Chapter Eighteen

57 1 0
                                    

Chapter Eighteen

"So, totoo pala.. You lied to me!"

~~

Hindi. Panaginip lang 'to 'diba? Hindi 'to totoo. Hindi ko nakikita si Prea sa harapan ko habang yakap-yakap niya ang taong mahal ko.

"H-hon, you're here. You're alive," umiiyak siya habang yakap niya si Sky. Umalis naman si Sky sa yakap nito at saka humarap sa 'kin. Kitang-kita ko sa mukha niya na naguguluhan na siya. Napatingin din naman sa 'kin si Prea na para bang ngayon niya lang ako nakita.

"Y-yesha? N-nandito ka?" tanong nito. Tumango lang ako.

"Yesha, kilala mo ba 'to?" tanong naman ni Sky sabay turo kay Prea. Nangunot naman ang noo ni Prea at saka tumingin kay Sky.

"Hon ano bang sinasabi mo? Syempre kilala niya ko, pinsan ko siya, remember?" sabi naman nito.

Lumakad papunta sa 'kin si Sky at saka nagsalita, "Yesha, sino ba siya? Kamag-anak ko ba siya? Naguguluhan na 'ko."

Napatingin ako kay Prea at nakita kong naiiyak na siya.

"S-sky, ano bang sinasabi mo? Hindi mo ba 'ko kilala? Asawa mo 'ko Sky! Asawa mo!" sigaw ni Prea. Nakita ko namang napakunot ang noo ni Sky at saka humarap dito.

"Anong sabi mo?" sabi nito.

"Asawa mo 'ko! Sky asawa mo 'ko! Diyos ko, ang tagal ka naming hinanap! Ang tagal kitang hinintay!"

Umiling naman si Sky. "No, hindi 'yan totoo," sabi niya.

Nanlaki ang mata ni Prea at saka nagsimulang umiyak. Maya-maya ay lumapit siya sa 'kin.

"Anong ginawa mo sa kanya Yesha?" tanong nito. Magsasalita na sana ako ng sampalin niya 'ko.

"Yesha!"

Sumigaw si Sky at saka niya ako inilayo kay Prea. "Anong karapatan mong saktan siya ha?" tanong nito.

"Anong karapatan ko? Hindi mo alam Sky! Ang tagal ka naming hinanap tapos nandito ka lang pala at itinatago ng walanghiyang babaeng 'yan!"

Napailing na lang ako.

"Is that true?" tanong naman sa 'kin ni Sky. Napatingin lang ako sa kanya habang nangingilid na ang luha 'ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. A part of me is saying that it's true, the other is not. Hindi ko na alam. Pero siguro nga, silence means yes.

"Totoo 'yun Sky! Isipin mo! Ilang buwan ka ng nawawala, ni hindi man lang nila naisip na nag-aalala ang pamilya mo sa 'yo!"

"No, hindi 'yan totoo!" sabi ko. "Balak na naming iuwi non si Sky, pero nagkaroon ng mga problema. Maniwala ka Prea."

"Hindi 'yan totoo! Alam nating lahat Yesha! Alam nating obsessed ka kay Sky!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Yesha, why did you do this?"

Napatingin ako kay Sky na ngayon ay nakayuko. "Sky.."

"I hate to admit it but she's right! Why did you lie to me? Why? Bakit noong una pa lang, hindi mo tinawagan ang pamilya ko para ipaalam ang kondisyon ko? Na may Amnesia ako kaya hidni ako makauwi sa kanila?" kalmadong tanong niya sa 'kin habang nakayuko siya.

Tumunghay siya at tumingin diretso sa 'kin. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. "B-bakit hindi mo sinabi sa 'kin na m-may a-asawa na pala ako? Why'd you let me fall for you?"

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon