PartXIII

401 12 0
                                    

"Siguraduhin niyong hindi kayo papalpak sa pagkakataong ito. Malaki ang binayad ko para sa operasyong ito, dapat bukas... ang laman ng balita ay pagkamatay ni Nigel at pagkawala ng bandang Niagara."

"Copy Sir.."

Ang matagal nang tinutugis ng team ko at ang dahilan ng pagpasok ko bilang secret agent...

ay walang iba

kundi si Ron.

Sa isang iglap ay nabuhayan ako ng pagnanais na mahuli ang taong ito.

Inalam ko ang marami tungkol sa kanya. Mag-kosa sila ni Nigel, may banda rin ito at siya ang bokalista ng grupong Caraphernelia (courtesy of Pierce The Veil). Kahit na pinsan siya ni Georgina meron silang naging mga controversies, ilang papparazzi photoshots, at showbiz news report na nagsasabing may relasyon silang dalawa.

Mukha yatang ginagamit ni Ron si Georgina para malaman ang bawat galaw ni Nigel, dahil itong lalaki na to na di nag-iisip ay ginagawang social media update wall ang inbox ni Georgina, sinasabi ang lahat ng mga lakad at pupuntahan niya. Kaya siguro maayos ang pagkaplano sa pagpatay sa kanya sa mismong concert nila, dahil may matang-agila na nakatuka sa maharlikang uod. Kailangan ko siyang pigilan o pahintuing ipaalam ang mga bagay-bagay sa impostora niyang lovergirl, sa kahit na anong paraan.

Tungkol naman kay Georgina.. Tss~ mapagpanggap silang dalawa, kailangan kong matyagan rin ang bawat kilos niya.

Marami pa akong siniyasat tungkol kay Ron at sa rason na gusto niyang patayin si Nigel. inipon ko ang lahat ng detalye at isa-isa kong binasa. Ang mga araw ay lumipas ng parang paggalaw sa kamay ng oras at tatlong araw na akong hindi lumalabas ng kwarto. Sobra akong nadismaya sa lahat ng aking nalaman, nauunawaang umiikot ang buong pangyayari at babalik sa konklusyon na ito'y dahil sa kanyang Ina.

(Kung bakit? Abangan..)

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko siyang nakahiga sa sofa, pangisi-ngisi habang gumagamit ng smartphone. Marahil ay nag-uupdate nanaman sa inbox ni Georgina. Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang phone niya.

"Hey! Nakita mo bang ginagamit ko bro?"

Nginig-kamay akong nagsulat (antok+gutom) ng:

*Do not inform anybody, most specially Georgina, of where you are going or what will you do. Your plans and concerts etc. For your own good.

"Ano?! parang kakalabas mo lang sa kwarto mo matapos ang tatlong araw tapos sa GF ko, pinagbabawalan mo kong ipaalam sa kanya kung saan ako at anong gagawin ko? Eh pano naman kung sa lahat ng pupuntahan ko ay isama ko sya? Ano, papahulain ko sa kanya kung san nya ako makikita? Tungkol saan na naman ba'to bro?"

Nagsasalita nanaman siya, kinakausap ang binge~

(Paulit-ulit nalang kami pang ilang chapter na to ahh)

*Write it down.

Napabuntong hininga sya at pinakuha ako ng panulat..

-Sulat'sulat

*dunce

(Aba! ako pa ngayon ang slow-headed? Tsss~ pag sa hukay kana dadalhin tiyak hindi mo sya masasama. Eh ikaw nga yung tinutugis nila!)

*It's not safe for now to tell others about your 'errands. Sundin mo muna ako.

"Bakit naman? Who you are to restrain me? May problema ka ba kay Georgina? Huh? Dahil ba to sa naki-interrupt ako between you and Samantha kaya gumaganti ka na?"

(Nag-interrupt? So you mean it huh? At problema ba? Haha! OO malaki nga siyang problema sa kaligtasan mo!)

Hindi ako kumibo kaya nagsulat siya:

*Know you've become twice a dolt.

(Stupid? Ikaw yung nagpasimula ng lahat ng ito tapos ako yung stupid?! Haaa?! Pwede na ba ako magreact? Grrr~)

Neutral padin ang reaksyon ko. Kalmado at laging gentle~

-Ngayon, isinulat ko na.. (sulat-sulat-sulat)

*Do not put your trust to anybody.

"Well fine, then I will not trust you! Give back my phone!"

Pilit niyang inaagaw sakin ang phone. Buti nalang mas matikas ako sa kanya na kahit nakatingkayad at pareho kami ng height, ay hindi niya parin makuha sa akin ang phone. Matapos ang matagal na agawan, napansin kong naitutulak niya na ako ng bahagya at tila lumalakas narin siya, marahil ay dahil sa wala pa akong pahinga at kinakain sa maghapon. Kaya naman tinulak ko na rin siya palayo para hindi niya ako matumba; pero nahawakan niya ang damit ko at sabay kaming natisod.

Pagkatapos non, black-out na ko.

Nakatulog ako sa kanya at pareho kaming nasa sahig. Sinisigawan niya ako pero wala na akong narinig, suko na ang katawan ko nun sa pagod (sa bagay wala naman talaga akong dapat marinig kung sakali man dahil nga sa bingi ako)

Napahinto siya ng maramdaman ang pagtibok ng puso ko sabay sa kanya, parang may malakas na pakiramdam na nagtatalo sa loob niya at naglalaban sa kanya. Sa gulo ng isip ay tinulak niya ako at napatitig sa mukha kong maamo, kapag tulog.

Hindi man mapakali sa pagbugso ng kanyang heartbeat, binuhat nya parin ako para ihiga sa sofa at doon lalong napatingin sakin. Hawak ko parin ang phone niya noon pero hindi na niya kinuha. (Alam naman din niyang hindi niya makukuha sakin yun kahit tulog ako)

Hinawakan nya ang mukha ko't biglang napangiti.

"Siguro susuntukin mo ko kung gising ka ngayong hinawakan ko ang mukha mo."

Biglang umihip ang hangin sa katahimikan ng bahay.

"Teka.. Hindi mo naman malalaman kung---"

hush'!

"diba?" at ngumiti siyang muli.

Umihip muli ang hangin at napaatras sya.

"Teka, ano bang ginawa ko?! Pano kong naramdaman nya yun? Baka pilayan niya ako.. Saka, pano ako magpapaliwanag?"

Napatingin siyang muli sakin at ako nama'y wala talagang malay.

"Mukha namang tulog na tulog sya.

Pero, aaahhhhh!!

Hindi parin to tama!"

Sa sobrang pagkagulo ng isip niya ay tinuktok niya ang ulo sa lamesita.

"Nawawalan na ba ako ng taste? Bakit naman sa---

Teka, ano bang taste yung sinasabi ko?! Eh, magpare kami."

Aaaarrrgghh'

Kinakaskas niya na ng dalawang kamay ang buhok at muling tumingin sakin ng biglang umihip ang hangin.

"Bahala na nga'!"

at sa pagkakataong iyon ay mahigpit syang yumakap habang

~hush'!

Ilang sandali ay unti-unti niyang sinusuntok ang likod ko.

"Nakakainis ka talaga."

Tumayo sya at kinuha ang mga sulat na nakita niya sa kanyang kwarto pati ang picture ni Samantha, sa pagkakaalam nya ang lahat ng iyon ay sakin at naiwan ko lang sa kwarto niya habang wala sya noong mga araw na nandoon sya sa bahay ni Georgina. Inilagay niya ang lahat ng iyon sa lamesita.

Malapit na ang gabi at naghahalo ang liwanag ng buwan sa kapal ng ulap nang magising ako sa malalim na pagkatulog. Nakita ko ang litrato ni Samantha na nilagyan ko pa sa likod ng note na "mahal kita".

Tss~ mukhang namiss-interpret nya rin ang lahat at inakalang may gusto ako kay Samantha. Nakakatawa na nakakainis ang malaman na ganito ang reaksyon niya... sa mga sinabi niya palang ay halata na ayaw niya at di siya pabor sa natuklasan.

*sigh~ pero diba dapat wala na siyang dapat ikabahala o ikagalit ngayong nalalaman niyang may nagustuhan akong babae? Isa pa lalaki naman ang pagkakakilala niya sakin. Ang weird niya talaga.

Bumalik sakin ang pangyayari na siniraan niya ako sa kapatid ni Georgina... bakit niya kaya ginawa yun?

Aaaahhh! Sumasakit ang ulo ko sa tuwing iisipin ko ang mga kawalan ng tamang pamantayan niya sa pagdedesisyon at paggawa.

Makapag-trabaho na nga lang.

Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon