PART VI

625 23 2
                                    

Napatigil ako ng bahagya ng maisip na nagmamaneho na sya sa mga oras na yon. Kinabahan ako kaya pumunta na ako ng parking lot at kinuha ang motor ko. Nasa highway na ako ng tinawagan ko ang IT specialists team kung alam nila ang pupuntahan ng binata pati ang mga rutang daraanan niya. Buti nalang talaga may katuwang ako kaya matutunton ko siya.

Nang makita ko ang sasakyan niya, sakuna kaagad ang nasa kutob ko. Malapit na siya sa checkpoint pero hindi parin nagbabago ang takbo ng sasakyan niya. Humarurot na ko para abutan sya.

Tulad na nga ng sinabi ko, namanhid ang paa nya at hindi niya ito maigalaw kaya hindi nya mapadyak ang braker. Nagpaikot-ikot siya para mapahaba pa takbo. Nang malagpasan ko siya ng ilang metro, tumalon ako sa motor at inabangan ang sasakyan.

Nahawakan ko ang likuran (malapit sa plate no.) at bumwelo ako ng hatak.

Dama kong nabanat ang aking mga muscles at bahagyang napunit ulit ang hiwa ko sa katawan. Nabaon ang paa ko sa sementadong kalsada at nagalusan ako.

Masasabi ko nang isang fracture iyon dahil hindi ko na magawang makatayo pagkatapos. Nabalatan ako sa gilid ng paa dahilan para makita ang joint bone ko.

Napahinto ko ang sasakyan at ligtas sya pati ang sasakyan na muntikan na sana niyang mabangga sa check pt.

Hindi ko akalaing magagamit ko ang ilan sa drill na natutunan ko noon. Mas matindi pa 'to kesa sa aksyon na napapanuod ko sa pelikula nila Robin Padilla at Fernando Jr. Tingin ko nga pwede na akong mag-artista.

Nang lapitan ako ng mga pulis, akala ko ire-rescue ako. Pero mukha yatang naging holdapan ang labas ng inakala kong pelikula.

Ako pang nakasuhan ng ilang violations dahil wala namang nakitang problema sa sasakyan kaya nagtataka ang pulisya kung bakit ko 'to inabangan. Hindi naman ako pwedeng magsalita dahil nandoon ang binabantayan ko.

Nakakainis lang isipin na para mapagtakpan ang kahihiyan niya sakin dahil hindi siya marunong tumingin ng sitwasyon niya (reckless); sinakyan niya ang haka-hakang akala ng mga pulis .

Na hospital-arrest muna ako para operahan bago maikulong. Nadagdagan pa ang kaso ko dahil tumakas ako sa hospital. Guilty ang labas sa kaso.

Hindi pa talaga ako nagpapa-confine sa buong buhay ko  sa hospital dahil nga sa sugat na meron ako kaya ginawa ko yon. Masyado nang mahina ang katawan ko para makalayo sa pinagtakasan kaya nahuli rin ako ng ilang sundalo na naroon din sa checkpoint kanina.

Inisip ko na katapusan ko na yon, pero ng magkita kami ni Lt. Romelio Carao, nagkaroon ako ng kompiyansang meron pang pag-asa na makaalis ako sa lugar na ito.

Si 1st Lt. Carao ay isa sa mga naging estudyante ko nung ako'y colonnel palang. 22 anyos ako noon at sya nama'y 28.

"Isang karangalan ang muli kayong makita, Former General Alexa Virata" at sinaluduhan niya ako.

"Hindi mo na kailangang magbigay pormal na pagbati sakin dahil hindi naman na ako isang heneral." at nagpaalalay ako sa kanya.

"Natanggal nga po kayo sa trabaho, pero hindi naman nawala sa akin ang pagiging hulwarang guro nyo nung ako'y nagsisimula palang sa serbisyo."

"Isang dekada narin ang lumipas... Ano na nga bang posisyon mo? Mabuti at naalala mo pa ako."

"Sino ba namang makalilimot sa galing nyo ma'am... Halos lahat ng balita tungkol sa inyo, nakararating sa lahat ng troopa. Sikat kayo sa lahat ng sundalo. Labis ang paghanga namin lalo na nung hinirang kang heneral."

"Talaga... Ngayon ko lang nabalitaan yan. Maraming salamat." at sinakay niya na ako sa army truck

"Isa na nga po pala akong Leutenant. Nakadistino po ako sa laguna."

"Kung ganon.. nasa akin ang karangalan na makausap kayo Sir!"

"Pakiusap former general, hayaan nyo pong tulungan ko kayo. Ano po bang kaganapan ang nangyari kaya natanggal kayo sa serbisyo? At bakit, kritikal ang kalusugan niyo ngayon."

"Masyado nang maraming nangyari Lieutenant, mas mainam kung ako lang ang nakakaalam ng personal kong trahedya. Kung nais mo talaga akong tulungan, payagan mo kong manatili sa kampo ng isang linggo para makapag-pagaling. Pagkatapos ay samahan mo ko sa address na ito."

Isinulat ko ang address ng bahay ni Nigel (The Superstar Rock Band Vocalist)

"Maaasahan niyo po ako Ma'am."

Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon