Chapter Eight

65 3 0
                                    

Chapter Eight

"Hindi pwede Yesha. Huwag mong ipilit."

~~

PREA'S POV

"Ano?! Wala pa ding balita? Ayusin niyo naman! Hindi pwede.. Hindi pwedeng hindi niyo siya makita!"

Rinig na rinig ko ang pag-sigaw ng tatay ni Sky. Galit na galit ito dahil hindi pa din makita kung nasaan siya. Nakatulala lang ako, wala ngang luhang lumalabas sa mga mata ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko pero hindi ko magawang umiyak.

Siguro, napagod na ang mga mata ko. Mahigit dalawang linggo na nang mangyari ang aksidenteng naging dahilan kung bakit hanggang ngayon nawawala pa din ang asawa ko. Aksidenteng naging dahilan kung bakit nagkakagulo na ang pamilya namin ngayon.

Ang mama ni Sky, nasa ospital ngayon dahil daw sa stress. Ang tatay naman niya, palaging tumataas ang blood pressure. Hindi ito tumitigil hangga't hindi nakikita ang anak niya. Madali din siyang ma-frustrate.

Sina mama at papa, pinagsasabay ang pagta-trabaho at pag-aalaga sa akin.

Ako?

Ito, nakatulala at hindi alam kung ano ang gagawin. Para akong buhay na patay.

Sinisisi ko pa din ang sarili ko sa lahat ng nangyari dahil kung hindi ko sinabi sa kanya na gusto kong mag-cruise, hindi mangyayari ang bagay na ito.

"Anak, ayos ka lang ba? Kumain ka na. Kahapon ka pa hindi kumakain, nag-aalala na kami sa'yo," sabi ni mama habang nakahawak sa balikat ko.

"Maiwan ko na muna kayo, Arnold, Ana. Kailangan ko pang sunduin si Vivien sa ospital. Makakalabas na kasi siya ngayon," narinig kong paliwanag ni Papa (tatay ni Sky).

"Papa.." sabi ko sabay tayo na siyang ikinagulat niya, "Gawin niyo po ang lahat para makita siya," tumigil ako sandali para kumuha ng hangin.

"Miss na miss ko na po si Sky," hindi ko alam kung anong nangyari pero naramdaman ko na lang na lumapit sakin si Papa at niyakap ako. Naramdaman ko ding basang-basa na pala ang pisngi ko dahil sa luha, hinahaplos na din ni mama ang likod ko.

Akala ko wala nang lalabas na luha sa mga mata ko, nagkamali ako. Naipon lang sila, at naghintay ng pagkakataon para lumabas.

"Shh~ Don't worry anak. I will do my best to find your husband, my son," sagot niya sakin na nakapag-pagaan ng loob ko.

Somehow, I felt relieved.

Sana. Sana makita na si Sky.

Hindi ko kayang mawala siya.

"Sige iha, mauna na ako at nag-aantay na sakin ang mama mo," sabi ni Papa sakin. Tumango ako sa kanya.

"Sige Ana, Arnold," sabi niya sabay tingin kina mama.

"Mag-iingat ka," sagot naman ng mga ito.

Tuluyan ng umalis si Papa. Di naglaon umalis na din sina Mama at Papa para sa trabaho nila.

"Are you sure na magiging okay ka lang anak?" tanong ni mama.

Tumango lang ako.

"Nandiyan naman si Lyn eh. Babantayan ka niya. Uuwi agad kami ng Papa mo," sabi niya na para bang pinapagaan ang loob ko.

"Opo sige," sagot ko na ikinatuwa naman nila. Akala nila siguro hindi na naman ako sasagot sa kanila.

"Sige, dito ka na muna anak," hinalikan ako ni mama sa pisngi at niyakap naman ako ni papa bago sila umalis.

Borrowed MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon