ilang araw pa ang lumipas nang matapos ko ang paggawa saking mga plano: stratehiya sa kung paano ko huhulihin si Ron at sisirain ang buong kalakalan, madala ang importanteng mga dokumento at ang maipakulong ang lahat ng sangkot rito.
10PM, sinimulan ko ang operasyon. Una kong hinanap ang kwarto kung saan ikinulong si Georgina para mailigtas siya bago ang planong pagpasabog sa lugar. Dumaan ako sa mga air panel ng mga pader at kisame. Agad ko siyang natunton.
Nadatnan ko siyang natutulog, tinurukan ko siya ng gamot para hindi siya magising ng panandalian upang maingat ko siyang mailabas sa town house. Ilang metro ang layo mula sa bahay ni Ron ay nag-aabang sa akin si Lieutenant McCallon, ngunit bago pa man ako makarating sa lugar para ipaubaya si Georgina ay nalusob na si Lieutenant kasama ang dalawang sergeant nito. Napatay sila ng apat na high-profile killers na nagtatrabaho para kay Ron.
Nang makutoban ko ang nangyaring pagkompronta sa pagitan ng aking ka-alyansa at sa mga tauhan ni Ron ay agad na akong kumilos para itago sa isang ligtas na lugar si Georgina. Naglagay ako ng isang device na magpapaneutral sa lahat ng mga kagamitan na maaaring makapagtunton sa kanya sa lugar na aking pinagtaguan. Nasisiguro akong makakarating ang engkwentro ng mabilis kay Ron kaya't mabilis akong kumilos pabalik sa town house.
Kailangan kong maunahan ang apat niyang tauhan at pigilan silang makausap si Ron. Kailangan kong makuha ang mga kailangang dokumento bago pa man ito maitago pa ni Ron sa ibang lugar. Upang hindi makagawa ng alarma sa lugar kailangan kong harapin ang apat ng tahimik at kalabanin sila.
Pagkapasok nito sa unang gate papunta ng bahay, pagkadaan nito sa identification check sa isang maliit na lodging, agad kong pinakawalan ang poison gas na aking ikinabit sa mga tagong sulok ng konkretong pasilidad. Suot ang isang gas mask, habang nahihilo na ang mga tauhan ni Ron, agad kong sinaksak sa leeg ang dalawa, nakalaban naman ang dalawa pa at napuruhan nila ako sa tuhod. Kalauna'y binawian rin naman ng buhay. Bahagya akong nanghina dahil sa epekto rin ng moist ng poison sa paligid (saking sugat).
Itinurok ko saking braso ang isang gamot at nagpatuloy na sa operasyon. Mayroon pa akong kakalabanin na anim sa mga kasamahan nito. Nakaharap ko ang isa sa palibot ng bahay at ang dalawa sa unang palapag ng townhouse. Ang tatlo naman ay nasa parte ng bahay kung saan itinatago ang mahahalagang dokumento sa kalakalan: ang isa ay nasa pintuan at ang dalawa ay nasa loob ng kwarto.
Soft-killing ang nangyari sa huling tatlo sa 6 na kriminal; mula sa itaas na bahagi ng kwarto, sumugod ako at sinakal ang kalaban gamit ang nilon na lubid (nagbabantay sa loob). Nagpalit ako ng suot saka lumabas at tinurukan ng lason sa leeg ang isa pang tagapag-bantay.
Nakadeactivate na ang lahat ng CCTV camera sa lugar na iyon at hinihintay ko ang natitirang labing-limang minuto para mawala pati mga security alarms at system-lock sa mga wardrobe. Habang hinihintay ang oras, kinuha ko ang 'balat sa kamay ng isa para sa handmarks at pagbubukas ng mga authorized na pinto sa basement at opisina ni Ron.
Matapos makuha ang lahat ng dokumento ay nakaharap ko ang dalawa saking kasamahan sa militarya noon.
Napatigil ako ng bahagya nang sumaludo sakin sila ng may matalim na titig.
"Saan mo naman dadalhin yan Gen.Virata? Mukha yatang mga dokumento ni Bossing yang hawak mo ah."
"May nakapagsabi ba sayo na ipinagbabawal sa batas ang pagkuha ng mga artikulo na hindi sayo? Hindi naman sa gusto pa namin na mademanda ka o makulong...Mabuti pa na idaan nalang natin ito sa usapan at ibigay mo na ang hawak mo samin."
Lumapit ito sa akin kaya tinaasan ko ang aking depensa at naghanda sa pakikipaglaban.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo, Alexa? Kakalabanin mo kami ni Dan?"
BINABASA MO ANG
Disguise in Loving You, PARE
ActionNagbabasa ako ng dyaryo habang ngumangata ng maning tig-limang piso ng barilin ako ng gamot pampatulog sa leeg. Pagkagising ko'y nasa isang mansion na ako at kaharap ang isang babae na may anak na bokabolistang sikat na sikat. "Gusto nyo ba akong...