Napatingala ako, nakangiting tumingin sa ceiling na para bang nananaginip... Papikit sa pakikinig ng musika ng mapansin ko ang maliit na liwanag mula sa isang lense.
Lense na hindi ordinaryo... Binaling ko ang pansin sa pinanggalingan nito ng malaman na ang lense ay galing sa--
isang magnum sniper!!!
Agad akong tumakbo at binasag ang glass seal ng 'emergency alarm para ma-alarma ang lahat ng tao.
Sunod sa emergency alarm ang putok ng baril sa stage, mga tunog ng ligaw na bala. Nagsimula ng magpanic ang lahat patakbo sa mga exit.
Mabilis akong tumakbo papunta sa stage para iligtas si Nigel at mga kasamahan niya. Tumalon ako pabaliktad ng mataas at hinawakan ang balikat niya saka ihinagis papasok sa backstage. Ako ang tinamaan ng bala sa likod.
Sumulyap sa akin si Nigel at narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko. Agad naman siyang hinatak ng SWAT team para sa evacuation.
Dumidilim na ang paningin ko ng maaninag ko si Dra. Wilson na naghagis ng isang antidote at nagsabing kailangan kong gamitin iyon. Hirap mang kumilos, pinilit kong abutin ang gamot saka itinurok saking batok.
Wala akong ideya kung ano iyon: isa bang droga, pangpamanhid ng sugat atbp., basta ng mai-activate na ito at kumalat na sa buong nervous system ko ay agad akong nakakilos. Kasing bilis ng isang leopard at kasing lakas ng oso... naging maaksyon ang paghuli ng team ko sa 10-kataong nasa misyong iterminate ang alaga ko.
2 computer hackers, 4 gunner, 3 security spy at 1 viewer... Lahat sila ay nasa pangangalaga na ng PNP at FBI. Iniimbestigahan kung sino ang nag-utos sa kanilang gawin iyon ngunit lubos silang tumatangging sagutin sapagkat ang lahat ng kanilang ginagawa ay base sa isang electronic command system device na ibinigay sa kanila through black market delivery... Ganunpaman, hahanap kami ng paraan kung paano ma-identify ang salarin ngayon na hawak na namin ang ilan sa tauhan niya.
Nasa isa akong military general hospital na naka-locate sa kalayaan,cubao; nagpapa-recover sa sugat at mga sakit sa katawan. Salamat sa gamot na naimbento ni Dra.Wilson (Mammal Research Institute, scientist working for Nigel's Mom) mula sa mga cells ng mga hayop at nagawa kong mahuli ang mga criminals ng hindi iniinda ang bala saking likod. Kaya nga lang, lahat ng overforce human ability na nagamit ko ay nagpapahina ngayon sa mga muscles ng aking katawan.
Haysss- parang kakagaling ko lang sa isang medical recovery at heto nanaman ako. Napailing nalang ako't napaisip ng malalim nang maalala ko si Nigel.
*Ano kayang mangyayari sa kanya kung hindi ko tinanggap ang trabahong ito? Sa mga oras kaya na to'y... nakatitindig pa sya?
Tsss~ muli akong napailing habang inaayos ang ilan sa mga gamit ko. 3weeks ang advice sakin na manatili sa hospital pero gaya nga sa pagkakakilala niyo sakin, hindi ako nagpapagamot sa mga ganitong pasilidad.
May kakayahan ang katawan kong mag-gamot sa sarili nito.. Argh~ bahagyang masakit ang ilan sa mga karayom na nakaturok saking mga ugat. Kahit ganon pa man, kinakailangan kong makaalis dito, nag-aalala ako kay Nigel.
Hindi niya kase kayang bantayan o protektahan ang sarili niya.
Nang muling makapag-disguise ay agad kong tinungo ang pinakaligtas at mabilis na labasan ng hospital. Nasobrahan ako ng isang floor pagbaba ng hagdan at umabot na ako sa 'morque area' dahil sa pagmamadali. Narinig ko ang boses ni Nigel na nakikipag-usap sa isa sa mga kwarto roon. Hinanap ko ang kwarto at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sobrang napakalamig ng lugar na iyon, doon inilalagay ang mga bangkay na lilinisin.
Nabigla ako sa mga nakita.
Kinakausap ni Nigel ang isang bangkay na nakatakip ng asul na tela habang sumisigaw sa pagtawag ng pangalan ko, labis siyang nanlulumo saking pagkawala (tamang hinala).
"Alex... Alam kong hindi ako naging mabuti sayo pero, kung aalis ka nalang ng ganito, paano naman ako bro?
Ngayong wala ka na, hindi ko alam kung... magiging ligtas pa ako. Mapupuno ako sa takot dahil sa paglisan mo, alam mo ba yun?!
Ikaw ang naging kaligtasan ko mula ng malaman kong may gustong pumatay sakin. Nakakahinga ako ng maluwang dahil alam kong nasa paligid lang kita, nagbabantay kahit di ko nakikita.
Kaso, sa araw na to... Paano na? Alex!!! Sagutin mo ko!!!"
-Binalabag niya ang gamit sa paglilinis ng patay.
Nangilaiti ako ng malamang may isa sa kasamahan ko ang namatay at iyon ang pinagluluksaan ni Nigel na akala niya'y ako. Mas lalong lumakas ang loob ko na itatak sa hangganan ng bato sa lupa na hahanapin ko ang taong may gawa ng lahat ng ito. Pagbabayarin ko siya sa batas at sa mga taong pinahirapan niya at para sa lahat na nagbuwis ng buhay.
Hinayaan ko muna siyang mag-emote ng kalahating oras bago ko ihinampas ng malakas ang pinto para mapansin niyang kanina pa may taong nakikita siya't nakikinig sa pagdadrama niya at marahang tumingin siya sakin. Matalas ang tingin ko sa mga mata niya... Ipinaaalam na hindi ko ikamamatay ang ganoong krimen.
Napalunok siya't hindi alam ang sasabihin.. Itinuturo ang bangkay at ako. Nilapitan ko siya't binuksan ng bahagya ang tela para malaman niyang iyon ay hindi ako.
Nalilito siya kung paano ipapaliwanag ang lahat at kung paanong nakaligtas ako.
"Teka... Buhay ka-- pero, yung ibinalita.. hindi totoo? At, kanina mo pa ako... Ibig sabihin, narinig mong lahat at--"
(Hanggang ngayon ay hindi parin niya naiintindihan na ang kinuhang yayo ng nanay niya ay bingi. Hays~)
Hinatak ko siya't hinawakan ng maigi sa pulso ng kamay saka hinanap ang daan palabas.
Nakayuko siya't nahihiya sa kaniyang ginawa (dahil dumaan na kami sa main exit. Gumawa pala siya ng isang malaking controversy? Anak nga siya ng nanay niya. Pareho silang may pagka-OA). Nakaabang doon ang mga pulis na una na siyang sinabihan na ligtas ako pero hindi siya nakinig. Inasahan niya na pala talagang ako ang namatay sa aksidente na naipamalita sa media.
Pagkadating sa parking lot ay saka ko na siya binitawan. Itinuro niya ang kanyang sasakyan at ako ang pinagmaneho.
Paglabas ng hospital gate ay maraming nakaabang na mga news caster. Kinakatok ang mga bintana ng kotse ng mga convoy vans'. Sa likod na gate ko idinaan ang sasakyan at inilihis na ang daan para kami nalang ang pumunta sa unit. (Kung may mangyari man kaya ko siyang protektahan)
Hyper-speed.. (tutok sa pagmamaneho)
Habang nasa byahe ay hindi siya mapakali.. sinusubukan na magsalita pero halatang pinag-iisipan niya kung ano at paano ito sasabihin sakin. Hindi naman ako nabahala dahil kahit may sabihin siya ay neutral padin ang magiging ekspresyon ko sa kanya. (Deaf nga diba?)
BINABASA MO ANG
Disguise in Loving You, PARE
ActionNagbabasa ako ng dyaryo habang ngumangata ng maning tig-limang piso ng barilin ako ng gamot pampatulog sa leeg. Pagkagising ko'y nasa isang mansion na ako at kaharap ang isang babae na may anak na bokabolistang sikat na sikat. "Gusto nyo ba akong...