Tinitigan ko lang siya sa mata na may neutral na expression. Bigla siyang nag "meem face" sakin dahil nga sa makitid daw ang pang-unawa ko. Kumuha siya ng isang music sheet at doon nagsulat ng gusto niyang sabihin.
>> siguro naman marunong kang magbasa. Ang sabi ko ayaw ko ng pagkaing paulit-ulit [kaya pala nagpaluto pa sya ng isa... Ayaw huh!!] Gusto ko paiba-ibang istilo araw-araw: kung bacon ngayon dapat iba na bukas.
Tumango lang ako sa sinulat niya.
Tinignan ko ulit ang handbook ko sa susunod na dapat gawin.
"Teka, ano yan!?"
(Heto nanaman siya, nagsasalita sa kawalan) hindi ko siya pinansin kaya niya kinuha ng sapilitan ang handbook na binabasa ko.
"Ano to!?" -shinishake nyang paghawak sa handbook.
Kinuha ko ang music sheet na pinagsulatan niya at doon na ako sumagot.
>>Handbook bigay ni Madam. Nakalagay mga dapat gawin.
"hayss- para naman akong batang inaalagaan.. Tsss--- nakakainis talaga si mama. Bakit may pa handbook-handbook pa! Pwede naman sana na banggitin nalang niya sayo!"
At hinagis niya sa terrace ang handbook ko (buti nalang naka-abang doon ang hardenerong secret agent ng kanyang nanay para saluhin ito)
>>Pasensya na. Hindi kita naiintindihan.
(hays- pasalamat pa nga siya't concern ang nanay niya sa kanya... Di tulad sa iba na napapabayaan nalang)
Inagaw niya ang music sheet sakin at nagsulat.
>>Hindi ako bata... okay? Tapos na'ng gawain mo kaya't magkulong kana sa guest room!
(doon ang silid-pahingahan ko)
Pagkabasa ko.. tumayo na agad ako at pumasok sa guest room. Sakto at buti nalang pala maka-independent siya. Atlis, may oras na akong ayusin ang kwarto na to pati na ang mga gamit ko.
Isang oras matapos ang pagpapa-alis niya sakin sa sala ay kinatok niya ang pinto.
"Hoy! Lumabas ka nga muna jan! May ipapabili ako sayo! Mag-grocery ka... Paubos na yung mga gamit ko sa banyo pati mga prutas at freshmilk, paubos narin. Marami pang mga dapat nang mabili kaya lumabas ka muna jan at uutusan kita!!! Hoy!!! Nakikinig ka ba?!"
(*sigh-- masisiraan na ko ng katinuan sa lalaking 'to! Sinabi nang hindi ako nakakarinig eh!) hindi ko siya pinansin.
"Buksan mo nga to!! Hoy!!"
Kinakalabog na niyang pinto pero nananatili parin akong tahimik.
"Nakakainis talaga!"
at umalis sya sa pinto. Pumunta na sa kanyang kwarto para magbihis.
Tinapos kong lahat ng dapat kong gawin sa magiging kwarto ko bago ko binuksan ang pinto. Pagbukas ko, may note nang nakapaskil sa pinto.
>>Tignan mong lahat ng mga ginagamit ko: shampoo, facial cream etc. Pati narin yung mga pagkaing paubos na. Mamili ka. Bahala ka kung may idadagdag ka sa mga nandito na sa bahay ko basta't ayusin mo lang na hindi magtatambak at pakalat-kalat iyon sa paligid. Gabi na ako makakauwe.
(Para talaga siyang sirang plaka. Gusto nya ko mamili tapos wala siyang iniwan na pera?! Ano yon hihingin ko sa grocery?)
Kahit wala sya sa bahay... hindi parin ako nagsasalita, kailangang maging maingat.
(Bahala na nga, may pera naman ako sa credit card ko)
Naligo na ako (may sariling CR ang guestroom) at nagsuot ng simpleng pang-alis. Tinignan ko ang lahat ng area: banyo, kusina, kwarto, dining area atbp. Inalam ko ang mga produkto na dapat kong bilhin at inalala ko lang ang lahat. Pati narin yung sa tingin ko na dapat meron din sa bahay nya.
Naisip ko na ring bumili ng para sakin, tutal pera ko naman ang gagamitin ko. Pagbukas ko ng pinto (condo unit room) nakaabang na sakin ang isang janitress na nakilala kong isa rin sa mga secret agent dahil ibinalik niya sakin ang handbook ko kasabay ng isang credit card na nakapangalan sa nanay ng superstar.
Nang mabasa ko ang handbook:
*Pagka-alis niya, kailangan mamili ka na ng kailangan sa bahay. Yung stock dapat pang isa o dalawang araw lang. Ayaw niyang masyado siyang natatambakan ng mga gamit.
(Grabe, nakakamangha ang nanay niya. Hindi niya kasama sa bahay ang anak pero alam na alam niya ang mga dapat gawin.
*Naalala kong may mala-FBI team ito, grupo ng mga espiya* hayss~ oo nga pala... kung meron siyang ultimate fan, nanay niya yun. Mas matindi pa sa stalker)
Pagbaba ko palabas ng gusali may isang magandang dilag na nakahulog ng mamahaling polseras. Hinabol ko sya ng hindi nagsasalita (kailangang maging maingat).
Hindi ako nagkamali dahil maganda talaga siya. Binalik ko ang polseras at nag handgestures ako na:
*Dapat maging mapagmatyag ka at makiramdam sa sarili... para kung sakaling walang nakakita na may naihulog ka, malaman mo kaagad.
Ngumiti ako at nginitian niya rin ako. Gulat ako ng malamang marunong siya ng hand gestures.
*Salamat, hindi ko kakalimutan ang payo mo.
*Hindi ka ba nakakapagsalita tulad ko?
*Nakapagsasalita ako, marunong lang talaga akong makipag-usap sa mga pipi at bingi. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?
*Alex, alex virata ang pangalan ko
nginitian ko siya.
*magandang pangalan, (ngimiti din siya) ako si Samantha. Nice to meet you.
*Nice to meet you too.
*sana makita kita ulit. Ikaw din, dapat lagi kang maging mapang-matyag: para marami kang matulungan at makilalang pwede mong ligawan.
-Nabigla ako sa sinabi niya.
*Hindi naman ako naghahanap ng maliligawan. Tingin ko kase mahalaga para sayo ang nahulog mo kaya...
*Hahaha! (Tumawa siya sa hand gestures) Sabagay tama ka. Mahalaga talaga sakin to, bigay kasi ng boyfriend ko. Mabait ka, kung wala lang akong kasintahan baka maisip ko na kaya mo 'to ginawa ay dahil nagustuhan mo ko.
*Wala naman akong ganung intensyon. Nagkakamali ka----
*Pero kung nagustuhan mo ko.. Di naman malayong magustuhan din kita.
(napalunok ako 'sigh)
*Sige, mauuna na ako. Mag-ingat ka alex.
"rawr~" -Samantha
Medyo pinag-pawisan ako sa usapang iyon. Ngayon lang ako nakaingkwentro ng pagtulong na naging panliligaw ang labas.
Hays~ makapamili na nga.
BINABASA MO ANG
Disguise in Loving You, PARE
AkcjaNagbabasa ako ng dyaryo habang ngumangata ng maning tig-limang piso ng barilin ako ng gamot pampatulog sa leeg. Pagkagising ko'y nasa isang mansion na ako at kaharap ang isang babae na may anak na bokabolistang sikat na sikat. "Gusto nyo ba akong...