Part XXXII - Let Love Bleed Red

598 16 6
                                    

Hindi na nakapagsalita pa ang ina ni Nigel, ngunit napahinga nalang siya ng malalim. Iniisip ang kanyang anak, at ang kinabukasan nito sa kanyang desisyong makatagpo si Alexa sa pagpasok ng militarya.

Pinatawagan niya sa kanyang assistant ang mga kabanda ni Nigel, umaasang sa pagkikita kita ng mga magkakaibigan, ay mawala na ang atensyon ng anak sa dalagang heneral.

Masayang naghiyawan ang magbabarkada sa balitang maayos na ang lahat, kahit na sila'y watak-watak pa ng mga pagkakataong marinig nila ang tagumpay na operasyon. Ngunit labis na nasaktan at napaluha nang malamang nagkatunggali si Ron at Alexa.

Naguluhan narin ng mga panahong iyon sina Zach, Ross, Dexter at Simpson, pilit inuunawa ang sitwasyon maging ang sinapit ng kaibigang si Murphy (na kasalukuyan pang nag-rerecover mula sa operasyon sa katawan). Nagtawagan ang apat.

"Ano pare, papaliban pa ba tayo ng ilang linggo o buwan bago bumalik ng 'Pinas?"

tahimik ang lahat ngunit seryoso silang nag-iisip sa bungad ni Zach

"Gusto ko na talagang makita kayo para malaman kong okay ang mga kabarkada ko. Pero kailangan nating bigyan ng panahon si Murphy."

"Tama ka, di rin kasi cool kung.. magkikita tayo tapos, iika-ika o may problema yung isa satin. Tama lang din to para mabigyan din natin ng oras yung isa (Nigel)."

"Sige mga Pare, kitakits very soon. Walang iwanan, dapat sa reunion walang mawawala. Bumangon tayo ng sama-sama at tumugtog ulit na parang iisa."

Pare-parehong may hawak na tikilya, sabay-sabay na nag 'toss ang apat.

"Cheers!!!"

Makalipas ang dalawang buwan at tatlong linggo, nagkita-kita na ang magkakabanda sa airlines ng Pilipinas. Kasama ang ilang mga kapamilya at baon ang mga personal na alaala. Naghintayan sila't una nang nagkita ang apat: Zach-Simpson, Dexter-Ross, nagkamayan at nagtawanan, mga ngiting hindi pa nila nakikita sa kanilang mga sarili noong palagi nilang kasama ang isa't isa.

"Si Murphy nalang mga par..."

"Tapos si Nigel"

"Saan ba manggagaling yung si Nigel?"

"Tingin ko nasa visayas yata siya naglagi kaya eroplano din yun. Huli ko siyang nakontak ang sabi niya nag-training daw siya sa isang bario."

"Talaga par? Training para saan?"

at dumating na si Nigel na may ibang tindig, kilos at pangangatawan. Mas matikas at matapang.

"Woa- Pare ayos!" nagkamayan at nag-slam sa isa't isa.

"Tikasin kana ah! Saan ka galing?"

"Isang buwan narin ng makapasok ako sa military school. Nag-paalam lang ako ngayon na makalabas para makita kayo."

Gulat ang lahat, "Ano!? Pumasok ka ng militarya!?"

"Teka..teka..teka.. ang gulo!! Ganito na ba tayo ka out-dated sa bawat isa?! Asan na ba kasi si Murphy?!"

lilinga-linga ang lima, at nakita narin nila si Murphy, naka-wheel chair, may personal nurse at doctor, pati dalawang guard na kasama at isang military official.

Katahimikan na ang nasa paligid, may pagka-emosyonal pero pinilit ng magkakabarkada na tatagan at ngumiti nalang dahil nagkita-kita silang muli, walang naiwan at walang nang-iwan.

"Oh, pano ba yan Simpson, nakarating ako.. Salamat dahil binigyan niyo pa kami ng oras ni Nigel."

"Binabati ka namin par at salamat din dahil naging matatag kang kaibigan."

Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon