Chapter Twenty Three

79 0 0
                                    

Chapter Twenty Three

"Pwede bang mawala ka na lang?"

~~

PREAS' POV

Anong nararamdaman ko ngayon? MASAYA.

Masaya ako dahil mukhang bumabalik na sakin ang dating Sky. Ang Sky na minahal ko ng lubos. Ang Sky na matagal ko nang hinihintay. Napakasaya 'ko.

Nakakatuwa kanina dahil kinwentuhan ko siya nang mga masasayang bagay nung college kami. Nakakatuwa dahil hindi ko na nakikitang ilang pa siya sa 'kin. Parang nawala 'yun nang parang bula simula kagabi.

Nangako sa 'kin si Sky na ibabalik namin ang dati kahit na wala siyang maalala. At ngayon, mamamasyal kami. Sa wakas, magkakaroon na din kami ng quality time.

Hinihintay naming magbukas ang elevator para makaalis na kami. Minsan talaga ayoko sa ospital. Hindi ko gusto ang amoy. Nakatingin lang ako kay Sky habang nagtatanong siya. Nakangiti pa siya habang nagtatanong nang marinig namin ang pagbukas ng elevator.

Hindi ko inaasahan ang makikita ko. Agad napakunot ang noo ko ng makita ko siya. Hindi niya pa kami nakikita dahil nakatingala siya sa nurse na nagtutulak sa wheel chair niya. Anong ginagawa niya dito? Agad na nabuhay ang galit sa dibdib ko.

Hindi pa sila nakakalabas dahil hinihintay nilang maunang lumabas ang mga nakasakay din sa elevator. Nagsimula nang itulak ng nurse ang wheel chair niya kaya napatingin na siya sa unahan, at tulad namin. Nagulat din siya. Gulat na gulat siya.

Agad akong lumapit sa kanya at hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya.

"Mam! Ba't niyo po ginawa 'yun?" tanong nung nurse sakin habang nag-aalalang nakatingin kay Yesha. Sapo naman nito ang nasampal kong pisngi niya.

"P-prea.." mahinang sambit niya.

"Anong ginagawa mo dito?! Sinusundan mo ba kami?!" galit kong tanong sa kanya. Naglipat naman ang tingin niya sakin papunta kay Sky. Napatingin naman ako dito at nakita kong lumamig ang mukha nito. Malayo sa mukha nito kanina.

Bumaling ako kay Yesha at nakita ko siyang umiiling. Maya-maya'y yumuko na siya.

"Mam tama na po. Kagagaling lang sa check-up niya ang pasyente, so if you'll excuse us." Sabi nung nurse saka niya tinuloy ang pagtulak sa wheel chair. Nakita kong bumaling pa ang ulo niya na parang gusto niya kaming lingunin.

"Halika na Prea." Narinig kong nagsalita si Sky kaya lumingon ako sa kanya at nakita ko na siyang pumasok sa elevator kaya sumunod na din ako.

Tahimik lang kami habang bumibyahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Masyadong mabigat ang atmosphere sa loob ng sasakyan dahil hindi namin akalain na makikita namin si Ayesha dito. Tinignan ko si Sky na tahimik na nagda-drive. Napadako ang tingin ko sa kaliwa niyang kamay nang may makita akong kuminang sa parteng 'yun. Napangiti ako.

"Mabuti at hindi 'yan nawala," sabi ko. Napatingin naman siya sa akin habang nakakunot ang noo niya. Tinuro ko naman ang singsing sa kamay niya.

"Mabuti at hindi nawala ang wedding ring natin." Inulit ko ang sinabi ko habang nakangiting nakatingin sa singsing. Nagulat naman ako nang bigla siyang napa-preno. Mabuti na lang at naka-seat belt ako.

"P-pasensya na. M-may tumawid na p-pusa eh," sabi niya kaya napatango lang ako at ibinaling kong muli ang tingin ko sa wedding ring. Napansin ko naman ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Bakit? Natatakot ba siyang baka maulit yung kanina? Isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya habang nagda-drive siya and I drifted to sleep.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon