Chapter Twenty

68 1 0
                                    

Chapter Twenty

"Kailan kaya dadating 'yung panahon na hindi ko na mararanasan ang sakit?"

~~

Tumigil si Hilda sa pinto ng isang private room. Binasa muna niya ang pangalan na nakalagay sa dingding nito, 'Ayesha Reece Sylvester'. Huminga siya ng malalim at saka kumatok sa pinto nito.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakita niyang gising si Yesha. Nakasandal ito habang nakabaling ang ulo sa malaking glass window ng kwarto.

Agad naman na siyang pumasok at nakita niya si Brando na nakaupo sa sofa malapit sa may bintana at nagbabasa lamang ito. Wala ang nanay ni Yesha, bumalik ito ng Amerika dahil may kailangan itong ayusin pero sinabi naman nitong babalik agad kasama na ang asawa, ang ama ni Yesha.

Lumapit siya sa dalaga at sinenyasan niya si Brando na lumabas muna. Tumango naman ito at agad na sumunod.

"Iha, okay na ba ang pakiramdam mo?" Tumango lamang ang dalaga nang hindi inaalis ang tingin sa bintana. Malungkot ang mga mata nito. Alam niyang malungkot at nasasaktan ito.

Malungkot dahil nandito na naman ito at nakahiga sa apat na sulok ng kwartong ito. Alam niyang ayaw na ng dalaga na ma-ospital ito ngunit wala din naman itong magagawa.

Isama pa ang nararamdaman nitong sakit dahil sa pag-alis ni Sky. Hindi na niya alam kung ano pa ang ipapayo niya sa dalaga. Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Si Sky?" Mahinang ngunit dinig niyang tanong ng dalaga.

Natigilan muna siya bago niya ito sinagot. Dahil tulad ng inaasahan niya , ito ang unang itatanong nito.

"Maayos siyang nakauwi sa pamilya niya. 'Yan ang sabi ng inutusan mong sumunod sa kanila."

Malungkot na ngumiti ang dalaga dahil alam niyang tapos na ang papel niya sa buhay ng binata. Alam niyang galit ito sa kanya.

"Iha.." Hindi niya alam na tumulo na ang luha niya. Nag-alala naman si Hilda dahil sa pag-yak nito. Agad niya itong inalo dahil bawal dito ang umiyak ng sobra.

Hindi niya alam kung anong gagawin sa dalaga kung kaya't napapikit na lamang siya at nagdasal na sana'y hindi na mahirapan pa ang pamangkin niya.

'CLAUSON FAMILY HELD A VERY PRESTIGIOUS PARTY AFTER THE COMEBACK OF THEIR ONLY HEIR..'

'Yan ang headline sa TV. Nanonood kasi si Ayesha ng pelikula habang nakasandal siya sa headboard nang biglang magkaroon ng News Flash. Isang linggo lang ang nakakalipas pero kalat na sa buong bansa ang pagbabalik ng tagapagmana ng mga Clauson.

Hindi niya maikakailang popular talaga ang pamilya nila Sky sa buong bansa dahil sikat ang mga ito bilang pinakamahuhusay na businessman sa Asya.

Ngayong napapanood niya ito sa telebisyon, hindi niya maiwasang maisip na ang layo-layo na naman nito sa kanya.

Hindi na niya ito maabot.

Sa loob ng isang linggong 'yun, sandamakmak na interviews at press conference ang in-attendan nito. Lahat ay hindi makapaniwala na buhay pa 'to, dahil sa mahigit isang taon din itong nawala.

Sinasagot naman nila lahat ng tanong ng media pero nasisilbing misteryo pa rin sa mga ito kung paano ito nakaligtas.

Hindi kasi nila sinasabi kung sino ang tumulong sa binata.

Kinuha niya ang dyaryo sa gilid ng kama at tinitigan doon ang litrato ng binata. Nakangiti ito at halata sa mukha nito ang sobrang kasiyahan. Nakaramdam din siya ng tuwa para dito.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon