit ba naman kasi siya nagpakalulong sa alak na hindi naman niya kaya.

Binuksan ko ang cabinet niya para kumuha ng damit dahil pawis na siya.

Nakakalito kung saan ko kukunin at anong damit ang kukunin ko sa sobrang dami ng pagpipilian at mga drawers nito. Napukaw ang mata ko sa huling drawer sa kaliwa ng una ko itong sulyapan.

Sa lahat kase ng naka-lock niyang drawer, ito lang ang ginagamitan ng tatlong susi at isang electronic passcode. Ano kaya ang laman noon? Diamond, gold o mga bank books..

May kung anong pumasok sa isipan ko at hindi na ako mapakali, iniisip na kailangan kong malaman ang nasa loob ng naiibang drawer niya.

Wala kase akong kutob kung pera o mamahaling bato ang nasa loob nun. Pero dalawang bagay lang ang nasisiguro ko. Una, mahalagang bagay ito sa kanya. Ikalawa, ito'y mahalagang bagay na gusto niyang manatiling sekreto, na tanging siya lang ang nakakaalam.

Hindi kaya mga dokumento itong makakatulong sakin sa pag-alam pa tungkol sa kanya o kay Ron at sa pamilya nila?

Saglit akong pumunta ng kwarto para kunin ang aking hacking devices para sa passcode at dalawang perdible para buksan ang tatlong mechanical lock.

Una kong binuksan ang de-susi at hinuli ko ang passcode.

Nakakaramdam ako ng thrill habang binubuksan ang drawer na yon ngunit bigla akong natigilan ng buksan ko na ang huling kandado nito. Mayroon kase itong eleven lock keys; na kapag pinag-sama-sama mo ang mga salita makakabuo ka ng pangungusap.

Puro "******" lang naman ang mga codes pero meron itong "show-the-lock-word" button.

Nabuksan ko naman na kahit hindi ko alam ang sentence na word-lock niya pero labis akong nababahala. Palagay ko kase kailangan kong malaman ang mga salitang iyon.

CLICK!

15secs. Nagbukas ang unang word.

"There's.. (another 15secs.) only... one... way... to... say... those... five... words... for----"

(security alarm ringing)

Parang may nakawalang treason prisoner sa isang under cover agency ang tema ng ingay ng alarm at pagpula ng buong kwarto ni Nigel.

Napa-akyat ang mga kaibigan niya sa kanyang kwarto kaya agad kong ni-lock ang pinto.

Nagmadali akong iligpit at ibalik sa dati ang lahat. Una ko nang i-deactivate ang hacking systems. Tumagal din ito ng 10mins. Kaya nagpanic na sa labas ang mga kabanda ni Nigel.

"Pare, ayaw mabuksan. Kailangan na nating pwersahin to!"

"Kumuha na kayo ng martilyo sa baba. Sirain na natin to!"

"Oi! Nigel at Alex!! Ano nang nangyari jan! Buksan niyo ang pinto!!"

Naghanap ng pangbukas sila Simpson at Murphy. Pumasok si Murphy sa kwarto ko at nakahanap ng de-calibre na baril saka mabilis na tumakbo at umakyat.

"Oh! Saan mo nakuha yang baril?! Sabi ko par, martilyo!"

"Ah..! heto na! hindi naman natin bahay to kaya pano natin malalaman."

"Sino ang gagamit satin niyan?"

Nagtinginan ang lahat sa isa't isa. Nagtakipan na sila ng mga tenga maliban kay Murphy?

Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon