Part XXII

318 10 0
                                    


2nd day

Minabuti kong gumising ng mas maaga sa kanya para maligo. Pagkatapos ay nagpatalim ako ng ilang kahoy at kawayan na maari naming gamitin panghuli ng isda, pagkuha ng mga bunga sa puno at mga panangala rin sa mga mababangis na hayop sa gubat.

Pagkagising niya ay agad siyang naghanap ng pagkain.

*may agahan na ba tayo?

*wala tayo sa siyudad na kapag nagutom ka, pwede kang magpadeliver sa fastfood at hatiran ka ng pagkain. Kung gusto mong makakain, manghuli ka ng isda.

Kumuha siya ng isang sabat.

*paano ba manghuli?

Itinuro ko sa kanya ng buong pagpapasensya ang proseso sa paghintay at pagsunggab sa mga isda. Liksi, bilis ng mata kasama ng isip at pagkilos, magmatyag ng may mata ng agila, lakas sa pagtusok ng maigi sa katawan ng isda at pagiging mapayapa sa lahat ng sitwasyon.

*dapat alam mo kung ano ang pagtutuunan mo ng pansin, huwag papalinlang sa paligid, isipin ang layunin, magkaroon ng kaisahan ng buong katawan sa pagkilos, kailangan ng tiyaga sa paghihintay sa mainam na paghuli sa isda.

Tinanguan niya lang ako. Seryoso siyang nanghuli ng isda. Buti naman at matino ang pag-iisip niya sa mga panahong iyon at nakuha niyang sumunod kaagad. Mahaba ang panahong ibinabad niya sa araw at tubig sa paghuhuli. Makikita mo sa kanya ang pagkahinayang sa panahong malapit niya nang mahuli ang isang isda. Mula sa tabing ilog ay pinagmasdan ko siya. Nakakain na ako ng agahan at tanghalian pero siya'y nanghuhuli pa din.

"isa pa... kaya ko 'to, magagawa kong manghul-"

Hinawakan ko ang kamay niya at inalalayan siyang makakuha ng isda sa pinakamabilis na paraan. Isang minuto lang at sa parehong sibat ay nakahuli kami ng tatlong isdang may kalakihan.

"Oh! Bakit mo naman ako tinulungan? Kaya ko na nga to eh"

Hinawakan ko ang palad niya.

"Ahh!" at napansin niya na ang kalyo at pagkamaga nito.

"huh? Teka.." tumingin siya sa paligid.

*anong oras na?

*mukha ba akong may orasan?

*yung walang halong biro? Tanghali na ba?

*ano? Magdadapit hapon na kaya ulit

*Ha?! Para namang imposible na..

*Nakakamangha, maganda ang respond mo ngayong araw, may natutunan ka bukod sa naituro ko na. pero bago ko sabihin kung ano-ano iyon, lutuin mo na yan at kumain ka.

Napangiti siya, kahit may mga sunburn sa katawan at mukha. Pag-ahon niya sa ilog at pag-upo ay doon niya unti-unting nararamdaman ang sakit ng katagalan niya sa pagtayo at pangangalay ng mga binti sa tagal sa tubig.

*ano kaya pa?

"Ah!!" *kakayanin, parte ng training eh, pero masakit talaga "ouch!" at sa haba ng oras ko doon wala pala akong nahuli? Para namang walang saysay yung ginawa ko ngayon.

*hindi ah! Mas malaki nga ang improvement ngayon kaysa sa kahapon.

At ngumiti ako. *bakit naman?

*ang tunay na matatag ang layunin ang inaalala, hindi ang sarili, katuparan sa lahat ng dapat gawin at hindi pagtingin sa pansariling kapakanan ang binigyan mo ng halaga. Malimit na ang mga tao na ganoon at hindi madaling matutunan ang ganoong pag-uugali. Kapansin-pansin ding hindi kana mareklamo.

*talaga? Ganun ba.. eh, ano pa?

*Hmmm., sakripisyo (ngumiti ako) importante yun kung gusto mo talagang makatulong sa iba. Pagkaalam sa patutunguhan ng buhay, pagbibigay pansin sa mainam na pagkatuto. Pasensyang tatagal sa tulad ng naabot mo ngayon.

Disguise in Loving You, PARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon