Chapter Five

65 2 0
                                    

Chapter Five

"Aasahan ko yan.."

~~

Gulong-gulo na siya. Isinarado niya ang sketchbook at saka kinuha ang kanyang cellphone na nakapatong sa lamesa. Nag-dial siya at itinapat sa tenga ang cellphone. Matapos ng limang ring ay may sumagot na sa kabilang linya.

[Hello?]

"Y-yesha," nauutal niyang sambit sa pangalan nito.

[Bakit?] halata pa rin ang galit sa boses nito.

"P-pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya dito.

[Gabi na Prea. Uuwi na din kami ni tita.] paliwanag nito sa kanya.

"B-bukas? P-pwede ba kitang makausap bukas? Alam kong hindi mo pa ako kayang harapin Yesha. But please, gusto kitang makausap," pagsusumamo niya dito.

Sandaling tumahimik ang kabilang linya, maya-maya'y nakarinig siya ng pagbuntong-hininga.

[Sige. 9am, sa coffee shop sa tapat ng school] dire-diretsong sabi nito.

"Salamat, Yesha.." sabi niya dito, pero hindi na siya nakarinig pa ng tugon mula sa kabilang linya dahil binabaan na siya nito.

Kinabukasan, agad siyang nagising at nagbihis. Kailangang mas mauna siya kaysa sa pinsan niya.

Pagkabihis ay agad siyang umalis. Nagtataka man ang mga magulang niya dahil sa pagmamadali niya ay hindi na niya pinansin iyon.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon